Chapter 20
Understand
Halos matulos ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang boses na iyon at maramdaman ang hawak niya saakin.
That touch… it seems so familiar, pero alam kong imposible ang mga naiisip ko, lasing lang ako.
Pinilig ko ang ulo ko sa mga naiisip ko, tama nga, lasing lang talaga ako. Hallucinations lang itong lahat.
Muli akong nadulaw habang ang nasa likod ko ay hinihimas ng malumanay ang likod ko, halos itali niya na din ang buhok ko.
Kahit na gusto ko siyang lingunin ay hindi ko magawa, natatakot lang ako na baka mamaya ay mas lalong lumala ang hilo ko.
Napabuntong hininga ako at hingal na hingal habang nakadungaw sa bowl, pinapakiramdaman ang aking sarili.
Kahit paano, nang maisuka ko ang lahat ay medyo umayos naman na ang pakiramdam ko, medyo nahihilo nga lang.
Nang matapos, 'tsaka lang ako humarap sa harapan ko at ganoon nalang ang gulat ko nang makita kung sino iyon.
Kinusot ko pa ng ilang beses ang mga mata ko, nagbabaka sakaling nananaginip lang ako, pero hindi!
Tama ba itong nakikita ko? Nandito siya sa harapan ko mismo, nakatayo at nakadungaw saakin na nakaluhod.
Ilang beses akong kumurap, hindi pa din makapaniwala na siya pala iyong tumulong saakin kanina.
Pero, hindi ko maipag-kakaila na sobrang pamilyar saakin ng amoy at hawak niya sa katawan ko.
Paanong siya ang nandito at hindi ang naiisip ko? Posible nga bang dulot lang iyon ng kalasingan ko?
Malamang, Yesh, wala namang ibang dahilan kung bakit biglaan siyang pumasok sa isip ko.
Nang tignan ko siya, mukhang hindi na siya nagulat nang makita ako. Marahil ay kanina pa niya alam.
Tumikhim ako. "Ikaw pala 'yan, Kidd…" naiilang kong tawag sakanya.
Oo, si Kidd lang naman ang nasa harapan ko at wala nang iba. Hindi ko nga alam kung bakit ako disappointed dito.
Bakit, umaasa ba ako na baka siya nga ang makikita ko? Na baka tama nga ang hinala ko? Pero doon ako nagkakamali.
Tipid niya akong nginitian. "Nice meeting you again, Yesh." nakangiting sabi nito saakin.
Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya pabalik or ano, parang may parte kasi saakin na naiilang ako sakanya.
Umiwas ako ng tingin sakanya at bumaba nalang ang tingin sa sahig. Nahihiya ako sakanya, nadatnan niya lang naman akong lasing.
Akmang tatayo na sana ako nang bigla akong bumagsak sa sahig pero hindi nangyari iyon dahil kaagad niya akong sinalo.
Napaawang naman ang labi ko. Kasalukuyan na siyang nakahawak sa beywang ko ngayon, samantalang ako ay nakahawak sa mga braso niya.
This feels so nostalgic, kaya lang ay magkaibang tao sila ngayon. Naalala ko bigla si Kane…
Speaking of him, bakit ba nitong mga nakaraang araw ay siya ang pumapasok sa isip ko? Wala na akong pakealam sakanya.
Mukhang parehas kaming natauhan dahil parehas kaming bumitaw sa isa't isa, suminghap ako.
"Ayos ka lang? Hindi mo pa kayang tumayo ng maayos." sabi nito sabay tingin saakin mula ulo hanggang paa.
Lumunok ako doon sa sinabi niya. Tama siya doon, hindi ko pa nga kayang tumayo dahil medyo nahihilo pa ako.
Hindi ko alam kung tatango ba ako sakanya or ano. Nakakahiya na mas'yado sakanya.
BINABASA MO ANG
Night of Paradise (CNS#3)
RomanceCasa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father. What else can wealth do, if your father does not love you. Wanted his father to love him, he will d...