Guardian Angel: "Siya?! Si Zach?"
St. Cecilia: "Yes baby angel! Hihihi."
Leah: "Huh?! Gusto mo si Zach?"
Kath: "Uy! Shhh... Baka marinig niya. Buti medyo malakas yung music."
Leah: "Oops. Sorry. Sorry. I thought may gusto ka kay Jerome."
Kath: "Ha? Si Jerome? Hahahaha! Yes, Jerome is handsome, but I like Zach because of his humor. Nakakatuwa kaya siyang kasama. Sorry, pero para kasing amboring ni Jerome."
Guardian Angel: "Hindi naman boring si Jerome."
St. Cecilia: "Hihihi! Supporter ka talaga ng love team nila no, Leah and Jerome, LeJer?"
Guardian Angel: "Neutral na lang ako..."
St. Cecilia: "Sus! Ayaw mo nga ng JeKath."
Guardian Angel: "Jekath?
St. Cecilia: "Jerome and Kath. Hihihi."
Guardian Angel: "Corny."
St. Cecilia: "KathZa. Kath and Zach?"
Guardian Angel: "Parang tela... KathZa! Tama na nga yan Ate Cess!"
St. Cecilia: "Uso ngayon yan sa showbiz. Hihihi."
Leah: "Sorry akala ko kasi... Yung secret niyo kanina..."
Kath: "Huh? Ayun ba? Hahaha! Sinabi ko kay Jerome na gusto ko si Zach, nagtanong ako para maintindihan ko ang mga boys. Ayoko kasi sa ibang choir members magtanong, aasarin lang ako ng mga 'yon. At least si Jerome, mukhang mapagkakatiwalaan."
Leah: "Si Jerome? Mapagkakatiwalaan?"
Kath: "Ay bakit? Hindi ba?"
Leah: "Uhhh, wala nevermind..."
Kath: "Hmmm.... Kaya ko pala kayo niyayang kumain kanina agad kasi feeling ko talaga ma-o-out place na naman kami kapag magkasama kayo ni Jerome. Lagi kasi kayong magkadikit. Clingy masyado si Jerome. Hahaha!"
Leah: "Di ko alam sa kanya..."
Kath: "Hahaha! pero alam mo Leah, maswerte ka."
Leah: "Bakit naman?"
Kath: "Simple lang ang buhay mo. Ako kasi I have plenty of things to consider like our business. Sa akin papamana 'to. Alam kong hindi well-off sina Zach, and I do not want to give false hopes sa kanya, kaya hindi ko maamin that I like him, kahit very open siya sa group na sinasabi niya na crush niya ako. My family will kill me if they will find out na si Zach yung nagugustuhan ko."
St. Cecilia: "Ay iba din..."
Guardian Angel: "Go na tayo sa KathZa! i-Ship na yan!"
Leah: "Si Zach 'lang'? Kath, hindi dapat tinitingnan ang estado sa buhay kapag umiibig ka. Ano ngayon kung hindi sila mayaman. Ang importante sa hinaharap kung 'mag-iibigan' kayo, period."
Kath: "Well, tama ka naman diyan. We will see..."
Leah: "May nabanggit ka pala na may nagugustuhan na siyang iba ngayon? Narinig mo sa ibang choir members?"
Kath: "Ikaw."
Leah: "Ako? anong ako?"
Kath: "Crush ka ni Zach."
Guardian Angel: "WHAT?!"
St. Cecilia: "AY?!"
Leah: "Huh? Imposible."
Kath: "Bakit imposible? Leah, ito lang mapapayo ko sa'yo. Taasan mo ang self-confidence mo, ikaw na nga mismo nagsabi na hindi dapat tinitingnan ang estado 'di ba? You are simple and funny, and hindi ka naman mahirap magustuhan."
Leah: "Uh.. hindi ko alam ang sasabihin ko. Sorry Kath..."
Kath: "Hello? Bakit ka nagsosorry? Hahaha! Nagustuhan ka lang nung tao. Don't be sorry for that."
Guardian Angel: "Patay tayo neto, ang haba ng hair ng alaga ko..."
St. Cecilia: "Truthhhhssss..."
Leah: "Pero don't worry Kath, akong bahala kay Zach. Susuportahan ko kayong dalawa!"
Kath: "Thank you Leah, bakit ba hindi tayo nagkabonding dati pa 'no? Hahaha!"
..............
St. Cecilia: "Baby angel, aalis na ako ah. Mission Accomplished na ako dito... hihihi!"
Guardian Angel: "Yun pala ang mission mo, para mailabas ni Kath ang tunay niyang nararamdaman?"
St. Cecilia: "Both kay baby girl natin for Jerome and kay Kath for Zach. Hihihi!"
Guardian Angel: "Salamat Ate Cess! At least naayos ang lahat... and maliwanag na, kaso si Jerome... hay... sige na Ate Cess! Bye!"
St. Cecilia: "Bye! See you later baby angel!"
*************
Kath: "Hatid ko na kayong dalawa."
Leah: "Huwag na Kath, kaya na namin sarili namin palabas."
Zach: "Yeah! Kayang-kaya! Hahaha! Ako na bahala maghatid kay Leah sa bahay nila, madadaanan ko rin naman..."
Kath: "Sure kayo? Okay. Thank you sa inyo ah. Grabe kasi yung iba, pagkatapos kumain umuwi na. Hahaha. Eat and run!"
Zach: "Oh? Si Jerome pala?"
Leah: "Wala. Hayaan na natin 'yon"
Guardian Angel: "Oo nga, di na bumalik yung lalaking yun, sarap kaltukan, iniwan ka Leah."
Zach: "Bye Kath! Sweet dreams!"
Kath: "Bye Zach! Bye Leah!"
Leah: "Yung secret natin ha?"
Kath: "Yes! Hahaha!"
Zach: "Secret?"
Leah: "Wala. Wala. 'Girl-thingy'"
..........
Guardian Angel: "Buti na lang may maghahatid sa'yo pauwi..."
Leah: "Oo nga eh..."
Zach: "Leah, asan pumunta si Jerome?"
Guardian Angel: "Wala, bumatsi, masyadong busy, part time call center agent yata yung mokong na yun. May pa-sagot ng phone calls..."
Leah: "Si Jerome? Hindi ko nga alam, may kausap lang kanina sa Phone hindi na bumalik."
Zach: "Talaga? Iniwan ka habang magkausap kayo kanina? Loko yun ah!"
Leah: "Hayaan mo na 'yun, may importante lang ata na inasikaso."
Zach: "Ah.. Leah, Knock! Knock!"
Leah: "Huh?"
Zach: "Knock Knock Joke 'to."
Leah: "Ahh...."
Zach: "Knock! Knock!"
Leah: "Uhh... who...Who's there?"
Zach: "LEAH!"
Leah: "Leah who?"🎵🤡🎵🤡🎵🤡🎵🤡🎵
Hanggang ngayon! Hanggang ngayon!
Ikaw pa rin ang iniibig ko
Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko
Ikaw LEAH-mang
Hanggang ngayon...🎵🤡🎵🤡🎵🤡🎵🤡🎵
Leah: "Hahahaha! Sira!"
Zach: "Hahahaha! Pinapatawa lang kita, sad ka kasi..."
Guardian Angel: "In fairness, havey! Ganda din pala ng boses nitong pianistang 'to. Cool naman pala itong si Zach, may itsura din naman at mabait. Kaso lang pinaglihi yata sa kiti-kiti 'to, masyadong magalaw."
Zach: "Gulpihin ko na si Jerome?"
Leah: "Hala siya? hahaha! Gulpi agad?"
Zach: "Saktan na 'yan!"
Leah: "Hahaha! Huwag naman."
Guardian Angel: "What is this?! Anong loveteam to? 'LeZa'?! Ay, parang kuto... ampangit..."
Leah: "Thank you sa paghatid Zach, medyo gabi na pero ihahatid mo pa rin ako."
Zach: "Sus! Wala yun! Uy! Teka lang? Si Jerome oh!..."
Jerome: "Ha..ha... Wait, I will catch my breath..."
Guardian Angel: "San kaya nanggaling 'to, mukhang nagjogging sa kabilugan ng buwan..."
Leah: "..."
Jerome: "Sorry Leah, hindi ako nakabalik kaagad. May very important lang akong inasikaso..."
Zach: "Ah yung tawag kanina, habang kausap mo si Leah?"
Leah: "Okay lang Jerome, pauwi na kami ni Zach. Hayaan mo na lang yung nangyari kanina."
Jerome: "Tara Leah, hatid na kita."
Guardian Angel: "Si Zach na maghahatid kay Leah..."
Zach: "Ako na pre, malapit lang sa amin si Leah..."
Jerome: "No Zach, malaki ang kasalanan ko sa kanya, ako na lang..."
Zach: "Pre, okay lang mapapalayo ka pa."
Jerome: "Zach please, ako na lang ang maghahatid."
Zach: "Dapat hindi mo kasi iniwan si Leah kanina Jerome"
Jerome: "What? Sinabi ko nga na importante 'yun eh."
Zach: "Jerome, ako na maghahatid."
Jerome: "Ako na Zach."
Guardian Angel: "TEKA! TEKA! TEKA LANG! Sumasakit ulo ko!"
Leah: "Uhmmm... guys..."
Jerome: "Leah, please, allow me to make it up to you, hayaan mong ihatid kita."
Zach: "Ang kulit mo Jerome. Ako na nga."
Jerome: "Zach! Ano ba?!"
Zach: "Iniwan mo si Leah kanina tapos ngayon hahatid mo siya? Baka iwan mo ulit 'to. Babae to pre hindi iniiwan. Pano mamaya sa daan?"
Jerome: "What?! Hey Zach parang di yata maganda yang ibig mong sabihin ah!"
Zach: "Ako maghahatid kay Leah, tara Leah."
Jerome: "You're annoying Zach!"
Zach: "Huwag mo akong ma-english-english, you...you... 'Iwan-er!' You iwan Leah! You left-left Leah in the night!"
Jerome: "What?"
Zach: "Ah basta iniwan mo siya!"
Jerome: "Ako na!"
Zach: "Ako na!"
Guardian Angel: "Sandaleeehhh!!!"
Leah: "Guys! Ano ba?!"
BINABASA MO ANG
From Above
RomanceSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...