Chapter 15

697 24 1
                                    

Chapter 15

Hug



Naguguluhan na ako sa mga nangyayari ngayon. Halos wala na ngang pumasok sa isipan ko ngayon.

Hindi ko na din namalayan na nakauwi na pala kami sa bahay. Kaagad naman akong hinila ni Kane papasok.

Samantalang ako, para akong lumulutang habang hila hila niya. Hindi pa din ma-proseso ng utak ko ang mga nangyari.

Sa dami ng pumapasok sa isipan ko, dumagdag pa iyong tungkol sa Tita ko. Iyong tuwang tuwa siya dahil madami siyang pera.

Tama pala ang sinabi ng mga kapitbahay, na may bagong lalaki talaga si Tita. At kung sino? Halos hindi ko na masikmura.

Bakit sa dinami dami ng tao ay bakit si Sir Luicito pa? Ang dami ko nang nagawa para sakanya, tapos dagdag pa sa Tita ko.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Ang malala pa dito ay sa video ko mismo nalaman, doon sa kumalat.

Sirang sira na nga ang imahe ko, mas lalo pa iyong nasira ngayon. Hiyang hiya na ako sa mga estudyante sa school.

Paano na iyan ngayon? May mukha pa ba akong maihaharap sakanila? Sa dami ng nangyari, hindi ko na alam.

Lalo na't alam ko ang mga nasa isip ng mga nasa estudyante. Parang sa video na iyon, napatunayan nila na gold digger nga ako.

Pero ang totoo ay hindi naman talaga. Napadumi lang ang pangalan ko nang dahil sa video na iyon, pero kung tutuusin ay wala akong ideya doon.

Kung bakit pa kasi dumagdag si Tita sa iisipin ko. Natatakot tuloy ako na baka ang pag-bibigay ni Sir Luicito ng pera kay Tita ay siyang may kapalit pala.

Sa kaisipang iyon ay halos sumabog na ang ulo ko dahil sa galit. Subukan niya lang na may kapalit, papasabugin ko na itong bahay nila.

Dali dali akong pumasok sa kwarto at doon ay napadapa na lamang ako at sumubsob sa kama.

Hindi nag-tagal, narinig kong bumukas ang pinto at kalaunan ay naramdaman kong lumubog ang kama sa katabi ko.

Sa presensya pa lang nito, alam kong si Kidd iyon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, basta ramdam ko lang.

Tumikhim ito. "Uhm, I saw the video..." panimula niya.

Mas lalo ko namang sinubsob ang mukha ko doon sa kama. Ngayong pati siya ay alam na, mas lalo akong binahid ng hiya.

Tatay niya iyong nasa video at kasama doon ang Tita ko. Hindi man ako iyong nasa video, pero ako ang nahihiya para sakanya.

Bakit kasi? Bakit nagkaka-gulo ang buhay ko? Ano nalang iisipin saakin ng mga tao? Na maduming babae ako, kasama ang Tita ko.

Suminghap ako at hindi makasagot sakanya. Nanatili lang akong nakasubsob doon, halos hindi na makahinga.

Bumuntong hininga ito. "Ako na ang humihingi ng pasensya. Alam kong si Dad ang may pakana nito." sabi nito saakin.

Hindi ko alam kung babangon ba ako dahil doon sa sinabi niya, pero dahil sa kuryosidad ay bumangon ako.

Nang mag-tama ang paningin namin ay napakunot ang noo ko.

"Anong sabi mo? Paanong si Sir Luicito ang may pakana?" naguguluhang tanong ko sakanya.

Suminghap ito. "Alam kong si Dad ang unang lumapit sa Tita mo. That's it." matigas na sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Paano ka naman nakakasigurado d'yan?" takang tanong ko dito.

"Napapansin ko na madalas na umaalis si Dad. Isang beses ko siyang dinalaw sa office niya, pero iyon pala ay wala siya. So I conclude na may babae siya." nahihirapang sagot niya.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon