Chapter 19

739 33 2
                                    

Chapter 19

Drink



Hindi ko na mapigilan ang luha na tumakas mula sa mga mata ko nang matapos kong basahin itong sulat na nahanap ko.

Naiinis ako sa sarili ko, bakit ngayon ko lang ito nalaman? Ilang taon na ang lumipas, pero ngayon ko lang ito nabasa.

Wala sa sariling napahigpig ang kapit ko sa papel na hawak ko. Gusto ko nalang sabunutan ang sarili ko.

Bigla nalang akong napasigaw dahil sa frustrasyong nararamdaman. Kung sana ay noon ko pa ito nabasa, edi sana…

"Miss, ano pong nangyayari dito?" naputol ang iniisip ko nang may pumasok sa cubicle ko.

Nag-angat ako ng tingin sakanya, tinaas ko ang kamay ko at sinenyasan siya na umalis na muna.

Marahil kaya siya sumilip dito ay dahil narinig niya ang sigaw ko. Nakalimutan kong nasa public place nga pala ako.

Tumango naman ang babae at kalaunan ay umalis na ito sa kinatatayuan niya, bumuntong hininga ako.

Hanggang ngayon ay hawak hawak ko pa din itong papel. Tinupi ko ito at kalaunan ay inilagay sa bulsa ko.

Nang matapos na ang ginagawa ko ay kaagad akong lumabas sa cubicle ko at lumabas na ng building namin.

Binati ko lang doon ang mga nakakasama ko, ngumingiti lang ako sakanila at pagkatapos ay kaunting bow sakanila.

"Good Morning, Architech!" masayang bati saakin ng ibang empleyado doon.

Kumaway lang ako sakanila at isa isa silang binati. Walang good sa morning ko dahil sa nabasa kong sulat.

Napailing nalang ako sa sarili ko, hanggang ngayon talaga ay hindi iyon mawala sa isipan ko.

Napatigil lang ako sa paglalakad nang biglang tumunog ang phone ko. Nang makitang siya iyon ay kaagad ko iyong sinagot.

"Yes?" sagot ko sa tawag niya.

Suminghap ang nasa kabilang linya. "Nasa cafe ako, doon sa baba ng building niyo. Kita tayo do'n." sabi niya saakin.

Tumango nalang ako sakanya kahit hindi niya iyon kita at kalaunan ay pumunta doon sa sinasabi niya.

Mula doon sa kalayuan ay tanaw na tanaw ko na siyang nakaupo doon sa pang-dalawahang upuan.

Dali dali akong tumakbo ng patago sakanya para hindi niya ako makita, balak ko siyang gulatin.

Nang makarating ako sa likod niya ay kaagad kong nilagay ang dalawa kong kamay sa mga mata niya.

Kaagad naman siyang sumigaw at nang mahawakan ang dalawa kong kamay ay nakahinga ito ng maluwag.

"Yesh, I know it's you. Kamay mo pa lang, e." natatawang sabi nito saakin.

Natawa na din ako sa sinabi niya, oo nga pala at baka nakakalimutan kong kilalang kilala niya nga pala ako.

Dahan dahan na akong humarap sakanya at umupo doon sa katapat niyang upuan, nakangiti lang siya saakin.

"What brings you here?" takang tanong ko sakanya.

She smirked. "Remember, noong sinabi ko sa'yo na irereto kita sa kakilala ko?" nakangiting tanong niya.

Kaagad akong umiwas ng tingin sakanya at kalaunan ay umiling. Noong isang linggo kasi, inofferan niya ako ng isang blind date nanaman.

Ang sabi ko sakanya noon ay hindi ko naman kailangan n'yan. Pakiramdam ko din ay hindi iyon gagana saakin.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon