Chapter 21

730 32 0
                                    

Chapter 21

Architech



"5 am of February 13, 2020, Mrs. Eriette Velanzio, 53 years old, married, resident of Quezon City, personally appeared at Quezon CPS and reported a robbery incident that transpired between 1:00-4:00AM inside her residence at the aforementioned place and was discovered at about 5:00AM of same date."

Binasa na ni Kane mismo kung anong nakalagay doon sa folder dahil wala nga akong maintindihan.

Kahit paano naman, nang sinabi niya ito saakin ay medyo naintindihan ko na.

Nakatingin lang ako sakanya habang siya ay tutok na tutok sakanyang binabasa. Seryosong seryoso talaga siya doon.

"Initial investigation conducted disclosed that perpetrator/s gained entry by forcibly destroying the doorknob of the back door and once inside suspect/s took and carted away the one piece ACER laptop amounting to Php 18,000.00, bag containing cash amounting to P65, 000.00, Samsung cellular phone worth P5,000.00 and IDs which were placed inside her room were missing. Estimated value of stolen items amounting to Php88, 000.00 and after which, the suspect exited at the sliding glass window of the said room. Victim and other occupants believed that the incident possibly occurred in between 1:00AM to 4:00AM of same date while they were at the midst of sleeping."

Tumango ako sakanya. Base sa mga pinaliwanag niya saakin, naintindihan ko na ang ibig sabihin no'n.

Grabe, buti nalang talaga at hindi napahamak ang parents ni Andri. Kaya lang ay na-trauma ang mom niya.

"Based on the information that I have, two persons entered their house. Sa kabutihang palad ay tulog sila ng mga panahon na 'yon, kun'di ay baka kung anong magawa sakanila ng suspect." dugsong niya.

"Two persons? So meaning, magka-sabwat iyong dalawa? Planado talaga?" takang tanong ko.

Tumango ito. "I also tracked the CCTV devices and doon ko mismo nakita ang pag-pasok ng dalawang suspect, kitang kita iyon sa camera." dagdag niya.

At pagkatapos ay may pinakita siya saakin sa dala dala niyang laptop. Kuha iyon ng cctv device.

Tinuro niya saakin ang dalawang kalalakihan na may takip ang buong mukha, pumasok sila sa likod ng bahay.

Napaawang ang labi ko. Sobrang delikado nito, buti ay walang napahamak sakanila.

Kalaunan ay pinatay na niya ang laptop at pagkatapos ay humarap ito saakin.

"Do you understand now? Siguraduhin mo lang na masasabi mo iyon ng tama sakanila. Walang labis, walang kulang, sakto lang." matigas na sabi niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Dahil matalino ako, habang nag-sasalita siya kanina ay hinanda ko ang recorder ng phone ko.

Kalaunan ay kinuha ko ang phone ko hanggang sa maitaas ko iyon paharap sakanya.

Pinakita ko sakanya ang recorder at sa harapan pa niya mismo iyon pinatay.

"There, so easy." sabi ko sabay ngisi ng nakakaloko sakanya.

Tinignan niya ako ng matagal at kalaunan ay napailing ito saakin.

"So, I think that's all for today." sabi niya bigla saakin.

Nang makita ko siyang tumayo ay kaagad akong na-alarma. Ganoon nalang 'yon? Aalis na agad siya?

Napaawang ang labi niya nang makitang humarang ako sakanya pero kalaunan ay agad nitong tinikom ang bibig niya.

"What?" bakas ang irita sa boses niya.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon