Chapter 6
Painting
Nagpatuloy na muli ako sa ginagawa pagkatapos mangyari iyon. Kaya lang, nawala na ako sa focus ko.
Laking pasasalamat ko nalang sakanilang apat dahil kung hindi dahil sakanila, uulit nanaman ako ng panibago.
Wala sa sariling napangiti ako. Tinulungan nila ako. Talagang hindi ako nagkakamaling mababait talaga sila.
Bumuntong hininga naman ako. Tuluyan nang nawala ako sa focus sa aking ginagawa dahil paulit ulit iyong pumapasok sa isipan ko.
Napatingin ako kay Kane. Tahimik na siyang nagtitipa ngayon pero tutok na tutok pa din ito sakanyang laptop, halos ilapit na niya ang mukha niya doon.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi na ako makapag-focus ay dahil kita sa gilid ng mga mata ko ang tatlong magkakapatid na nagpapaligo ng kabayo.
Sino ba naman ang hindi mawawala ang focus sakanila? Lalo na't ngayon ay topless silang lahat, kaya naman todo iwas ako ng tingin.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Ewan ko ba, kung ano ano nalang ang pumapasok sa isipan ko.
Mukhang mali yata ako ng desisyon na lumipat pa dito sa garden, kung tutuusin ay maayos na sa sala, e.
Kaya lang, kaya ako lumipat dito dahil nandoon si Kane. Hindi ko naman inaasahan na hanggang dito ay susundan niya ako.
Napairap nalang ako sa kawalan. Ewan ko ba sa lalaking ito. Hindi na siya parang tao, para na siyang kabute na kung nasaan ako ay nandoon din siya.
Sa huli ay minabuti kong magpatuloy nalang sa ginagawa. Wala naman akong mapapala sa kakaisip ko ng kung ano ano.
Nang matapos na ako ay para naman akong nakahinga ng maluwag. Sa wakas kasi, natapos ko na walang gumugulo sa isipan ko.
Akmang tatayo na sana ako para umalis, nang natigilan ako dahil bumaba ang tingin ko sa ginagawa ni Kane.
Again, hindi ko nanaman maintindihan iyong ginagawa niya doon pero sobrang kuryoso na talaga ako.
Gusto ko sana siyang tanungin, kaya lang, natatakot ako na baka mamaya ay bigla siyang magalit saakin.
Ayoko ngang mangyari iyon, mabuti nga at mabait siya saakin kasama ang mga kapatid niya, ayokong isipin niyang pakielamera ako sakanya.
Pero, wala naman sigurong masamang magtanong? Gusto ko lang naman malaman pa ang iba niyang mga ginagawa sa buhay.
Wow, Yesh, kailan pa ba ako naging tsismosa sa buong buhay ko? Ang pagkakaalam ko, ayaw na ayaw ko sa mga tsismosa.
Sige, iba naman ako doon sa mga tsismosang kilala ko kaya ayos lang iyon, hindi ako katulad nila.
Nanatili nalang akong nakaupo doon sa pwesto ko, napag-desisyunan kong mamaya nalang ako umalis.
Tumingin nalang ako sa kapaligiran, sobrang tahimik pero maingay sa hindi kalayuan gawa nila Kidd na halos mag-bangayan na doon.
"Ako na nga kasi magpapaligo dito. Ang kulit niyong dalawang bata!" narinig kong sigaw ni Kidd sa hindi kalayuan.
Mukhang nag-aagawan yata ang magkakapatid, kaya lang ay hindi kasmaa doon si Kane.
Inagaw naman ni Vin ang hose kay Kidd pero binawi niya iyon. Itinaas niya iyon lalo para hindi maabot ni Vin.
"Bata? Hoy! Hindi na kami bata! Kaya na naming gumawa ng bata!" balik sigaw naman ni Vin.
Nalaglag ang panga ko doon at hindi ko na maiwasang matawa. Mukha lang naman kasi silang batang nag-aagawan sa candy.
BINABASA MO ANG
Night of Paradise (CNS#3)
RomanceCasa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father. What else can wealth do, if your father does not love you. Wanted his father to love him, he will d...