Chapter 3
Close
Ginawa ko na ang lahat upang matakpan ang katawan ko. Kaagad kong binalot ang katawan ko nang nakita ko doong kurtina.
Nakatakip naman ang mga mata ni Kidd at ganoon din ako. Paano ba naman, parehas kaming hubad ngayon!
Sa totoo lang ay sobrang awkward nito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, maging siya ay hindi alam kung anong gagawin.
Nakapikit ako ng mariin at sobrang higpit ng kapit ko sa kurtina, baka kasi mamaya ay malaglag pa iyon.
Medyo dinilat ko ang mga mata ko, sinilip ko lang kung anong ginagawa ngayon ni Kidd.
Sa mata niya lang ako nakatingin, ayoko ngang bumaba ang tingin sakanya dahil baka kung ano ano pang makita ko!
Narinig ko siyang suminghap at narinig ko ang yabag niya na papalabas na ng banyo, hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag doon.
"Tapos ka na bang mag-shower? Lalabas muna ako," tanong niya at alam kong nakatalikod siya saakin.
Tumango nalang ako, kahit pa hindi ko alam kung nakita niya ba iyon or hindi, pero kalaunan ay narinig kong sumara na ang pinto.
Pagkatapos no'n ay kaagad akong nakahinga ng maluwag, para bang nakalaya ako sa kulungan.
Dali dali kong kinuha ang towel at kaagad iyong itinapis sa katawan ko.
Ito ang problema ngayon, nasa labas ang damit na susuotin ko. Ibig sabihin, lalabas ako ng kwarto na naka-tapis lamang.
Wala sa sariling napasabunot na lamang ako. Kung bakit ba kasi hindi pumasok sa isip ko na anytime ay papasok dito si Kidd dahil kwarto niya ito.
Ilang beses akong tumalon talon sa banyo dahil sa kahihiyang ginawa ko. Isa lang ang masasabi ko, ang tanga ko at sobrang nakakahiya iyon!
Ngayon, mukhang literal na wala na akong mukhang maihaharap pa sakanya. Ayoko na, oras na yata para lumayas dito.
Charot. Baka nakakalimutan ko kung bakit nga ba ako nandito. Hinding hindi ako makakalimutan ang contract na pinirmahan ko.
Napaisip tuloy ako, kanina, nang pumasok si Kidd dito, nakita niya kaya ang hubad kong katawan?
Kaagad kong pinilig ang ulo ko at kalaunan ay umiling ng marami. Ano ba naman ito! Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.
Dahan dahan akong lumabas ng banyo, nakatapis lang ang katawan ko nitong sobrang nipis ng twalya.
Naabutan ko si Kidd na nakaupo sa couch at nakadukwang ang kanyang mga mata sa phone.
Nang marinig niya ang yabag ko ay kaagad siyang umayos ng tayo. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at kalaunan ay lumunok ito.
Tumikhim siya. "Uhm, may walk in closet ako doon. Doon ko nalang mag-bihis." hindi makatinging sabi nito pero tinuro niya ang walk in closet.
Walk in closet? Tumango nalang ako sakanya, kahit pa na hindi ko alam kung anong hulugan no'n.
Basta, ang importante ay mukhang doon niya ako pag-bibihisin.
Kaagad kong kinuha ang damit ko na nakatupi sakanyang kama. Nanlaki naman ang mga mata ko nang ang nasa ibabaw pala ay ang panty at bra ko.
Binalot nanaman ako ng kahihiyan sa aking katawan. Malamang sa malamang ay nakita niya ito!
Ano pa bang kahihiyan ang gagawin mo, Yesh? Unang araw mo pa lang sa ibang bahay pero ganito ka na!
BINABASA MO ANG
Night of Paradise (CNS#3)
RomanceCasa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father. What else can wealth do, if your father does not love you. Wanted his father to love him, he will d...