Chapter 7

751 26 0
                                    

Chapter 7

Bestfriend



Nalaglag ang panga ko nang sabihin niya iyon, kaagad naman akong hindi mapakali. Bakit naman kami malo-lock dito sa bodega?

Dahan dahan akong lumapit sakanya at sinubukang pihitin ang doorknob, kaya lang ay ayaw niyon.

Nag-aalalang tinignan ko si Kane, nag-kibit balikat lamang siya saakin. Hindi din malaman kung anong gagawin.

Sinubukan ko muli iyong buksan, nilakasan ko na ang pag-higit sa pinto, nag-babaka sakaling bumukas iyon.

Nakailang subok na ako, pero kahit anong gawin ko ay ayaw niyong bumukas. Parang naka-lock yata iyon mula sa labas, or baka sumabit.

Hindi ako maalam sa mga ganito. Tinignan ko si Kane na mukhang malalim ang kanyang iniisip.

Iniisip ko na kaya niya sigurong mabuksan iyon lalo na't sinabi niya saaking kaya niyang mang-hack.

Kaso, naalala ko nga pala na pinto lang naman ito, ibig sabihin ay wala din siyang alam kagaya ko.

Bumuntong hininga nalang ako. Malayo pa naman ang bodega sa sala, sana lang ay may makarinig saamin dito.

Sinubukan kong hampasin ng malakas ang pinto, nag-babaka sakaling baka may makarinig na kahit sino.

"Wala kang mapapala sa kakahampas mo," narinig kong sabi ni Kane sa likod ko.

Natigilan ako. "Bakit? Baka may makarinig saatin, maganda nga iyon." sagot ko naman sakanya.

Umiling siya. "Sound proof lahat ng kwarto dito, kasama na ang bodega doon." sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ko doon sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan iyon. Soundproof, ibig sabihin ay walang makakarinig sa'yo sa loob.

Bakit naman pati bodega ay ginawa nilang soundproof? Paano nalang kapag may na-aksidente dito? Walang makakarinig sakanila.

Muli akong bumuntong hininga at tuluyan nang binitawan ang doorknob. Nag-aalala pa din ako saaming dalawa.

Nang tignan ko si Kane, naabutan ko siyang nag-aalalang nakatingin saakin. Mapait nalang akong ngumiti.

Siguro ay mag-hihintay pa kami hanggang bagong taon, bago tuluyang makalabas dito sa bodega.

Umupo nalang ako doon sa nakita kong gawa sa kahoy na kama. Mukhang luma na ito.

Akmang uupo na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Kane. Kaagad ko siyang kinunotan ng noo.

"Sira 'yan, huwag kang uupo d'yan." sabi nito saakin.

Huminga ako ng malalim. "Ayos lang, hindi naman ako maarte." sagot ko sakanya.

Tama naman ako, pagdating kasi sa mga ganitong bagay ay hindi ako maarte. Lalo na at sanay akong walang wastong kamang hinihigaan.

Naalala ko noon, sa bahay namin nila Tita. Halos sa sahig nalang kami matulog araw araw, tanging kumot lang ang nakapatong roon.

See? Kaya naman, sanay na sanay na talaga ako sa hirap. Pero, hindi naman ako nag-reklamo doon.

Saktong pagkaupo na pagkaupo ko sa kahoy na kama, nanlaki ang mga mata ko nang bigla iyong bumagsak.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakaupo na sa matigas na sahig. Kaagad kong ininda ang sakit sa pwet ko.

"Sabi ng sira. Ang kulit talaga." naiiling na sabi niya at kalaunan ay lumapit ito saakin.

Nang makalapit siya saakin ay kaagad nitong inilahad ang kamay niya saakin, sandali ko iyong tinitigan.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon