Chapter 12

664 30 3
                                    

Chapter 12

Confused



Bumaba ang tingin ko sa sahig. Posible kaya na nahuli niya na nga ako? Halata ba ako mas'yado?

Naalala ko tuloy iyong pang-aasar saakin ni Kidd na parang alam niya nga na gusto ko si Kane.

Isa lang ang ibig sabihin no'n, na talagang halata ako dahil miski si Kidd na kapatid niya ay nahalata ako.

Paano naman si Kane? Nahalata niya kaya ang mga kilos ko? Hindi ko alam, pinagdadasal ko lang na sana ay hindi.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, sana ay hindi ko nalang kinakausap si Kane, lalo na't maaari niya akong mahalata.

Miski kasi ako ay hindi sigurado sa nararamdaman ko. Basta, inaalala ko lang iyong mga sinabi saakin ni Andri before.

Naguguluhan ako. Ayokong magkagusto sakanya, pero pakiramdam ko ay wala naman akong magagawa doon, hindi ko mapipigilan ang sarili ko.

Isa sa mga pumapasok sa isipan ko ay, gusto siya ng kaibigan ko. Hindi ba at parang ang sama kong tao kung magkakagusto din ako sa gusto niya?

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Siguro, hangga't maaga pa, hangga't hindi pa ako tuluyang nahuhulog kay Kane, siguro ay dapat ko na siyang iwasan sa lalong madaling panahon.

Alam kong wrong move itong gagawin ko, magtataka at magtataka saakin si Kane kung ganoon.

Kalaunan ay nag-angat ako ng tingin sakanya, nanatili lang siyang titig sa mga mata ko.

Pakiramdam ko nga ay parang may kumukulo sa tiyan ko, pero alam kong hindi naman ako gutom.

Mali na talaga ito, hindi ko ito dapat maramdaman. Sobrang mali. Hindi ako puwedeng tuluyang mahulog sakanya.

Kalaunan, naramdaman kong biglang sumakit ang paa ko. Nang tignan ko iyon, nakita kong may sugat na sa bandang paa ko.

Bumuntong hininga ako, naka-heels kasi ako ngayon tapos hindi pa ako sanay na mag-suot ng mga ganoon.

Akmang aabutin ko na sana ang paa ko nang makita kong nauna nang lumuhad si Kane sa harapan ko.

Nalaglag ang panga ko doon sa ginawa niya, hindi naman siya nag-angat ng tingin saakin.

Sinubukan ko siyang pigilan sa ginagawa niya pero hindi niya ako pinansin.

Pinanood ko lang siya habang nanatiling nakaluhod sa harapan ko, kalaunan ay hinawakan nito ang paa ko.

Siya na mismo ang nag-tanggal ng paa ko mula sa heels, kaya naman mas lalong napaawang ang labi ko.

Pakiramdam ko tuloy ay sobrang namumula na ang pisngi ko dahil dito sa ginagawa niya.

Hindi ako maka-alma sakanya ngayon, akmang ibubuka ko na sana ang labi ko, kaya lang ay walang lumabas na salita roon.

Nakita kong may kinuha si Kane mula sakanyang bulsa at kalaunan ay nakita kong band aid iyon.

Naka-angat ang paa ko sa tuhod niya, habang siya naman ay nakaluhod sa harapan ko.

Sa totoo lang ay hindi ako komportable dito sa posisyon namin ngayon. Sobrang awkward nito tignan.

Pagkatapos no'n ay nilagyan niya ng band aid ang bandang paa ko na mismong may sugat.

Nanatili lang akong nakatingin sakanya, hindi ko alam kung anong sasabihin.

Nang matapos na niyang ilagay ang band aid sa paanan ko ay kaagad siyang tumayo at tinignan ako.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon