Chapter 13
First
Pinanood ko lang si Kane habang iniimis ang mga bubog sa harapan namin. Bumuntong hininga ako.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung bakit iyon nagawa sakanya ng kanyang ama, hindi ako makapaniwala.
Naalala ko noon ang sinabi saakin ni Kidd, na wala naman daw pakealam ang kanilang ama kay Kane.
Pero, hindi ko naman inaasahan na hahantong pala sa ganito ang disgusto niya sakanyang anak.
Naiiling nalang ako. Grabe kasi iyong nakita ko kanina, kung paano niya suntukin sa mukha si Kane.
Bakit? Kasi nagagalit siya dahil nangielam ito at nag-desisyon ng mag-isa? Kahit na ganoon pa ang ginawa ni Kane, hindi ko alam na aabot sa suntukan iyon.
Sa totoo lang ay naaawa na ako kay Kane, bukod sa nale-left out siya sakanyang mga kapatid, sinasaktan pa siya ng kanyang ama.
Kailan pa sila naging ganito sakanya? Kailan pa ito nararamdaman ni Kane?
Hindi ko alam, isang buwan pa lang akong nandito sa bahay nila, hindi ko alam kung kailan pa iyon nag-simula.
May pasa si Kane sakanyang pisngi at putok ang kilay nito, kaya lang ngayon ay hindi na iyon dumudugo.
Nanatili lang akong nakaupo sa kama niya, sobrang lalim ng iniisip ko ngayon.
Hanggang sa natapos na si Kane sa pagi-imis ng mga kalat, napa-angat naman ang tingin niya saakin.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" sa wakas ay tanong nito saakin.
Bumuntong hininga ako at inilagay ang dalawa kong kamay sa magkabila kong balikat.
"Nakita kita kanina na nagbabasag ng mga vase dito," maikli kong sagot sakanya.
Suminghap siya. "That's it? Araw araw naman akong nakikita ng mga kasambahay dito pero balewala lang sakanila iyon." sagot nito.
Halos malaglag naman ang panga ko. Anong ibig sabihin niya doon? Araw araw siyang nagbabasag ng mga vase?
Ibig sabihin ba no'n ay araw araw din siyang bumibili ng bagong vase para may bagong babasagin?
Pero, bakit naman araw araw? Bakit hindi ko iyon alam…
Naalala ko noon, isang beses ko na ding nakita si Kane na nagbabasag ng mga vase dito sa kwarto niya.
Lumunok ako. "Ibahin mo'ko sakanila. Wala silang pake sa'yo, ako mayroon." wala sa sariling sabi ko sakanya.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay kaagad akong napapikit ng mariin. Sinabi ko ba talaga iyon?
Tinignan ko siya sa mga mata, mukhang nagulat din siya sa sinabi ko at halos hindi makapaniwala.
"What again?" parang hindi pa iyon ma-proseso ng kanyang utak.
Bumuntong hininga ako. "May pake ako sa'yo... as a friend." kagat labing sagot ko sakanya.
Talaga lang? As a friend nga lang ba? Alangan namang as a love ang isagot ko, baka matulos na si Kane.
Narinig ko naman siyang bumuntong hininga at mukhang nakahinga na ito ng maluwag.
Samantalang ako, nanatili lang akong nakatingin sakanya. Sariwang sariwa pa ang sugat niya sa mukha.
Kalaunan ay bumaba ang tingin ko sa kamay niya na puro sugat din, marahil ay dahil sa kakabato niya ng mga vases kanina.
"Saan mo napulot ang sugat sa mukha mo?" inosenteng tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
Night of Paradise (CNS#3)
RomanceCasa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father. What else can wealth do, if your father does not love you. Wanted his father to love him, he will d...