Chapter 2
Horse
Bumalik ako sa kwarto ni Tita dahil nakalimutan kong dalhin ang bag ko, andoon nga pala ang pera ko.
Buo na ang desisyon ko. Kung mali man itong pinasok ko ay bahala nalang silang humusga. Talagang desperada na akong magka-pera.
Bumuntong hininga ako at kinuha na ang aking bag. Lumingon ako sandali sa likod ko at nakita ko si Tita na mahimbing nang natutulog.
Lumapit ako sakanya at masuyong hinaplos ang pisngi niya. Para sakanya itong gagawin ko.
Kaagad kong binawi ang kamay ko nang makita ko siyang unti unting dinilat ang kanyang mga mata.
Kumunot kaagad ang noo nito saakin at bumaba ang tingin sa dala kong sling bag. Mukhang nagtataka siya dahil aalis ako ngayon.
Kalaunan ay napatingin siya sa wall clock na naroon. Alam kong hindi pa dapat ako umalis dahil mas'yado pang maaga para sa duty ko, pero hindi naman iyon ang dahilan ng pag-alis ko.
She sighed. "Aalis na agad? Wala pang 2pm, ah." mahinang sabi nito saakin.
Tumikhim ako. "Uhm, kakausapin pa daw po ako ng may-ari." palusot ko sakanya.
Napapikit ako ng mariin, hinding hindi ko talaga kayang mag-sinungaling sakanya. Hindi ko din alam kung bakit.
At mas lalong hindi ko kayang sabihin sakanya kung anong gagawin ko para makakita ako ng pera.
Bumuntong hininga ulit ako. Alam kong sinabi ko sakanila kahapon na kahit anong mangyari ay hinding hindi ako makakapayag sa gusto nila.
Pero, heto na ako, nagpapaka-desperada para makakuha ng malaking pera, na siyang magagamit ko sa pagpapagamot kay Tita.
"Nagsisinungaling ka nanaman saakin, Yesh. Saan ka ba talaga pupunta?" takang tanong nito saakin.
Umiwas ako ng tingin sakanya. Eto na nga ba ang sinasabi ko, mahahalata niya talaga ako kapag nagsi-sinungaling ako.
I sighed, pagkatapos ay umiling ako. "Wala po, sa restaurant po na pinagta-trabahuhan ko." sagot ko sakanya.
Bumuntong hininga siya. "Siguraduhin mo lang na marangal iyang trabaho na pinapasukan mo. Huwag kang gagaya sa iba na handang i-benta halos ang katawan para magka-pera." mariing sabi nito saakin.
Para naman akong binuhusan ng tubig doon sa sinabi niya. Talagang sapul na sapol ako doon kahit hindi ako ang pinapatamaan niya.
Nanatili akong tahimik at yumuko na lamang. Kahit naman hindi kami mas'yadong ayos ni Tita ay ayaw niyang magagaya ako sa ibang mga babae.
Pero, tuluyan na nga ba akong magagaya sa iba? Iyong desperadang magkapera at handanh ibenta ang katawan.
Siguro nga ay talagang desperada na ako. Kahit anong pagmamatigas ang gawin ko, talagang lalambot at lalambot ako kapag naiisip ko ang kapakanan ni Tita.
"Bakit hindi ka sumasagot!? Huwag mong sabihin saakin— Lintek kang bata ka! Lumayas ka na!" sigaw nito sabay taboy saakin.
Lumunok nalang ako at tuluyang umalis doon sa kwarto niya. Hindi ko nanaman napigilan ang umiyak.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na pasakay na ngayon sa jeep habang nakatingin pa rin dito sa calling card.
Sana lang ay nadaan din dito pati ang jeep, dahil kung hindi ay baka maglakad pa ako ng napakalayo para lang makarating sa mismong bahay nila.
Hanggang sa nakita ko na ang papasok sa mismong bahay nila Kane. Saktong tumigil naman ang jeep.
"Kuya, hindi po ba ito papasok hanggang sa loob?" tanong ko sa driver.
BINABASA MO ANG
Night of Paradise (CNS#3)
RomanceCasa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father. What else can wealth do, if your father does not love you. Wanted his father to love him, he will d...