Chapter 4
Phone
Hanggang sa makauwi na ako sa palasyo, este sa mansion ay hindi pa din mawala sa isip ko ang sinabi saakin ni Tita kanina.
Oo nga, ngayong dito na ako nakatira, sino na ang mag-aalaga kay Tita roon? Hindi ko naman siya puwedeng pabayaan nalang doon.
Bumuntong hininga na lamang ako. Hindi ako makapag-isip ng maayos ngayon. Dumagdag pa sa isipin ko ang perang pinadala kay Tita.
Kailangan niya iyong tanggapin dahil para saaming dalawa naman iyon. Ang kaso lang, hindi ko alam kung paano maipapaliwanag sakanya.
Anong sasabihin ko? Saan galing ang perang iyon? Wala namang mayamang kamag-anak si Tita.
Ang dami talagang pumapasok sa isip ko ka kung ano ano. Sobrang komplikado talaga ng sitwasyon ko ngayon.
Iniisip ko, para mapanatag ang loob ko na maayos lang ang kalagayan ni Tita ay dito ko rin siya patitirahin.
Pero, hindi ba mas'yado namang makapal naman ang mukha ko kung ganoon ang gagawin ko?
Tama. Makapal nga ang mukha ko kung gagawin ko iyon. Siguro, papaubaya ko nalang siya sa mga kapitbahay namin.
Kaagad naman akong napa-ismid sa kaisipang iyon. Nakalimutan kong halos lahat pala ng kapitbahay ay kaaway namin ni Tita.
Wala sa sariling napasabunot nalang ako buhok ko. Argh, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.
Nakarating na ako sa bahay nila, hapon na ngayon at naabutan ko pa sa labas na nakalabas ang mga kabayo.
Nang nasa sala na ako, nakita ko roon ang magkakapatid na kanya kanya ng mga ginagawa.
Si Kane naman ay nasa likod ko, sinusundan ako sa kung saan ako pupunta. Para siyang kabute na sunod nalang ng sunod saakin.
Umakyat na ako sa kwarto para mag-bihis. Sa walk in closet ako pumasok para makapag-bihis at sinigurado kong lock iyon.
Naalala ko tuloy iyong nangyari kahapon, mabuti nalang at parang wala lang iyon para kay Kidd.
Nang matapos makapag-palit ay napag-desisyunan kong bumaba muna sa sala para makisama sakanila doon.
Hindi naman sa gusto kong magpaka-feeling close sakanila, ang gusto ko lang naman ay maka-gaanan sila ng loob.
Nang makita ako ni Vin at Lucius ay nginitian lang nila ako at nilahad saakin ang isang couch doon.
Umupo ako doon, pinapanood kung anong mga ginagawa nila. Si Lucius ay gumagawa yata ng assignment, samantalang si Vin ay nagpe-paint.
Hindi ko naman maiwasang mamangha doon sa ginuguhit niya. Parehas pala kaming dalawa na mahilig sa arts.
Gusto ko sana siyang kausapin, kaso lang ay medyo nahihiya ako. Kung si Kidd siguro ito or si Kane ay baka kinausap ko na ito.
Pinanood ko lang siya habang nagpi-pinta ng kung ano. Base sa nakikita ko sa mga ginuguhit niya, mukhang malaking puno ang pinipintahan niya.
Napailing ako and the same time ay sobrang namamangha sakanya. Ganyan din ako, e. Kapag walang magawa, tamang guhit or pinta.
Kahit paano naman ay may pambili ako ng mga paints, lalo na at kailangan namin iyon sa school.
Tumikhim ako. "Uhm, mahilig ka din pa lang mag-paint." mahina kong sabi kay Vin na nakatalikod saakin.
Dahan dahan naman siyang lumingon saakin, nakakunot ang kanyang noo, kalaunan ay binalik ang tingin sa pinipinta.
BINABASA MO ANG
Night of Paradise (CNS#3)
RomanceCasa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father. What else can wealth do, if your father does not love you. Wanted his father to love him, he will d...