Chapter 1

1.6K 55 5
                                    

Chapter 1

Decision



Pinagilid ko ang mga mata ko sa kabuonan nitong bahay. Hindi ako makapaniwala, para akong nanaginip lamang.

Parang nasa palasyo ako, sobrang lawak ng bahay nila, lalong lalo na sa napaka-laking grand stair case na halatang halata mong mayaman talaga ang may ari.

Pero, kaagad na nawala ang pagka-mangha ko nang maalala kung bakit nila ako dinala dito.

Sindikato sila. Iyon lang ang tanging naiisip ko ngayon. Hindi ako puwedeng mamangha, dahil baka mamaya ay isa lang pala itong patibong.

Hindi ko lang kasi talagang maiwasang mamangha sa bahay na ito. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naka-tapak sa mala-palasyong bahay.

Dati, sa telebisyon ko lang ang mga ito na nakikita, tapos ngayon ay nandito na mismo ako sa mala-palasyong bahay.

Wala talaga kaming telebisyon sa bahay ng Tita ko, kumbaga ay parang nakikinood lang ako sa mga kapitbahay namin.

Lumingon lingon ako sa buong paligid. Para akong nililipad, para akong nasa isang fairytale.

Tumingin ako sa likod ko, hinahanap kung nasaan na iyong lalaking nagdala saakin dito. Ngunit nagulat ako ng wala na ito sa likod ko.

Saktong pag-tingin ko naman sa harap ko ay nakita ko ang limang lalaki na pababa na ngayon ng grand stair case.

Apat na puro mga binata, at ang isa naman ay parang matanda na dahil may dala dala na itong pang-tuod at inaalalayan na siya ng mga kasama niya.

Isa na sa mga naglalakad doon ay ang lalaking nagdala saakin dito. Hind ko namalayan na nawala na pala siya sa likod ko.

Napalunok ako nang makita silang lahat ng mga mata ay saakin mismo nakatutok. Hindi ko maiwasang ma-intimida.

Lalo na at hindi ko maitatangging puro gwapo ang mga kalalakihang nakatitig na saakin ngayon. Muli akong lumunok.

Unti unti silang lumapit saakin, samantalang ako naman ay dahan dahang umatras palayo sakanila.

Ito na 'yon, sasabihan nila ako na kaya nila ako dinala dito para ibenta ang katawan ko. Sa kaisipang iyon ay kaagad akong binalot ng takot.

Tinignan ko naman sila lahat lahat. Hindi naman sila mukhang sindikato, pero kahit na ganoon ay hindi ako puwedeng makasigurado.

Tinignan ako ng matanda mula ulo hanggang paa. Para bang hinuhusgahan nito ang buong pagka-tao ko.

Pagkatapos ay tumingin ito sa katabing lalaki, ito iyong lalaking nag-dala saakin kanina.

Hindi ko alam kung ka-ano ano niya ang mga lalaking kasama niya, pero kamukha niya ang mga ito. Parang mga anak niya yata.

"So, you are Kryselle Yeshena Dela Vega." nagulat ako nang banggitin ng matanda ang buong pangalan ko.

Pakiramdam ko ay tumaas na ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Bakit niya alam kung anong buong pangalan ko?

Hindi ko na talaga kaya. Pakiramdam ko ay matatae na ako sa sobrang kabang nararamdaman ngayon.

Hindi ako makasagot. Sa katunayan ay ayokong kumpirmahin kung anong sinabi niya. Nanatili lang akong naka-iwas ng tingin sakanilang lahat.

Isa pa, sobra akong naiilang dahil sampung pares ng mga mata ang nakatingin saakin ngayon.

Tinignan muli ako ng matanda mula ulo hanggang paa. At pagkatapos ay dahan dahan itong lumapit saakin.

Halos mapatalon ako nang bigla niyang hawakan ang buhok ko, hinawi niya ito at inilagay sa likod ng tainga ko.

Inangat niya ang baba ko at kalaunan ay tinagilid niya iyon, para bang tinitignan niya ang bawat angle ng mukha ko.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon