Chapter 30

1.1K 46 4
                                    

This is the last Chapter of Night of Paradise. Thank you so much for your tirelessly support, here it is, we are here at the end. Thank you to my silent readers there (if ever) I just want you to know that you are one of those who inspired me in writing each chapter.

This story is just a light conflict, but I hope you learned a lot from this story. Also, this is the last installment for the Casa Novia series. I will surely miss all of them! Next is Wakas.

Chapter 30

Bracelet



Akmang tatakbo na sana ako paalis sa pwesto ko, nang may mapansin akong pigura ng isang tao na nasa hindi kalayuan.

Sumingkit ang mga mata ko. Medyo malayo iyon kaya hindi ko makilala kung sino, basta ang alam ko ay nakatingin siya saakin.

Muling bumalik ang tingin ko sa nasusunog na kompanya. Ano bang mas uunahin ko? S'yempre si Kane.

Kaya lang, mas'yado akong nadadala ng kuryosidad ko. Muling bumalik ang tingin ko sa hindi kalayuan, kung saan may babaeng nakatayo roon at nakatingin saakin.

Napalunok ako. Alam kong nakatitig siya saakin, kaya naman hindi ko maiwasang matakot doon.

Sa huli, natagpuan ko nalang ang sarili ko na ngayon ay naglalakad na palayo sa building na nasusunog.

Bago man ako makapag-patuloy sa paglalakad. Binalikan ko iyong dinaanan ko kanina, kung saan nahulog ang box na dala dala ko. Kaya lang, nagulat ako nang makitang wala na iyon roon.

Kalaunan ay napaangat ako ng tingin nang may makita akong isang pares ng paa na ngayon ay nasa tapat ko.

Napaawang ang labi ko sa nakita ko. Tama nga ang hinila ko. It was her. At mas nagulat ako nang makita kung ano ang nasa kamay niya.

Walang iba kundi ang red velvet box na nahulog ko kanina. Ibig sabihin, siya ang nakakuha no'n.

"That's mine," madiin kong sinabi sakanya.

Ngumisi ito saakin. "Oh, is this yours?" sabi niya sabay taas sa red velvet box na hawak niya.

Muli akong napalunok. Iyong totoo, ano bang binabalak niya ngayon sa buhay? Nababaliw na talaga siya.

"Ibalik mo sa'kin 'yan," sabi ko sabay lahad ng kamay ko sakanya.

But of course, hindi binalik ni Ivy saakin ang box, sa halip ay dahan dahan niya pa iyong binuksan.

Nang mabuksan niya ang kahon, sunod ko namang narinig ang malakas niyang tawa. Napakunot ang noo ko sakanya.

"Ganito ka na ba ka-desperadang mapa-sa'yo si Kane? Really? A diamond ring for him?" malakas siyang tumawa pagkatapos.

Ilang beses akong napakurap doon. Kalaunan ay tinanggal niya sa box ang singsing at hinawakan niya iyon, itinaas niya pa para makita ko ng mabuti.

"Wow, it's so nice. May balak ka bang mag-propose sakanya?" nakangising tanong niya saakin.

Inabot ko ang singsing pero kaagad niya iyong nailayo saakin.

"Akin na sabi 'yan!" iritang sigaw ko sakanya.

Umiling ito, nakataas pa din ang kamay niya kung saan nandoon ang singsing.

"No way, Yesh. You'll never get this, unless, kaya mong makuha ito kahit saan ko itapon?" sa sinabi niyang iyon ay agad akong kinabahan.

Anong pinaplano niya? Sa huli ay nagulat ako sa biglaan niyang ginawa.

Tumakbo siya papunta roon sa likod ng nasusunog na building. Madaming tao ang nakapaligid roon pero nakasingit pa din siya.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon