Chapter 23
Gift
Pagkatapos ng lahat ng nangyari, sabay na kaming pumunta ni Kane sa site. Convey nalang ang sasakyan namin.
Kahit paano, medyo maayos na ang lagay nitong sasakyan dahil napaltan na ang dalawang gulong.
Grabe pa din 'yon, kung wala siguro si Kane kanina, baka hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung anong gagawin.
Nang makadating na sa site ay kaagad akong bumaba. Mali-late daw ng kaunti si Engineer Selarda kaya wala pa siya ngayon dito.
Kaya naman, kaming dalawa pa lang ni Kane ang nandito, maliban sa mga construction worker na naglalagay na ng mga lupa doon.
May tent doon sa gilid kung saan doon kami mamamalagi para magpahinga para hindi mas'yadong mainit.
Pagkatapos mabisita ni Kane ang site ay kaagad siyang dumiretso sa tent, sinundan ko naman siya.
Malawak itong tent, siya Kane ang naglagay nito kahapon para daw may mapag-hihingaan ang mga trabahador dito.
May maliit na lamesa din dito at dito kami kakain at ang mga trabahador niya. In short, kumpleto talaga dito.
"Did you eat already?" tanong kalaunan saakin ni Kane.
Umiling ako. Sa katunayan ay hindi pa ako kumakain, medyo napagod din ako kanina dahil doon sa nangyari sa sasakyan.
"Great, may baon ako dito." nakangiti niyang sinabi saakin.
Kumunot naman ang noo ko at pinanood siya habang may kinukuha sakanyang bag at kalaunan ay may nilabas siyang lunch box.
Ilang beses akong napakurap doon. May dala siyang lunch box? Dalawa iyon, isang pink at isang blue.
Iyong totoo, parang pakiramdam ko tuloy ay bumalik kami sa pagiging elementary, lalo na iyong kulay ng lunch box na dala dala niya.
Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa sakanya. Wala lang, he's just so cute and adorable.
Tumango nalang ako sakanya at kalaunan ay umupo na doon sa upuang kahoy at lamesang gawa sa kahoy.
Nang mailagay na ni Kane ang lunch box sa lamesa, inusod niya saakin ang pink na lunch box.
"There you go, sorry for the color, wala kasing ibang lunch box saamin." parang nahihiyang sabi ni Kane.
I chuckled at pagkatapos ay dahan dahang binuksan ang cutie pink lunch box na bigay niya saakin.
"Ang cute nga, e." natatawang sabi ko sakanya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Talaga? Nacu-cute-an ka d'yan?" gulat na tanong niya saakin.
I nodded. "Oo, sobrang cute kaya. Huwag ka nang mahiya d'yan." natatawang biro ko sakanya.
Pero, nagsasabi naman talaga ako ng totoo. Talaga namang cute itong lunch box na dala niya, para lang kaming bumalik sa pagkabata.
Pinanliitan ako nito ng mga mata, mukhang hindi siya kumbinsido doon sa sinabi ko.
"Sabi ng mga kapatid ko, ang corny daw mas'yado at mukhang pang-bata." sabi niya sabay kibit ng balikat.
Natawa ako. "Opinion nila 'yon. Ako kasi, I can appreciate a small thing like this." sabi ko sabay turo sa lunch box.
Nagningning naman ang mga mata niya sa hindi malamang kadahilanan. Napailing nalang ako sakanya.
"Should we eat now?" panimula niyang tanong saakin.
BINABASA MO ANG
Night of Paradise (CNS#3)
RomanceCasa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father. What else can wealth do, if your father does not love you. Wanted his father to love him, he will d...