Chapter 22
Happy
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain naming dalawa. Hindi ko pa siya masagot dahil hindi ko pa natitikman itong pagkain na binili niya.
It seems so awkward, pero dahil nga binuksan ni Kane ang streo, kahit paano ay medyo umingay sa loob.
Kanina kasi, habang kumakain kami, akala mo ay may dumaang anghel sa sobrang tahimik namin dito sa loob.
Tumikhim ako. "It tastes so good," tipid kong sagot sakanya.
Tumango lang siya saakin. Nanatili ang tingin niya sa mukha mo, akala mong may sinusuring kung ano.
Samantalang ako, hindi ko mapigilang mailang sakanya. Bakit naman siya ganyan makatingin saakin?
Wala sa sariling napairap nalang ako. Kung tignan niya kasi ako, parang may kakaiba sa mukha ko.
Kalaunan, nang bumalik ang tingin ko kay Kane ay saktong inabutan niya naman ako ng tissue.
Kumunot ang noo ko. "Para saan 'to?" takang tanong ko habang hawak ang tissue na ibinigay niya saakin.
Nakita kong lumunok siya ng malalim bago ituro ang bandang pisngi ko. Napaawang ang labi ko nang matanto kung anong ibig sabihin niya doon.
Dali dali naman akong tumingin sa salamin galing sa bag ko, kaagad kong tinignan ang mukha ko.
Napapikit ako ng mariin nang makitang may kaunting sauce nga sa may bandang pisngi ko.
I wonder kung kanina pa kaya iyon? Malamang, kaya nga napansin kaagad ni Kane, e.
Nang mapunasan na ng tissue ang mukha ko ay sinigurado kong wala nang dungis pa sa parteng mukha ko.
"Ang amos mo kumain," natatawang sinabi niya saakin.
Napaawang ang labi ko. Did he just laughed at me? Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
Suminghap ako. "Akala mo naman hindi ka maamos kumain," sabi ko sakanya sabay irap.
"Hindi ako maamos kumain, hindi katulad mo." madiin niyang sinabi saakin.
Lumunok ako roon. Oo na, sige na, talo na nga ako sakanya. Suko na ako, baka kung ano pang gawin niya.
Umirap ako. "Pero dati, ang amos mo kumain," wala sa sariling bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko naman sinasadyang alalahanin ang nakaraan, sadyang iyon lang ang unang pumasok sa isip ko ngayon.
Noon kasi, noong sakanila pa ako naninirahan, kapag nakakasabay kong kumain si Kane, napapansin ko lagi na may amos siya.
And now, dahil nga inopen niya ang topic na iyon, bigla ko tuloy siyang naisip tungkol sa nakaraan.
"I heard you," sabi niya dahilan para malaglag ang panga ko.
Maingay ba ang pagkakasabi ko no'n? Parang hindi naman. Sobrang hina nga noong sinabi ko 'yon.
Tumango ako. "Good for you, hindi ka bingi." pabalang kong sagot sakanya.
He chuckled, kalaunan ay sumeryoso ito. "Anyway, sa isang araw ba ay dadaan ka ulit dito?" tanong niya saakin kalaunan.
I nodded. "Yes, kasama ko ang magiging Engineer dito." sabi ko sakanya.
"Is it boy?" parang wala sa sariling tanong niya.
Napaawang ang labi ko. "What kind of question is that? Bakit mo naman natanong?" sabi ko sakanya sabay irap.
He shrugged. "I'm just asking, so is it a boy?" ulit niyang tanong sa'kin.
BINABASA MO ANG
Night of Paradise (CNS#3)
RomanceCasa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father. What else can wealth do, if your father does not love you. Wanted his father to love him, he will d...