Chapter 26

816 29 0
                                    

Chapter 26

Love



I stared at him for a second. Hindi pa din ako makapaniwala na talagang tutuparin niya ang pangako niya saakin noon. Akala ko talaga ay mababaon nalang iyon sa limot.

But, I was wrong. Ito na 'yong sinasabi niya saakin noon. Talagang tinupad niya. Isang salita lang talaga siya.

Kahit na ilang taon kaming hindi nagkita, pero eto pa din at hindi siya nag-dalawang isip para tuparin ang pangako niya saakin.

I really don't know what to feel. Kung dapat ba akong matuwa or dapat akong mainis sakanya dahil baka ginawa niya lang ito dahil sinabi ko, hindi dahil sa ginusto niya talaga.

"Why are you so silent?" napukaw ang iniisip ko nang bigla siyang magsalita.

Tumikhim ako. "I just can't believe…" naiiling na sabi ko.

Totoo iyon, kahit yata baka kinabukasan ay hindi pa din ako makapaniwala na ginawa niya talaga ito.

Kane is rich, they are rich. Alam kong piso lang ito para sakanila. Pero sa tuwing naalala ko ang dahilan ng pangako niya saakin, natutuliro ako.

Naalala ko noon, sinabi saakin ni Kane na gusto niya daw na mapa-sakanya itong beach nang sa ganoon ay ako mismo ang magpa-pangalan no'n.

At ngayon, ito na nga 'yon. Ang Casa Novia na sinabi ko sakanya noon, ang siyang pinangalan niya mismo sa lugar na ito.

He chuckled. "Marunong akong tumupad sa pangako, Yesh." madiin niyang sabi saakin, parang pinapatamaan pa ako.

Bakit, sinasabi ba niya saakin na hindi ako marunong tumupad sa pangako ko? I didn't make a promise on him, pero hindi ako nakasipot doon sa usapan naming dalawa.

So, siguro ay iyon ang nais niyang ipahiwatig saakin ngayon. Na siya, marunong tumupad ng pangako, at ako ay hindi.

I sighed. "Kailan mo pa pinaayos ang lugar na 'to?" I asked him.

Sa ilang taon kong hindi nakakabisita rito, ngayon ko lang tuloy nalaman ang lugar na ito at hindi ko alam kung kailan pa ito pinatayo ni Kane.

Nang tignan ko si Kane, nakita kong umayos siya ng tayo at nilagay ang magkabilang kamay sa magkabilang bulsa.

"3 years later, I think?" sagot niya saakin.

Tumango ako. "Isn't it that hard? May dalawang trabaho ka, then bigla bigla mo nalang pinatayo ang lugar na 'to." takang tanong ko.

He sighed. "Hindi naman ako araw araw namamalagi rito. May mga managers ako na siyang sila ang head sa lugar na ito, sakanila ko pinapaubaya ang mga gagawin dito dahil minsan lang ako nakakapunta sa probinsiya."

Napatango ako sakanya. Medyo mahirap din pala iyon. Hindi alam ni Kane kung anong nangyayari dito sa beach.

Kalaunan ay naisipan kong umupo nalang sa duyan, which is kaagad naman akong sinundan ni Kane.

"Nga pala, what are you doing here?" kalaunan ay tanong niya saakin.

Wala sa sariling napalunok ako. Oo nga pala, ano nga bang ginagawa ko rito?

Basta, nagpunta lang naman ako dito dahil sa kuryosidad. Narinig ko lang ito kay Ate Lorette, at dahil na-curious ako ay pinuntahan ko ang lugar na ito.

Kaya lang, hindi ko naman inaasahan na talagang sakanya itong lugar na ito. Noong una, akala ko ay ka-pangalan lang nang naisip ko noon.

I blinked many times. "Nasa terminal ako, tapos narinig ko sa mga driver ng trycicle na nag-aalok sila ng pasahero papuntang Casa Novia. When I heard the name, I easily got curious." paliwanag ko.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon