Chapter 9

656 33 1
                                    

Chapter 9

Accident



Kinabukasan, hindi ko na alam kung ano pang mga sunod na nangyari. Basta ang alam ko, nakatulog na agad ako kagabi.

Hindi ko nga din alam kung bakit parang ang bilis ko yata kagabi, samantalang minsan ay inaabot pa ako ng madaling araw.

Siguro ay may ayaw lang akong isipin na isang bagay, kaya naman kaagad akong nakatulog.

Nang magising ay nag-prepare na agad ako para mamaya sa pag-pasok ko sa school.

Nang makababa na sa kwarto ay ayos na ayos na ako at nakaligo na't nakapag-bihis na, kakain nalang ako.

May mga naka-handa na doong pagkain, siguro ay niluto na ito ng mga kasambahay kanina pa.

Sayang, balak ko pa naman sanang ako ang mag-luluto ngayon. Tutal ay talagang papanindigan ko na ang pag-papanggap kong kasambahay.

Speaking of nga pala, hindi ko na inalam kung saan natulog si Ivy. Ayoko din namang alamin, basta kung saan nalang siya komportable.

Ako pa lang ang nasa hapag-kainan ngayon. Ako nanaman kasi ang maaga, as usual na iyon.

Kailangan ko nanamang mag-hintay para sakanila. Ganoon naman kasi lagi, dapat sabay sabay kumain.

Mabuti nalang kagabi ay hindi umuwi si Sir Luicito. Hindi ko alam pero mukhang nasa side ko yata ang tadhana.

Busy daw kasi si Sir Luicito kaya hindi siya nakauwi kagabi, baka daw mamaya pang madaling araw iyon umuwi.

Habang hinihintay ko sila, nag-iisip naman ako ng mga assignment dahil baka mamaya ay mayroon pala.

Naputol lang ang pag-iisip ko nang isa isa nang nagsi-datingan ang mga magkakapatid. Tulad ko ay ayos na din silang lahat.

Ang huling bumaba ay sila Ivy at Kane na ngayon ay bihis na bihis na din, kakaligo lang.

Nang makita ako ni Ivy ay agad siyang kumaway saakin, kalaunan ay lumapit ito sa gawi ko.

"Yesh, maaga kang nakatulog kagabi? Hindi na kasi kita nakita pagkatapos no'n." sabi niya sabay upo sa hapag-kainan.

Ayos lang naman na makita niya ako dito sa hapag-kainan, kahit na kasambahay kuno ako. Kasabay naman kasi nila akong pumasok, e.

At isa pa, alam kong hindi naman na mag-iisip pa ng kung ano ano si Ivy kaya ayos na ako roon.

Tumango ako. "Ah, oo." tipid kong sagot sakanya.

Nang makita kong tumingin saakin si Kane ay kaagad akong nag-baba ng tingin sa plato ko.

Ewan ko ba, pero bigla nalang pumasok sa isip ko na iwasan ko nalang siya. Hindi ko din alam kung bakit.

Kagabi, simula nang makita ko silang dalawa ni Ivy, ang dami nang tumatakbo sa isip ko na hindi ko maipaliwanag.

Dagdag pa iyong sinabi saakin ni Kidd na someone is jealous daw. Nakakaintindi ako ng english, pero hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin niya roon!

Nakita ko naman na si Kane mismo ang nag-urong ng upuan kay Ivy para makaupo na ito.

Mahina naman akong umubo sa hindi malamang kadahilanan. Nag-simula nalang kaming kumain.

"Eto na pala ang last day ko dito. Sa tingin ko, medyo napalamig ko na ang ulo ko, sana lang ay kaya ko pang harapin sila Mama." panimula ni Ivy.

Natigil ako sa pag-subo ng kanin at kalaunan ay nag-aalala siyang tinignan.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon