Chapter 5

898 40 3
                                    

Chapter 5

Help



Hindi pa din ako makapaniwala na binigyan niya ako ng ganoong kalaking phone na galing pa mismo kay Kane.

Tatanggapin ko naman iyon kung mumurahing phone lang, kaso, alam ko kung gaano ka-mahal ang phone na iyon.

Alam ko kung anong halaga ng mga ganitong klaseng cellphone. Lagi ko kasi iyong nakikita sa mga kaklase ko.

Nanatili ang tingin ko sakanya, medyo nilukukob na ako ng hiya dito. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sakanya or ano.

Bumukas ang labi ko, akmang magsasalita na sana pero walang namutawi sa labi ko. Nagtataka din ako kung bakit.

Kalaunan ay narinig ko siyang mahinang natawa, dahilan para umangat ang tingin ko sakanya.

Nang makita niyang nakatingin ako sakanya ay kaagad na napawi ang kanyang tawa sakanyang mga mata. Kumunot naman ang noo ko.

"Uhm… Salamat dito, babayaran nalang kita, kapag uhmm.. kapag nakuha ko na iyong pera." sa wakas ay may namutawi na din sa labi ko.

Habang nagsasalita ako, siya naman ay nanatili lang ang titig saakin, mukhang mariin akong pinapakinggan.

Kumunot ang noo niya. "Babayaran? Wala naman akong sinabi sa'yong utang 'yan. Bigay ko 'yan sa'yo, Yeshena." natatawang sabi niya.

Agad naman akong napalunok nang marinig ko galing sa bibig niya ang buong pangalan ko.

Bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko ay ang ganda ganda ng boses ko, lalo na at galing pa iyon sakanya.

Agad kong pinilig ang ulo ko dahil kung ano ano nanaman ang pinag-iisip ko. Hindi na yata maganda 'to.

I sighed. "Nakakahiya, ang mahal mahal kaya nito…" nahihiyang sabi ko sakanya sabay iwas ng tingin.

He chuckled. "Ano ka ba, ayos lang saakin 'yon. Maliit na bagay. Hindi naman pati kawalan saakin ang perang ginamit ko d'yan." parang wala lang ng sinabi niya 'yon.

Napatango na lamang ako sakanya. Oo nga, ano? Bakit ba hindi ko naisip na sobrang yaman nga pala nila, balewala lang itong ginastos niya dito.

Nginitian ko nalang siya ng tipid. Nanatili naman kaming dalawa sa ganoong posisyon, nakatigil kami dito malapit sa gate.

Kalaunan, nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Andri na tinatawag ako.

Kaagad akong tumingin kay Kane, pinanlakihan ko siya ng mga mata, samantalang siya naman ay mukhang nagtataka sa nangyayari.

Nang marinig kong papalapit na ang boses ni Andri ay kaagad akong tumakbo palayo kay Kane, iniwan ko na siya roon.

"Yesh! And'yan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap." sabi nito nang makita niya na ako.

Samantalang ako naman ay hingal na hingal dahil medyo malayo ang tinakbo ko para lang makalayo kay Kane.

Ayoko kasing may makakita saaming dalawa na nag-uusap, bukod sa ayokong mag-isip ng iba ay sadyang hindi din ako komportable.

Tinanguan ko nalang siya at nginitian, tinanong ko sakanya kung bakit niya ako hinahanap, ang sabi niya ay may anunsyo na daw ang arts club.

Hindi ko naman inaasahan na ngayon na din pala kaagad malalaman kung pasok na ba kaming tatlo sa arts club.

Pinagdadasal ko na sana ay makapasa nga kami. Bukod sa ito ang unang beses kong sasali roon, matagal ko na din iyong pangarap.

Hanggang sa makarating na kami sa arts club, tama nga ang sabi ni Andri dahil madami na ang tao dito sa loob at halatang nag-aabang din ng anunsyo.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon