Chapter 28

891 35 4
                                    

warning: r-18

Chapter 28

Regrets




Pasalamat si Kane dahil walang laman ang basong hawak ko, kung hindi ay baka nasaboy ko na ito sa pagmumukha niya.

Nagpapatawa ba siya doon sa sinabi niya? Or sadyang wala lang talaga siyang magawa? Bakit naman kasi ako magseselos, 'di ba?

Miski ako, hindi ko din alam kung bakit ko iyon nagawa kay Shiela. Siguro ay dahil naiinis ako sakanya na hindi niya ako magawang kausapin, pero pagdating kay Kane.

Tama naman ako. Iyon lang naman talaga ang dahilan kung bakit ko sinasyang tapunan siya ng tubig.

Kalaunan ay nag-angat ako ng tingin kay Kane at pagkatapos ay humagalpak ako ng tawa.

"Oh, tapos? Anong pinagsasabi mo d'yan?"  halos sumakit na ang tiyan ko sa katatawa sakanya.

Habang ako ay tawa ng tawa, siya naman ay nanatiling seryoso ang tingin saakin, bakas ang irita sa mukha niya.

Tumikhim ito. "What's so funny?" iritang tanong nito saakin.

Itinaas ko muna ang kamay ko, senyales na sandali lang dahil tawang tawa pa din talaga ako.

Kalaunan, nang medyo humupa na ang tawa ko ay 'tsaka ko lang siya nagawang sagutin.

"Iyong sinabi mo. Hindi ko naman alam na joker ka din pala minsan. Na sa'yo na yata ang lahat, e!" biro ko pa sakanya.

Kumunot ang noo niya. "Joker? I'm not joking, Yesh." matalim na sabi niya saakin.

Naputol ang tawa ko. "Ay, hindi ba joke 'yon? Mukha kasing joke." at muli akong humagalpak ng tawa.

Narinig kong suminghap siya. Nang balingan ko siya ng tingin, nakatingin siya sa kalangitan, mukhang malalim ang iniisip.

"Then, why did you do that to her?" takang tanong nito saakin.

I sighed. "Ang alin?" tanong ko din sakanya.

Bumaba ang tingin nito saakin at pagkatapos ay binigyan ako ng matalim na tingin.

"Sinabuyan mo siya ng tubig," sabi niya sabay lunok ng malalim.

I chuckled. "Sinabuyan? Baka nasabuyan! Nasagi ko lang naman kasi siya dahil paharang harang ang paa niya sa dinadaanan ko. Hindi ko naman sinasadya." paliwanag ko.

Umiling siya. "Nope, nakita kong sinadya mo." may awtoridad sa boses niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Unting unti nalang ay malapit na akong sumabog talaga sakanya.

"Bakit ba parang mas alam mo pa ang nangyari kaysa saakin? I said, hindi ko nga sinasadya." inis na sabi ko.

"Edi hindi mo na sinasadya. Tapos." pagkasabi niya niyon ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo.

Napaawang ang labi ko sa ginawa niyang iyon. Did he just walkout in front of me? Ang kapal na talaga ng mukha niya!

"Saan ka pupunta!" napalakas ang boses ko, dahilan para kaagad siyang mapalingon saakin.

Mabuti nalang ay hindi pa siya tuluyang nakalalabas ng tent, kaya naman narinig niya ang sigaw ko.

Tinuro niya ang labas, doon sa site kung saan nakita ko roon si Shiela na naglalakad.

"Sasamahan ko siya roon," sabi niya saakin at agad itong tumalikod.

Nalaglag ang panga ko roon. Kalaunan ay pinanood ko siyang lumabas ng tent, hanggang sa maglakad ito patungo sa pwesto ni Shiela.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon