Chapter 17

679 29 0
                                    

Chapter 17

Truth



Kahit umuulan ay wala akong pakielam, basta ay makaligo lang ako sa ulan sa unang pagkakataon.

Hinigit ko si Kane at kaagad naman siyang tumayo. Nag-umpisa na akong tumakbo sa dalampasigan at ganoon din siya.

Kanina pa ako tawa ng tawa dito, paano ba naman kasi ay busangot ang mukha ni Kane, parang napipilitan lang ito.

Nag-habulan lang kaming dalawa sa gitna ng daan, hindi ininda ang mga bato na nasa dalampasigan.

Sandali akong lumingon sa likod ko at nang makitang malapit na saakin si Kane ay mas lalo kong binilisan ang pag-takbo.

Napasigaw ako nang bigla niyang hinablot ang palapulsuhan ko at pagkatapos ay walang dali daling binuhat ako.

"Huli ka…" madilim ngunit natatawa niyang sinabi saakin.

Nagsu-simigaw naman ako at piniglas ang aking paa para nang sa ganoon ay mabitawan niya ako.

Ngunit dahil nga malakas siya, wala akong nagawa para makababa at sumigaw nalang ng sumigaw.

Wala sa sariling napatingin ako sa kalangitan, saktong pababa na ang araw ngayon at makulimlim na iyon.

Habang tumatagal ay mas lalo lang lumalakas ang ulan, mukhang mamaya pa iyon titila.

Buhat buhat ako ni Kane hanggang sa maibaba niya ako sa dalampasigan.

Hingal na hingal kaming dalawa, pero wala pa din akong balak na tumigil.

Gusto ko lang namang i-enjoy ang araw na ito, saktong ito ang una kong pagkakataon na magagawa ito at kasama pa ang special na tao saakin.

Sandali akong napahawak sa dibdib ko, medyo nakakaramdam na ako ng pagod, pero ayos lang.

Naramdaman ko naman na kaagad na lumapit saakin si Kane at hinawakan ang braso ko.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito saakin.

Sandaling tumingin ako sakanya at kalaunan ay ilang beses akong tumango. Medyo hiningal lang naman ako kanina.

Nag-thumbs up ako sakanya. "Okay na okay lang. Ano, tara na ulit? Ikaw ang taya, ah."

Kumunot ang noo niya, mukhang naguguluhan sa sinasabi ko, kaya naman kinuha ko na iyong tiyempo para makalayo sakanya.

Narinig ko pang ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko, samantalang ako ay tumakbo lang palayo.

Sobra na akong natatawa dito, lalo na nang tignan ko ang aking likod, hindi ako hinahabol ni Kane.

"What your step!" sigaw niya saakin mula sa hindi kalayuan.

Natawa lang ako sakanya at saktong pag-harap ko sa kaharapan, saktong may nakapa akong bato sa paanan ko.

Ngunit, huli na ang lahat para makaiwas pa ako doon dahil tuluyan na akong natalisod.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakadapa na ang katawan sa buhanginan.

"Yesh! Sinabi nang tignan ang dinadaanan, e." batid kong iritang sinabi saakin ni Kane.

Dahan dahan akong bumangon, punong puno na ng buhangin miski ang mukha ko dahil sumubsob ako doon.

Kalaunan, nang makaupo ako sa buhanginan ay kaagad kong tinanggal ang buhangin sa mga mata ko.

Kaagad naman akong dumaing nang maramdaman ko ang hapdi sa bandang mata ko.

Naramdaman ko naman si Kane na agad tumabi sa pwesto ko, hinawakan nito ang braso ko.

Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon