Chapter 24
Hurts
Napatawa nalang ako kay Kane nang makita siyang atat na atat na isinuot ang bracelet na ginawa ko para sakanya.
Nang makitang sakto lang iyon sakanya ay napangiti nalang ako. Hindi naman pala nasayang ang effort ko.
Nang matapos niyang maisuot ay bahagya niyang itinaas ang kanyang palapulsuhan para maipakita saakin.
"It looks so good and beautiful. Thank you for making this." nakangiti niyang pasasalamat saakin.
I smiled. "You're welcome. And, Happy Birthday again. Pasensya na kung iyan lang ang regalo ko sa'yo." nahihiya kong sinabi sakanya.
He chuckled. "I appreciate this a lot. If this is only a small thing for you, well for me it's not." sabi niya.
Para namang may kung anong kumikiliti sa tiyan ko. Alam kong siya ang may dahilan kung bakit.
I bit my lower lip. "Thank you for appreciating it." nakangiti kong sabi sakanya.
"Oh, wait lang. D'yan ka muna, may mga babatiin lang ako doon." biglang paalam nito saakin.
Tumango ako sakanya at kalaunan ay kinawayan na siya nang makitang tumalikod na ito saakin.
Napailing nalang ako nang makita siya habang may kinakausap sa hindi kalayuan at kita ko pa na mukhang pinapakita niya ang bracelet na gawa ko.
Napangiti ako sakanya. Ano ba naman itong nararamdaman ko, parang pakiramdam ko ay kinikilig ako.
Napawi lang ang ngiti ko nang may bigla akong narinig sa likod ko.
"Malandi," iyon ang salitang narinig ko mula sa likuran ko.
At sa boses pa lang niyon ay mukhang kilala ko na kung sino siya. Wala sa sariling hinarap ko siya.
Tama nga ang hinala ko, si Ivy ang nakita ko sa harapan ko. Nakataas ang kilay niya saakin ngayon.
Hindi ko siya inurungan, pinantayan ko ang tingin na ibinigay niya saakin. Nagpantayan kami ng titigan ngayon.
"Anong sabi mo?" maang maangan kong tanong sakanya.
She chuckled. "Flirty bitch," madiin niyang bigkas saakin.
Umirap ako. "Are you talking about yourself?" taas kilay kong tanong sakanya.
Nakita kong bahagyang nanlaki ang mga mata niya dahilan para bahagya akong mapatawa.
At dahil kanya kanya namang mundo ang mga tao dito, walang nakakapansin saaming dalawa dito.
"What are you talking about, huh? It's you who I am talking about." mataray niyang sagot saakin.
Suminghap ako. "Can we stop talking here? Nakakahiya sa mga tao," sabi ko sabay tingin sa mga iilang bisita na nakatingin na saamin ngayon.
"Why? Are you scared, huh?" pasinghal niyang sabi saakin.
Napabuntong hininga ako. Ang saakin lang naman, madaming tao ang makakakita saamin dito.
Lalo na sila Kane, ano nalang ang sasabihin niya kapag nakita niya kaming dalawa na nagba-bangayan.
"Hindi ba't attention seeker ka naman? You want to gain all attentions, hindi ba? Oh bakit parang nahihiya ka na ngayon?" taas kilay na tanong niya saakin.
Kinuyom ko ang kamao ko. "I'm not attention seeker, bitch." madiin kong sabi sakanya.
"Yes, you are. Attention seeker na nga, gold digger pa." mapanh-asar niyang sabi saakin.
BINABASA MO ANG
Night of Paradise (CNS#3)
RomanceCasa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father. What else can wealth do, if your father does not love you. Wanted his father to love him, he will d...