Chapter 29

921 31 1
                                    

Chapter 29

Realize



Kaagad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Kaya lang, agad din akong natumba dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

Argh, hangover. Napahawak ang dalawa kong kamay sa ulo ko. Ang sakit sakit, para akong minamartilyo ng ilang beses.

Akmang tatayo na sana ulit ako nang makaramdam ako ng sakit sa pang-ibabang parte ng katawan ko.

Napaawang ang labi ko at nanlaki ang aking mga mata. Hinding hindi ko makakalimutan kung anong nangyari saakin kagabi!

Kahit na lasing na lasing ako no'n, tandang tanda ko ang mga kagagahan kong ginawa. I just came at Kane's house, at pagkatapos…

Halos napasigaw na ako sa frustrasyong nararamdaman ko. Why of all places, dito pa talaga sa condo niya?

Wala sa sariling napatingin ako sa katabi ko sa kama. Nandoon si Kane, mahimbing na natutulog at walang saplot na pang-itaas.

Samantalang ako, tinignan ko ang katawan ko, may suot suot akong malaking tshirt at boxer na siguro ay galing kay Kane.

Napailing ako sa sarili ko. Sa huli ay pinilig ko nalang ang ulo ko. What a wonderful day! May nangyari lang naman saaming dalawa kagabi!

At anong mangyayari pagkatapos no'n? Gusto ko nalang umalis dito dahil sa mga kahihiyang nagawa ko sakanya.

At siya naman, pinatulan pa ako. Alam naman niyang lasing ako, hindi ba? Ah basta! Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.

Nang dahan dahan akong bumangon, kahit masakit ang katawan ko ay nagawa ko pa ding unti unting makatayo mula sa kama.

Kaya lang, natigilan ako nang maramdaman kong may humawak sa palapulsuhan ko.

"Where are you going, hmm?" namamaos ang kanyang boses dahil kagigising niya lang.

Ilang beses akong napakurap at dahan dahan ko siyang nilingon. Mukhang naalimpungatan yata siya.

Hindi ko siya sinagot, ayoko nalang mag-salita sakanya dahil hiyang hiya na ang buong pagkatao ko ngayon.

Akmang tatalikuran ko na sana ulit siya nang maramdaman kong hinigit niya ako palapit sakanya, dahilan para masubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Napasinghap ako. Ramdam ko naman ang braso ni Kane na kaagad pumulupot sa likuran ko, siguro ay para hindi ako makatakas sakanya.

"Kane, a-ano ba…" tinulak ko ang dibdib niya pero mas'yado siyang malakas.

Mas lalo niyang sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya at mas hinigpitan niya pa lalo ang pagkakayakap saakin.

Ano bang ginagawa niya? Halos hindi na ako makahinga dito sa dibdib niya. I just need air.

Hindi na ako nakapag-salita. Hinayaan ko nalang siyang gawin ang bagay na iyon. Mamaya din ay makakatulog siya.

"Good Morning. Balak mo ba ulit akong iwan?" narinig kong mahinang tanong niya saakin.

Napaawang ang labi ko. Paano ko siya masasagot kung nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya? Bahala siya sa buhay niya.

Kalaunan ay narinig ko siyang malalim na bumuntong hininga, at pagkatapos ay dahan dahan na nitong inangat ang ulo ko mula sa dibdib niya.

Pagkatapos niyang magawa iyon ay siya na mismo ang naglagay ng ulo ko sa tabi ng dibdib niya. Hinayaan ko siyang i-control ang lahat.

Napalunok ako, maging siya ay ganoon din ang ginawa nang mag-tama ang tingin namin.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon