Chapter 8

701 32 3
                                    

Chapter 8

Unexplainable



Tumalikod na ako sakanila dahil sa tingin ko ay wala naman na akong sasabihin pa. Narinig ko rin kasing nag-uusap na silang dalawa.

Muli akong lumingon kila Ivy at nakita ko nga silang mukhang may pinag-uusapan na doon.

Bumuntong hininga nalang ako atsaka umakyat na sa kwarto. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Sa dinami dami ng tao na bibisita dito sa bahay ay ang kaibigan ko pa talaga. Ang liit talaga ng mundo.

Muli akong nagpakawala ng buntong hininga at umupo nalang sa kama. Nakaka-stress naman.

Kalaunan, nadako naman ang tingin ko doon sa sahig, kung saan nandoon ang mga pinamili namin.

Oo nga pala, muntik ko nang malimutan na bumili nga pala kami ni Kidd kanina ng mga damit ko.

Isa isa kong kinuha ang paper bag at lahat ng laman niyon at nilabas ko, para mamaya ay maayos ko na sa cabinet.

Ang gaganda talaga ng mga pinamili niya saakin, halatang mamahalin at parang hindi babagay saakin.

Sinubukan ko muling isukat ang dress na talaga namang nagustuhan ko.

Parang sa buong buhay ko nga ay ngayon lang ako naka-suot ng ganitong ka-ganda na dress.

Tumingin ako sa salamin at tinignan ang aking sarili. Pakiramdam ko tuloy ay para na akong prinsesa.

Prinsesa sa ngayon, pero alam kong hindi magtatagal ay malalaman ni Sir Luicito ang katotohanang niloloko lang namin siya.

Siguradong babalik nanaman ako sa kangkungan nito. Hindi lang sigurado, talagang doon naman ang bagsak ko.

Natawa nalang ako sa mga iniisip ko. Mas mabuti na iyong advance akong mag-isip, alam ko naman pati na mangyayari at mangyayari iyon.

Natigilan lang ako sa pag-susukat ng damit nang biglang bumukas ang pinto at pumasok roon si Kidd.

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi naman ako hubad nang nadatnan niya dito.

Kumunot ang noo niya at dahan dahan itong lumapit saakin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Bagay sa'yo," tukoy niya sa dress na suot ko.

Agad naman akong pinamulahan at muling napatingin sa salamin. Pakiramdam ko ay hindi bagay saakin.

"Hindi kaya, hindi kasi ako sanay na mag-suot ng mga ganito." pag-amin ko sakanya ng totoo.

He chuckled. "Ayos lang, bagay pa rin naman sa'yo." sabi niya sabay kindat saakin.

Napangiwi nalang ako sakanya nang makita siyang kinindatan ako. Kahit kailan talaga.

Pero kahit paano, masaya naman ako dah parang close ko na nga silang magkakapatid, nagagawa na din niya akong biruin sa kung saan saan.

Pinanood ko siya hanggang sa umupo na siya sa kama, muli niyang sinuot ang specs niya at kinuha ang kanyang libro.

Kanina pa talaga may gumugulo sa isipan ko at hindi ko na kayang hindi itanong ito sakanya.

Ayoko namang lumabas ako na parang nang-hihimasok sa buhay nila, pero gusto ko lang naman malaman.

Dahan dahan akong lumapit sakanya. Ayoko talaga siyang abalahin sa ginagawa niya, pero eto na ang pagkaka-taon ko.

Tumikhim ako para mapansin niya, kaagad naman siyang nag-angat ng tingin saakin at tinignan ako sa likod ng specs niya.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon