Part 12 - Nice!

53 0 0
                                    

Guardian Angel: "Nice! Mayaman pala talaga si Kath!"
Leah: "Oo nga, anlaki ng bahay nila..."
St. Cecilia: "Sana may piano diyan. Hihihi!"

Kath: "Guys, make yourself at home. Dito na lang muna tayo sa sala while waiting for our dinner."
Choir Member 1: "Wow, ang ganda ng bahay niyo Kath!"
Choir Member 2: "Oo nga, anlawak ng garden nila..."
Jerome: "So, Kath who are you with in this big house?"

Kath: "Oh just me, my dad and my mom. Then, mga kasambahay na namin ang iba..."
Choir Member 3: "Kung dito ako nakatira, lagi siguro akong maliligo sa swimming pool."

Jerome: "Ayos ka lang ba Leah?"
Leah: "Okay lang naman, di lang talaga ako sanay sa malalaking bahay..."
Guardian Angel: "Maliit nga lang room ni Leah, parang banyo lang siguro nila dito..."

St. Cecilia: "Oh, I can sense na may grand piano sila! Hihihi!"
Guardian Angel: "Oh beh, nasa bulsa mo ba yung 'Stampita ni Kuya Mike'? Huwag mong iwawala, dasalin mo 'yan kapag sinabi ko sa'yo."
Leah: "Yup, kanina ka pa remind ng remind sa akin ha... Kinakabahan ako sa mga ganyan mo."

Jerome: "Ah Leah, patabi..."
Leah: "Ah...okay..."
Kath: "Oops, Maglayo muna kayong dalawa ngayon, kasi gusto naman namin kayong makabonding. Leah, can I speak to Jerome naman this evening?"
Guardian Angel: "Aba?! Huwag kang ma-attitude ghurl. Bakit parang kasalanan ni Leah na tumatabi lagi si Jerome sa kanya? Nagpapaalam ka pa..."
St. Cecile: "Highblood ka na naman diyan, hanapin natin yung piano nila bilis. Hihihi!"

Choir Member 2: "Wow, andaming snacks! Pakain Kath ha!"
Kath: "Sure! Help yourselves! Except Jerome dahil mag-uusap muna kami. Kuha ka muna ng snacks mo doon Leah, I think niluluto pa naman yung dinner."

Guardian Angel: "Parang may gusto din akong lutuin ngayon..."
St. Cecilia: "Anuba friend, hayaan mo nga sila 'no... tara yayain mo si Leah na kumain."

Leah: "So, ano na bang atin ngayon?"
Guardian Angel: "Wala naman, observe-observe lang."

Leah: "Ano ba kasi yung sinasabi mong hinihintay mo? At ano yung sinasabi mong misyon ni Ate Cess?"
St. Cecilia: "Sabihan mo siya na kakanta sila 'di ba? Yun, kakanta sila..."
Guardian Angel: "Sabi ni Ate Cess kakanta daw kayo."

Leah: "Hay, bakit kasi kailangang i-push yan!"
Guardian Angel: "Don't worry andito naman si Ate Cess para tulungan ka..."

Leah: "Hay..."
Guardian Angel: "Uy! Nag-uusap si Jerome and Kath oh?"

Leah: "Oo nga 'no, hayaan mo lang sila, 'yan naman talaga gustong mangyari ni Jerome."
Guardian Angel: "Kunsabagay, I mean, bakit mo ba pagpipilitan ang sarili mo sa taong ayaw naman sa'yo?"
St. Cecilia: "Ay, I like than baby angel...hihihi!"

Guardian Angel: "Ate Cess, yun pala yung grand piano nila o!"
St. Cecilia: "Oh, how beautiful! Kinikilig ako! Sana patugtugin nila mamaya."
Leah: "Uhmmm... Ano kaya kung ibigay ko na lang itong Rosaryo ni Jerome sa kanya..."

Guardian Angel: "Huh? Bakit mo ibibigay? Di ba may kasunduan kayo na ibibigay mo lang 'yon kapag nagbago na siya?"
Leah: "Nagbago naman siya eh! Nagbago ng gusto...charot."

Guardian Angel: "Huwag ka ngang 'Bitter-ella' beh, umayos ka."
Leah: "Joke lang! Ito naman. Pero alam mo 'yun. Kapag unti-unti mong natatanggap yung katotohanan, unti-unti mo na ring naililigtas ang sarili mo mula sa kalungkutang gawa ng sarili mong ilusyon..."
St. Cecilia: "Ay! Hindi ako na-inform na heavy drama pala ang effect natin dito."

Leah: "Yung kanta ko mamaya, 'yun na ang katotohanan, yung ang nararamdaman ko..."
Guardian Angel: "Aba, kunwari ka pa na ayaw mo, may baon ka pa lang kanta?"

Leah: "Moment ko 'to no! Suporta na lang?"
Guardian Angel: "Ano pa nga ba? Of course suporta tayo beh!"

Leah: "Teka lang, magjoin lang ako sa group..."
Guardian Angel: "Oh, tapos na silang magsnacks oh..."
St. Cecilia: "Ayan lumalapit sila sa Grand Piano!"

Choir Member 3: "Wow! Nice! Ang ganda nito. Uy guys try na natin!"
Choir Member 4: "Kath! Tama na 'yang usap niyo ni Jerome, baka magkatuluyan kayo niyan..."
Choir Member 5: "Oy...shh! Si Leah...ano ka ba pre..."

Choir Member 4: "Ay oo nga, sorry Leah..."
Leah: "Hindi, hindi! Magkaibigan lang kami niyan ni Jerome..."
Guardian Angel: "Yes, friends sila, may problem kayo? Gusto niyo bang maligo sa pool ng 'di oras?!"

Choir Member 5: "Lagi kasi kayong magkasama. Akala namin mag BF-GF na kayo eh. Hahaha!"
Choir Member 3: "Bagay naman kayo ni Jerome, kasi si Jerome weird din minsan... Joke lang! Hahaha!"
Guardian Angel: "So anong ibig mong sabihin, weird din si Leah?!"

Leah: "Hahaha! Grabe kayo sa akin ah! Hahaha!"
Choir Member 3: "Pero di nga Leah, bagay kayo ni Jerome kasi nagkakaintindihan kayo."
Guardian Angel: "Huwag ka ng bumawi, baka tabigin ng pakpak ko yang juice mo sa'yo..."
St. Cecilia: "Oh? magsisimula na ba silang kumanta? papunta na si Kath and Jerome dito oh..."

Kath: "Hey guys! Kanta tayo!"
Choir Member 2: "Yeah! tuloy natin yung kanta mo kanina!"
Choir Member 3: "Sige, para masubukan ko na itong Grand Piano!"

St. Cecilia: "Ayan na! Yiiieeee!"
Guardian Angel: "Ready ka na ba Leah? Anong kailangan mo? Tubig? Salabat? Alak?!"
Leah: "Umayos ka diyan, kaya ko sarili ko 'no... kakanta lang naman."

St. Cecilia: "And.... here is my 'harp'! hihihi!"
Choir Member 3: "Okay guys! Katuwaan lang ha! Hehe! Si Kath ulit mauuna."
Jerome: "Galingan mo Kath!"
Kath: "Of course gagalingan ko..."
Leah: "..."

Guardian Angel: "Teka lang! bakit ako yung kinakabahan?! Halaaaa?!"
St. Cecilia: "Relax ka lang... kakanta lang naman sila...hihihi!"

Guardian Angel: "Andaling sabihin sa'yo eh. Ako kasi ang Guardian Angel niyang si Leah 'no kaya ako nagkakaganito..."
St. Cecilia: "Quiet na! Quiet na! 'Yan na..."

Choir Member 3: "So Kath, anong tutugtugin ko?"
Kath: "Yung kinanta ko nung audition natin, para upbeat tayo! haha!"

Choir Member 3: "Huh?! a...a..ayun?"
Kath: "Yup!"

Choir in Chorus: "Go Kath!"

Kath: "Again... this song is for someone I like..."

Guardian Angel: "What?! Bakit siya tumingin kay Jerome?!"
Leah: "Wow. Bakit parang ikaw pa yung nasusurprise? May gusto siya kay Jerome, ano pa ba?"

Kath: "Okay... 1...2...3..."

St. Cecilia: "🎶🎶Lord God, guide Kath and Leah while they sing, that their hearts might show what they ring! 🎶🎶"

✨🎵✨🎵✨🎵✨🎵✨

Kath:

🎶❤️🎶❤️🎶❤️🎶❤️🎶

It's turning out just another day
I took a shower and I went on my way
I stopped there as usual
Had a coffee and pie
When I turned to leave
I couldn't believe my eyes
Standing there I didn't know what to say

Without one touch
We stood there face to face

And I was dying inside to hold you
I couldn't believe what I felt for you
Dying inside I was dying inside
But I couldn't bring myself to touch you...

....Sabay kayo guys!..."

🎶❤️🎶❤️🎶❤️🎶❤️🎶

Choir in Chorus:

"And I was dying inside to hold you
I couldn't believe what I felt for you
Dying inside I was dying inside
But I couldn't bring myself to touch you!"

🎶❤️🎶❤️🎶❤️🎶❤️🎶

Choir Member 1:" Nice! Pati kami napakanta mo ah!"
Choir Member 2: "Wow! Ang galing talaga ni Kath!"
Kath: "Thank you guys!"

Guardian Angel: "In fairness, maganda talaga boses niya..."
Leah: "Ang galing niya talaga...."
Jerome: "..."

Guardian Angel: "Oh bakit nakangiti si Jerome kay Kath? Grr...."
St. Cecilia: "Nice 'no? Hihihi!"

Guardian Angel: "Di kami papatalo, itaya niyo 'yan sa Bangs ni Leah!"
St. Cecilia: "Hihihi!"

Guardian Angel: "Ilabas ang 'Super- Omega - Grand Harp' mo Ate Cess!"
St. Cecilia: "Ay, walang ganun 'no!"

Guardian Angel: "Wala ba? Nubayan, matatalo tayo nito Ate Cess!"
St. Cecilia: "Chill ka lang.... Tingnan mo si Leah mo, ready na hihihi!"

Jerome: "Leah, ikaw na... galingan mo ah!"
Leah: "..."

Guardian Angel: "Ano kayang kakantahin ni Leah? Huhuhu!"
St. Cecilia: "Don't worry, God is guiding her. Mission ko ito ngayon..."

Leah: "Uhmmm.... Itong kantang 'to..ah... yung nilalaman ng puso ko ngayon...ahhmm..."
Choir Member 3: "Anong kakantahin mo Leah, para masabayan ko ng melody..."

Leah: "Thank you, pero no instrument na lang siguro..."
Guardian Angel: "Acapella ka beh? Nakooo..."
St. Cecilia: "Shhhh! Magsisimula na siya."

Leah:

🎶💔🎶💔🎶💔🎶💔🎶

"Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan nung ako'y 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi nung una palang?
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal

🎶💔🎶💔🎶💔🎶💔🎶

Saan nagkulang ang aking pagmamahal?
Lahat ay binigay ng mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?
Ako yung kasama, pero hanap mo siya..."

🎶💔🎶💔🎶💔🎶💔🎶

Choir Members: "..."
Guardian Angel: "..."
Kath: "..."
Jerome: "..."

Leah: "Thank you guys."

Choir Members: "..."
Guardian Angel: "..."
Kath: "..."

Jerome: "Leah..."
Leah: "..."

Jerome: "Yung kinanta mo...para saan 'yon?"

From AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon