Chapter 11

710 31 0
                                    

Chapter 11

Impossible



Umiwas kaagad ako ng tingin kay Kane nang malaman kong kanina pa siya nakatitig saakin.

Ewan ko ba, pero kahit kailan talaga ay naiilang ako kapag nakikipag-titigan sakanya, pakiramdam ko ay hindi ko kaya.

Hanggang sa nasa hapag-kainan na kami ngayon, hindi pa rin ako makatingin sakanya.

Umagahan lang ang kinain namin dito, pagkatapos ay ang ginawang dessert lang namin ay ang binake ni Kidd.

Nag-kwento pa nga siya na magaling daw talaga siya sa mga bagay na iyon, sabi niya din na napapanood niya lang iyon sa Youtube.

Habang nagke-kwentuhan, hindi ko naman inaasahang biglang dadating si Sir Luicito na galing sa work.

Lahat kami ay biglang napaayos ng upo. Parang nasa classroom lang, iyong tipong biglang dumating ang prof niyo.

Nang tignan ko si Kane, nakita kong kumportable lang siyang nakaupo doon pero ilang beses siyang lumunok.

Kitang kita mo sa mukha niya na medyo naiiling na siya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maawa sakanya.

Kalaunan ay umupo na sa hapag-kainan si Sir Luicito at kumuha na ng makakain niya.

"Dad, ba't ang aga mo yata ngayon?" tanong ni Kidd sakanya.

Nilingon siya nito. "Maaga akong natapos and since it's Heart's Day." sagot naman nito.

Tumango nalang si Kidd at kalaunan ay muli itong nagpa-tuloy sakanyang pag-kain.

"Anyways, since it's Heart's Day. Wala ba kayong plans for today?" tanong nito sakanyang mga anak.

Silang tatlo naman ay napatingin sakanya, maliban nga lang kay Kane na parang walang naririnig.

Bakit ganoon? Naaawa na ako kay Kane, para kasing walang pumapansin sakanya, para lang siyang multo dito.

"Wala po, pero nag-bake lang ako ng mga heart cupcakes." sagot naman ni Kidd.

Tumango ito. "Why don't you invite Yesh for a date? I mean, may okasyon naman ngayon kaya… why not?" sabi nito sabay tingin pa saakin.

Medyo nanlaki ang mga mata ko at kulang nalang ay ituro ko na ang sarili ko dahil hindi ko alam kung ako ba talaga iyong tinawag.

Napatingin naman saakin si Kidd at pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

Kaagad naman akong napa-igtad doon, marahil ay naramdaman niya iyon pero nagpatuloy pa din siya sakanyang ginagawa.

Ano naman kaya ang plano niya ngayon at bakit niya ito biglang ginagawa?

"Sure, Dad. We're actually planning on a date later," sabi ni Kidd sabay kindat saakin.

Bumuntong hininga nalang ako, bahala siya kung anong isasagot niya sa Dad niya, basta wala ako d'yan.

Tumango naman ang kanilang Dad at ngumiti naman ito nang mapatingin saakin, ganoon na din ang ginawa ko sakanya.

"What about you, Lucius and Vin. Any plans for today?" tanong naman nito sakanila.

Tumikhim si Vin. "Dito lang po kami sa house. Wala naman kasi kaming ka-date." mapait na sabi ni Vin.

Tumango naman si Lucius bilang pag-sang ayon sakanyang kapatid. Tumango naman ang kanilang Dad.

Nag-hihintay ako kung kailan niya tatanungin si Kane, pero hanggang sa lumipas na ang ilang minuto ay wala pa din.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon