Part 21 - Zach...

43 1 0
                                    

Guardian Angel: "Zach..."
Leah: "Bakit ganon St. Raphael? Bakit walang nangyayari?"
St. Raphael: "Sinabi ko naman sa inyo, ipapakita ko na kahit ako, hindi ko mapapagaling si Zach dahil ito ang kagustuhan ng Diyos..."

Leah: "Kagustuhan niyang mamatay si Zach? Na maiwan ang kanyang mga nakababatang kapatid? Na maiwang mag-isa ang kanyang mama? Yun ba ang kagustuhan ng Diyos?"
Guardian Angel: "Leah..."
Zach's Guardian Angel: "..."

St. Raphael: "Leah, kahit kaming mga anghel hindi namin kayang maipaliwanag ang napakalawak na kaisipan ng Diyos..."
Leah: "Mahirap bang intindihin na kailangan namin ng tulong dahil maiiwanan kami ng mga taong mahal namin sa buhay? Kailangan pa ba ng malawak na isip para maintindihan 'yon?"

Guardian Angel: "May mga bagay kasi na hindi natin maiintindihan Leah, dahil ang Diyos nakikita niya ang kabuuan... tayo, ang maliit na parte lang..."
Leah: "Yun naman pala.... nakikita ng Diyos na masasaktan tayo, bakit hinahayaan lang Niya... hinahayaan Niya lang tayong masaktan?"

Guardian Angel: "Kasama sa buhay ng mga tao ang masaktan. Mabuti ang Diyos, wala siyang iniisip kundi ang kabutihan natin..."
Leah: "Mabuting tao si Zach... Maraming masasamang tao, bakit hindi na lang sila... bakit si Zach pa?"

Guardian Angel: "Sumisikat ang Araw para sa lahat Leah, masama man o mabuti... Mahal niya kayong lahat... hindi kasi..."

Leah: "Si St. Michael walang nagawa para pigilan ang masasamang taong bumaril kay Zach, si St. Raphael wala ring nagawa ngayon para pagalingin si Zach..."

Guardian Angel: "Leah kasi..."
St. Raphael: "Shh.... Itoy, tama na... hindi na makakatulong kay Leah..."

Guardian Angel: "..."

Leah: "Zach..."

BIP.........BIP..........BIP.........BIP.......

Zach's Guardian Angel: "Mga kuya..."

St. Raphael: "Ano 'yon munting anghel..."
Guardian Angel: "Bakit bunso?"

Zach's Guardian Angel: "Alam kong hindi ako nakikita ni Leah ngayon at hindi niya rin ako naririnig... pero si Zach po kasi..."
St. Raphael: "Anong meron kay Zach...?"
Guardian Angel: "Si Zach?..."

Zach's Guardian Angel: "May sinabi po sa akin si Zach..."
St. Raphael: "Habilin?"

Zach's Guardian Angel: "Opo, nalulungkot po siya dahil sa kanyang kalagayan... hindi niya masabi kung ano man ang gusto niyang sabihin sa mga mahal niya sa buhay... Nakausap ko po siya nung isang araw pa, pero ngayon ayaw na niyang magsalita... umiiyak na lang siya at tahimik..."

Guardian Angel: " Bunso, may gusto ba siyang ipasabi kay Leah?"
St. Raphael: "Isang mensahe?"
Zach's Guardian Angel: "Opo kuya, isang maikling mensahe lang mula sa kanya..."

St. Raphael: "Sige, munting anghel, sabihin mo at hayaan nating si Itoy ang magsabi kay Leah."

Guardian Angel: "Bunso, ako ng bahala kay Leah. Sasabihin ko kung ano man ang mensahe ni Zach..."

Zach's Guardian Angel: "Ito po ang sabi niya...."

..........

BIP.........BIP..........BIP.........BIP.......

Zach's Guardian Angel: "...yun lamang po kuyaaa..."
Guardian Angel: "..."
St. Raphael: "Sige Itoy, sabihin mo na kay Leah..."

Guardian Angel: "Leah..."
Leah: "..."

Guardian Angel: "Alam kong mabigat para sa'yo 'to... Alam kong masakit..."
Leah: "Bakit?"

Guardian Angel: "...may pinapasabi si Zach..."

Leah: "Huh? Paanong nangyari na..."
St. Raphael: "Kasalukuyang andito ang anghel na tagapagbantay ni Zach, siya ang nagsabi..."

Guardian Angel: "Leah, alam kong mahirap gawin 'to, pero ito lang ang paraan para masabi niya sa mama niya at sa mga kapatid niya ang mensaheng ito... kailangan mong makinig..."

Leah: "Si Zach? ... hindi ba natin siya pwedeng makausap ulit? Bakit ayaw niyang siya mismo ang magsabi sa mama niya at mga kapatid niya?"
Guardian Angel: "Leah, hindi kaya ni Zach..."

Leah: "Bakit kailangang ako pa?! .... Zach! Zach! Gumising ka diyan! Hoy! Ikaw ang magsabi ng mensahe mo!"

Guardian Angel: "Leah... huminahon ka..."
St. Raphael: "Leah... lakasan mo ang loob mo..."

Leah: "Zach... nakakainis ka... andaya-daya mo... pagkatapos mo akong iligtas ganyan ka! Sana hinayaan mo na lang na sa akin mangyari 'yan... Andaya-daya mo Zach..."

Guardian Angel: "Leah..."
St. Raphael: "Ginawa niya yun Leah dahil kaibigan ka niya... huwag mong sisihin ang sarili mo. Ginusto niya yun Leah, dahil paraan 'yon ng pagpapakita ng pagmamahal niya sa'yo bilang kaibigan..."

Leah: "Andaya-daya mo Zach...nakakainis ka..."

St. Raphael: "Sige Itoy, sabihin mo na kay Leah..."

Guardian Angel: "Leah, makinig ka..."

Leah: "..."

Guardian Angel: "Sabi ni Zach, ....

.....mahal na mahal niya ang kanyang mama. Nagpapasalamat siya sa kanya sa pagpapalaki sa kanilang magkakapatid ng maayos at may pagmamahal sa Diyos. Kahit mahirap lang sila at kahit wala silang papa, ipinakita niya sa kanilang magkakapatid ang walang kapantay na pagmamahal bilang isang mabuting mama...

....Humihingi ng tawad si Zach sa kanyang mama dahil hindi na niya matutupad ang kanyang mga pangako. Hindi na niya matutulungan ang kanyang mama sa pagtratrabaho para mapagtapos ang kanyang mga kapatid sa pag-aaral. Patawad sabi ni Zach, patawad...

....Gusto niyang humingi ng tawad sa kanyang mga kapatid dahil hindi na nila makakasama pa ang kuya nila tuwing mamamasyal. Sabi niya na huwag bibigyan ng sakit ng ulo ang kanilang mama. Sa kanila na lang daw 'yung keyboards ni Zach na naiwan sa bahay, at magsanay sila para maging pianista din at makapagsilbi sa simbahan....

.....may naipon ng kaunti si Zach na nasa loob ng kahon sa ilalim ng kama niya, maaari itong gamitin upang maipangdagdag sa puhunan sa tindahan ng mama ni Zach...

.....nais ni Zach na magmahalan silang magpamilya, lalo na sa panahon ng kahirapan....

.....pakiyakap ng mahigpit ang kaniyang mama at mga kapatid para sa kanya....

....at Leah..."

Leah: "Huh?"

Guardian Angel: "Merong gustong ibigay sa'yo si Zach..."

Leah: "Ibigay?"

Guardian Angel: "Nandito sa loob ng drawer, nasa mga gamit ni Zach.... papel..."

Leah: "Dito? .... may sulat nga..."

Guardian Angel: "Kanta 'yan na sinulat ni Zach. Yan yung ibibigay niya dapat sa'yo nung nasa tapat ka ng picture ni Mang Tomas sa simbahan, doon sana siya simulang manliligaw sayo. Kaso hindi na niya naibigay pa 'yan dahil dumating si Jerome..."

Leah: "Sulat kamay niya nga 'to.... Zach...."

💌💌💌💌💌💌💌

Hi Leah, sinulat ko para sa'yo 'to. Bukas ko na kakantahin at tutugtugin ha, para ma-inlove ka sa akin...Chareng! ....Pwede manligaw? Ayiiiieee... Huwag ka ng umangal, wala ka ng magagawa! 😜

'Aantayin ko'
By: Zach Cruz

(Verse 1)
Sa bawat paglipas ng oras
Saya ang dinaranas
Makasama'y pinapangarap
Aaminin ang lahat
Ang hiling ko lang, sana ibalik mo
Aantayin ko
Aantayin ko

(Verse 2)
Sa bawat pagsulyap ko sa'yo
Tumatalon ang puso
Makapiling sa saya't hirap
Makatabi ka'y sapat
Ang hiling ko lang, nawa'y ang sagot mo
Aantayin ko
Aantayin ko

Chorus
Nakuha ang damdamin
Narito na ang pag-amin
Pagmamahal mo'y aantayin
Pag-ibig pagsaluhan natin

(Verse 3)
Sa bawat pagbukas ng labi
Tadhana'y napipili
Ihahatid kita pangako
Magkasabay ang puso
Ang hiling ko lang, tanggapin mo ako.
Aantayin ko
Aantayin ko

Chorus
Nakuha ang damdamin
Narito na ang pag-amin
Pagmamahal mo'y aantayin
Pag-ibig pagsaluhan natin

Bridge
Lahat na'y nasambit ko
Ikaw na lang ang hinihintay ko
Mahal, ano ang isasagot mo? (Ako'y naghihintay)
Mahal, ano ang isasagot mo? (Ako'y naghihintay)
Sa pag-ibig ko sa'yo?

Chorus
Nakuha ang damdamin
Narito na ang pag-amin
Pagmamahal mo'y aantayin
Pag-ibig pagsaluhan natin
Aantayin ko
Aantayin ko

PS. Leah, hindi ko nilagay yung nota dito, kasi alam kong kakantahin mo (wise 'to no!) ...baka pumangit lang kasi kapag ikaw yung kumanta! Chareng! Ako na yung kakanta at tutugtog....🙂

-Zach, Your Future BF. (Lakas no? haha) 😂

💌💌💌💌💌💌💌

BIP.........BIP..........BIP.........BIP.......

Leah: "Nakakainis ka... Zach...."

Guardian Angel: "Andito lang ako Leah..."
St. Raphael: "Alas-dose na..."
Zach's Guardian Angel: "..."

BIP...........................BIP................

St. Raphael: "Yung puso ni Zach..."
Guardian Angel: "Bumabagal..."
Zach's Guardian Angel: "Zach...."

Leah: "Anong nangyayari?"

BIP...........................BIP................

St. Raphael: "Humanda na kayo mga anghel... tatawid na siya..."
Guardian Angel: "Leah, lakasan mo ang loob mo..."

Zach's Guardian Angel: "Kuyaaa... paalam muna ha... sasamahan ko lang tumawid si Zach..."

Leah: "Zach? Zach!"

BIP...........................BIP................

St. Raphael: "... konti na lang..."
Guardian Angel: "Leah..."

Leah: "Zach! Gumising ka! Zach!"

BIP...........................BIP................

Zach's Guardian Angel: "Zach? Naririnig mo ba ako? Tara na, sasamahan kita..."

BIP...........................BIP................

Leah: "........Zach"

BIP...........................BIP................

BIP.

.....................................................

.....................................................

.....................................................

From AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon