Chapter 25
Casa Novia
At dahil nga wala ako ng ilang araw, kaagad kong sinabihan si Engineer Selarda na siya muna ang bahala sa site.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang sinabi niyang ayos lang naman daw iyon at babalitaan nalang daw niya ako.
Medyo pagaling na din ang sugat sa noo ko pero hindi ko maiinda na medyo mahapdi pa din talaga iyon.
Pababa ako ng bahay nang saktong makasalubong ko si Andri. Kaagad na nanlaki ang mga mata niya saakin.
"Oh! Anong nangyari sa noo mo?" alalang tanong niya saakin.
Dahan dahan siyang lumapit saakin para haplusin ang bandang noo ko. Kaagad naman akong napaigik sa ginawa niya.
"Nauntog lang. Malayo sa bituka 'to," natatawang sinabi ko pa sakanya.
Napanguso siya saakin at kalaunan ay napatingin sa likod ko, napatingin din ako doon at nakita si Ivy na pababa na din ng hagdan.
"Oh, nauntog ka din?" takang tanong ni Andri sakanya.
Kumunot ang noo ni Ivy. "What?" gulat na tanong niya.
Andri chuckled. "Ang lampa niyo naman parehas, talagang sabay pa kayong nauntog, ah?" biro pa niya saamin.
Sandali kaming nagkatinginan ni Ivy at kalaunan ay tinaasan niya ako ng isang kilay, inirapan ko lang siya.
Kalaunan ay nagpaalam na si Andri at sinabi saaming uuwi na daw siya dahil madami pa siyang mga aasikasuhin.
Niyakap niya kaming sabay ni Ivy, kaya naman wala na akong magawa kun'di ang yakapin nalang pabalik si Ivy.
Nang mawala sa paningin namin si Andri, kitang kita ko naman si Ivy na pinunasan ang kanyang damit, para bang nandidiri ito dahil niyakap ko siya.
Wala sa sariling napairap nalang ako. Ang arte naman niya mas'yado. Akala mo naman kung ano na.
Sa huli ay iniwanan ko nalang siya doon. Wala akong oras para makipag-usap sa isang platic na gaya niya.
Saktong pagbalik ko sa taas ay nadatnan ko doon si Kane na inaayos ang manggas ng suot niyang damit.
Natigilan siya nang magtama ang paningin namin. Kaagad na dumiretso ang tingin niya sa bandang noo ko.
Dahan dahan siyang lumapit saakin, samantalang ako ay wala nang nagawa para umatras pa sakanya.
Masuyo niyang hinaplos ang noo ko kung saan doon ako may sugat. Hindi manlang ako umigik kahit alam kong nahahapdian na ako sa ginagawa niya.
"M-May sugat ka?" nauutal niyang tanong saakin.
I sighed. "Obvious ba?" sarkastiko kong tanong sakanya.
"Bakit hindi mo saakin sinabi?" hindi makatinging tanong niya saakin.
Huh? Ano namang pakealam niya kung nagkaroon man ako ng sugat sa noo. At isa pa, obligasyon ko ba na sabihin sakanyang nagkasugat ako?
Bakit? Sino ba siya saakin? Hindi ko siya kaibigan. More like, magkakilala lang naman kaming dalawa.
I chuckled. "Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" natatawa kong tanong sakanya.
Kumunot ang noo niya. "So that I can heal your wound," sabi niya sabay tumikhim siya.
"Maayos na ang sugat ko, ginamot naman na ako ni Kidd." madiin kong sinabi sakanya.
Dahan dahan siyang tumango. Samantalang siya naman ay nakayuko saakin, parang tutang hindi pinakain ng ilang araw.
"By the way. About your room, iisa nalang kasi ang available na guest room kaya doon ka nalang." sabi niya sabay angat ng tingin saakin.
BINABASA MO ANG
Night of Paradise (CNS#3)
RomanceCasa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father. What else can wealth do, if your father does not love you. Wanted his father to love him, he will d...