Chapter 14
Video
Nilingon ko sandali si Ivy dahil halos higitin na ako ni Kane palayo sakanya, hindi manlang ako nakapag-pasalamat.
Pero wala akong magawa dahil sadyang malakas ang hila niya saakin, halos madala nalang ako sakanya.
Hanggang sa makasakay na kami sa van, lahat ay nandoon na at kami nalang ang hinihintay.
Umupo sa katapat ko si Kane, halos hindi naman ako makatingin sakanya. Naalala ko nanaman iyong nangyari kahapon.
Oo nga pala, iyong nangyari kahapon, talagang hindi ko iyon makakalimutan. Magbabayad talaga siya sa'kin.
Wala sa sariling sinamaan ko ng tingin si Kane dahil saktong hindi siya nakatingin saakin, pero laking gulat ko nang bigla itong tumingin.
Napatingin nalang ako sa sahig, kunwari ay may tinitignan doon kahit wala naman, basta maka-iwas lang kay Kane.
Mabuti nalang at kahit paano ay kinakausap naman ako ni Kidd, kinakamusta niya lang ako.
"Inaway ka daw ng mga highschool kanina?" tanong nito saakin.
Kanina lang iyon nangyari pero bakit alam niya na agad? Kung sa bagay, marami nga pala siyang koneksyon sa bagay bagay.
Tumango ako. "Mga wala lang sigurong magawa ang mga iyon," natatawang sabi ko sakanya.
Umiling ito. "Sorry, nadamay ka pa talaga sa gulo. Hayaan mo, ipapa-delete ko nalang iyong kumakalat na video." sabi ni Kidd.
"Hindi na siguro, baka wala ng saysay iyon. Kumalat na, madami na ang nakakita, wala na tayong magagawa." sabi ko sakanya sabay pilit na ngiti.
Pinanliitan ako nito ng mga mata. "Are you sure? Baka asarin ka nanaman nila kinabukasan, wala pa man din ako sa tabi mo." sabi pa nito.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at wala sa sariling napatingin kay Kane na ngayon ay nasa tapat ko.
Nakatingin lang siya saaming dalawa habang siya ay masama na ang tingin, para bang may kaaway ito.
Pinilig ko nalang ang ulo ko. Ayoko nalang mag-isip na kung ano ano, baka sa dulo ay ako din ang masaktan.
Huminga ako ng malalim. "Ayos lang, hahayaan ko nalang sila, pero hindi ko na papalagpasin kapag sumobra na." sabi ko.
"That's my girl…" sabi ni Kidd sabay ngisi at kindat saakin.
Napangiti nalang ako sakanya at parehas kaming natigilan nang makarinig kami ng tikhim galing kay Kane.
Sabay kaming napalingon sakanya, samantalang si Kane naman ay agad na umiwas ng tingin sa'min.
Nang magka-tinginan kami ni Kidd ay parehas nalang kaming nag-kibit balikat, natawa nalang ako.
Hapunan na ngayon kaya naman kaagad akong dumiretso sa hapag-kainan. Kakagaling ko lang sa kwarto dahil gumawa pa ako ng assignment ko.
Lahat sila ay nandoon na, maliban kay Kane. Lagi namang ganoon, palagi siyang naiiwan sa hapag-kainan.
Mabuti nalang at hindi namin kasabay kumain si Sir Luicito, natatakot kasi akong muli siyang makita.
"Bakit hindi natin hintayin si Kane bago tayo kumain?" wala sa sariling sabi ko sa magkakapatid.
Sabay sabay silang napatingin saakin, para bang hindi inaasahan na sasabihin ko iyon. May mali ba? Wala naman.
Kumunot ang noo ni Vin. "What? Bababa naman iyon kapag gusto na niyang kumain, parang hindi ka naman nasanay." sabi nito.
Tumango si Lucius bilang pag-sang ayon sa kapatid.
BINABASA MO ANG
Night of Paradise (CNS#3)
RomanceCasa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father. What else can wealth do, if your father does not love you. Wanted his father to love him, he will d...