Chapter 10

781 38 1
                                    

Chapter 10

Sunflower



Maya maya pa ay umuwi muna ako sa bahay para utusan ko daw iyong mga kasambahay na dalhan ng gamit sila Kane.

Since ako ang narito, edi ako nalang ang magdadala ng mga gamit nila. Purwisyo pa kasi ang ginawa nilang 'yan.

Nagpasama lang ako sa isang kasambahay doon para tulungan akong ilagay ang mga damit ni Kane at ganoon din ang kay Kidd.

Sinabi kasi ng Doctor na baka mag-stay sila doon ng mga 2-3 days lang, mabuti na iyon dahil saglit lang sila roon.

Nang matapos makuha ang mga gamit ay kaagad na akong bumalik sa hospital at pumasok na sa kwarto ng dalawa.

Pinag-sama nalang ang kwarto nila, tutal ay magkapatid naman sila, kahit na kaya nilang mag-solo lang sa isang kwarto.

Nanonood lang ng TV ang dalawa nang maabutan ko sila doon, sandali lang silang tumingin saakin.

Lumapit ako doon sa couch at dahan dahang inabot ang bag nilang dalawa. Pagkatapos ay bumuntong hininga ako.

Bakit ba pakiramdam ko ay parang nanay ako ng mga ito? Ang ibig kong sabihin, parang ako itong todo alalay at alaga sakanila.

Sila Vin at Lucius kasi ay nasa bahay lang, hindi sila pinayagang umalis ng bahay dahil baka daw maka-sagabal iyon sa pag-aaral nila.

Ganoon din naman ako, nag-aaral din ako pero hindi naman nakaka-sagabal saakin itong ginagawa ko.

Ang Papa nila Kane ay dumating kanina para kamustahin ang lagay ng dalawa, pero kalaunan ay umalis na din iyon.

Kaya naman, kaming dalawa lang ng kasambahay ang bantay nila dito.

Napatingin naman saakin sila Kane at Kidd, tinitigan nila ako ng matagal at hindi ko din alam kung bakit.

Bumuntong hininga ako at kalaunan ay dahan dahang lumapit sakanila para kausapin.

"Ano nga palang nangyari sa mga pulis? Bakit wala na sila doon sa labas?" takang tanong ko sakanila.

Napansin ko kasi kanina nang pag-pasok ko sa kwarto nila ay wala na doon ang mga pulis.

Nakita ko namang napasimangot si Kane sabay tingin kay Kidd, ganoon din ang naging reaksyon niya.

"Nakuha iyong license ni Kane," parang natatawang sagot pa ni Kidd saakin.

Nakita ko namang kaagad siyang sinamaan ng tingin ni Kane, hindi ko alam kung matatawa ba ako or hindi.

Ayan kasi ang napapala ng mga mayayabang sa kalsada. Akala mo ay hari na nila ang daan, ayan tuloy ang kaparusahan niya.

Natatawang umiling nalang ako habang nakatingin kay Kane, ako naman ang sinamaan niya ng tingin.

"Anong nakakatawa?" madilim na tanong nito saakin.

Umiling ako. "Wala, ang aga mo lang kasing na-karma," natatawa ko ulit na sinabi sakanya.

Inirapan niya ako. "It's not funny. Halos isang buwan akong hindi makakapag-drive, and that's bullshit." sabi niya at pagkatapos ay tumingin sa kawalan.

Huminga ako ng malalim. "Next time, huwag mong iisipin na parang hari ka ng daan. Mabuti nalang at ayan lang ang napala mo." sabi ko sakanya.

"Okay, masusunod po." masuyong sabi saakin ni Kane.

Natawa nalang ako sakanya at kalaunan ay bumalik ng upo sa couch. Baka mamaya din ay umuwi na din ako.

May pasok pa kasi ako bukas at wala akong balak na magpalipas ng gabi dito lalo na't may bantay naman na sila.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon