Chapter 16
Paradise
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakapatong ang ulo sa balikat ni Kane. Bumuntong hininga ako.
Kasalukuyan kaming nandito sa labas ng kwarto ni Tita. Pagkatapos kasi ng nangyari kanina ay kaagad niya akong hinila palabas.
Hilam na ang luha ko dahil napunasan ko na iyon kanina. Ilang oras na din ang lumipas nang nandito kami sa labas.
Parang hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari. Durog na durog na ang puso ko, sa totoo lang.
Nanatiling nakasandal ang ulo ko sa balikat niya, hanggang sa naramdaman kong bumigat na ang talukap sa mata ko.
Nagising nalang ako nang maramdaman kong may marahang tumatapik sa braso ko.
Kaagad akong bumangon at nakita ko si Kane may dala dalang isang paper bag na may lamang pagkain.
Inabot niya iyon saakin na siyang kaagad na kinuha ko naman. Kinuha ko ang laman doon.
"I bought you some foods, alam kong gutom ka na." sabi nito sabay turo sa hawak hawak ko.
Nginitian ko siya. "Salamat, sabay na tayong kumain." pasasalamat ko sakanya.
Tumango naman siya saakin at kalaunan ay muling tumabi ng upo saakin. Kinuha niya din ang nasa loob ng paper bag.
Hindi ko alam na naka-alis pala siya habang ako ay mahimbing na natutulog, sobrang sarap siguro ng tulog ko.
Kumain lang kami habang nandoon sa tapat ng kwarto ni Tita. Tahimik lang kaming dalawa.
Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapatingin kay Kane na ngayon ay tahimik lang na kumakain.
Wala sa sariling napangiti ako sakanya. Kung wala siguro siya dito, hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin.
Bumuntong hininga ako, akmang iiwas na sana ng tingin sakanya nang bigla siyang napatingin saakin.
Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na sumubo ng kanin para malibang ko ang sarili ko.
Nahuli niya yata akong nakatingin sakanya, tapos nakangiti pa ako? Nakakahiya iyon.
Kalaunan ay narinig ko siyang mahinang natawa, dahilan para mas lalong uminit ang pisngi ko.
"Why are you smilling, hmm?" tanong nito saakin kalaunan.
Napaawang ang labi ko. Confirmed, nahuli niya nga akong nakangiti sakanya. Nakakainis!
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at ngayon ay hindi na ako tuluyang makatingin sakanya.
Umiling ako. "Sinasabi mo d'yan?" maang maangan kong tanong sakanya.
He chuckled. "Really? I just caught you on guard." natatawang sabi nito.
Muli nalang akong sumubo ng kanin para kahit paano ay malibang ko ang sarili ko at may dahilan ako para hindi siya kausapin.
Kalaunan, natapos na kaming kumain ay hindi ko pa din magawang kausapin manlang siya.
Sa susunod, ayoko nalang ngumiti sakanya kung ganoon, baka mamaya ay kung ano pang isipin niya.
"Should we leave now?" na-aalangang tanong nito saakin.
Tumayo na kasi ako dahil tapos naman na kaming kumain, nakatayo na din ngayon si Kane.
Tumango lang ako sakanya pero wala akong lakas para kausapin siya. Ayoko nga, nakakahiyang pangyayari iyong ginawa ko kanina.
Kalaunan ay napag-pasyahan naming umalis na doon sa hospital at sa kotse na niya ako sumakay.
BINABASA MO ANG
Night of Paradise (CNS#3)
RomanceCasa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father. What else can wealth do, if your father does not love you. Wanted his father to love him, he will d...