Chapter 18

686 29 0
                                    

Chapter 18

Last



Akmang aalis na sana ako sa gate nila nang biglang may mahagip ang mga mata ko. Natigilan ako nang makita si Kane na nasa hindi kalayuan.

Lumunok ako. Anong ginagawa niya doon? Nandoon lang siya sa likod ng puno, akala niya yata ay hindi ko siya makikita.

Wala sa sariling napa-higpit ang kapit ko sa strap ng bag ko. Bakit siya nagtatago roon?

Hindi naman ako umaasa na susundan niya ako, ayoko din naman ng ganoon dahil baka mamaya ay biglang mag-bago ang isip ko.

Alam niyo naman, hindi ko alam kung anong takbo ng isip ko, lalo na pagdating kay Kane.

Nanatili ang titig ko sakanya, bigla namang nagtama ang paningin naming dalawa, walang umiwas ng tingin saaming dalawa.

Hindi ko alam kung kakaway ba ako sakanya para magpaalam or kung aalis nalang ako bigla.

Natatakot akong kausapin siya, natatakot akong makita ang itsura niya… baka mamaya ay mag-bago ang plano ko.

Suminghap ako nang dahan dahang lumapit saakin si Kane. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Where are you going?" madilim na tanong nito saakin.

Lumunok ako, pakiramdam ko ay matutulos ako sa kinatatayuan ko dahil sa dilim ng boses niya.

Taas noo ko siyang hinarap. "Sa lugar kung saan wala kayo," matigas kong sabi sakanya.

Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay wala na niya talaga ang dahilan kung bakit ako aalis dito.

Kunware nalang ay wala siyang alam doon para mas mapahaba pa ang usapin naming dalawa.

Akala niya siguro ay hindi ko alam kung anong binabalak niya. Pahahabain niya ang usapan namin, at pagkatapos no'n ay pipigilan akong umalis.

Wala sa sariling napangisi ako sakanya, na siyang ikananuot ng noo niya.

"Saan ka pupunta?" ulit niyang tanong saakin sa matigas na Tagalog.

Suminghap ako. "Kung saan wala nga kayo, hindi mo naiintindihan?" iritang sabi ko sakanya.

Wala sa sariling napatingin ako sa likod ko, nandoon si Kidd at pinapanood lang kaming dalawa.

Nakita kong sinenyasan ni Kane si Kidd na umalis na, kaya naman wala pang limang segundo ay nawala na ito sa paningin namin.

Muling bumalik ang tingin ko kay Kane at ganoon din siya saakin. Muli siyang napatingin sa dala kong bag.

"Hindi mo kailangang umalis, Yesh." ngayon ay naging maamo na ang kanyang boses.

Umirap ako sa kawalan. "Hindi mo kasi ako naiintindihan. Kung ikaw ang nasa posisyon ko, aalis at aalis ka din dito kapag nalaman mong niloloko ka nilang lahat."

Sa sinabi kong iyon ay narinig ko siyang marahas na bumuntong hininga. Umiling ako sakanya.

"Aalis ka ba… dahil sa mga nalaman mo?" nahihirapan niyang tanong saakin.

Tumango ako. "Malamang, ano pa ba ang magiging dahilan ko?" tanong ko sakanya.

Bumuntong hininga siya. "Gusto ko lang malaman k-kung saan ka pupunta?" naka-iwas na tanong nito saakin.

Hindi muna ako makasagot sakanya, miski kasi ako ay hindi ko alam kung saan nga ba ako pupunta.

Sa isip ko, sa hospital lang naman talaga ako pupunta sa bahay lang naman namin ni Tita.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon