Part 22 - Paalam

43 2 0
                                    

Guardian Angel: "Paalam. Wala ng sakit at hirap Zach."
St. Raphael: "Hayaan mong yakapin ka ng ating Mabuting Diyos."

Leah: "Hindi pwede..."

Guardian Angel: "Makikita natin siya ulit Leah, pansamantala lang ang lahat ng bagay dito sa lupa... ang luha niyo ay mapapawi rin sa langit..."

Zach's Guardian Angel: "Zach, tatawid na tayo... handa ka na ba?"

Leah: "Zach... bakit...?"

Guardian Angel: "Sa tamang panahon Leah, magkakasama din kayong dalawa..."
St. Raphael: "Naniniwala din ako diyan Itoy..."

Leah: "Kailangan bang mangyari 'to? Nagdasal naman ako...

....St. Jude? Mama Mary? Jesus? Nasaan po kayo?"

Guardian Angel: "Minsan wala tayong naririnig na kasagutan, ngunit ang katahimikan ang kasagutan."
St. Raphael: "Sa katahimikan nasagot na ang pinagdarasal natin, hindi nga lang natin matanggap..."

Leah: "Ako dapat ang nasa hinihigaan mo, ako dapat ang nawala Zach..."

Guardian Angel: "May ibang pagkakataon na ang hinihiling natin ay nakabase sa kung anong nais natin, taliwas sa makabubuti sa atin..."
St. Raphael: "Ang patutunguhan niya ay ang itinakdang lugar ng Diyos para sa mga taong mabubuti. Tatanggapin niya ang gantimpala na nakalaan sa kanya..."

Leah: "Zach, napaka buti mong tao... naging mabuti kang anak sa mama mo, at naging maalaga kang kuya sa mga nakababata mong kapatid..."

Guardian Angel: "Sa pinakita ni Zach na kabutihan, tiyak na sa kaluwalhatian ng Diyos siya patungo..."
St. Raphael: "Kung ano ang ginawa natin dito sa Lupa, sasalamin ito sa kabilang buhay..."

Leah: "Kahit mahirap lang kayo, handa ka pa ring magbigay. Ipinakita mo pa rin na handa kang magbahagi ng talento mo sa simbahan..."

Guardian Angel: "Ang pagbibigay ng buong sarili ay pagpapakita ng di matatawarang pag-ibig para sa iba..."
St. Raphael: "Ang langit ang perpektong gantimpala sa taong umiibig, dahil ang Diyos ay Pag-ibig..."

Leah: "Mapagbiro ka nga Zach, pero kapag dating sa mga kaibigan mo, tunay ang pakikitungo mo sa kanila... Hindi ko makakalimutan kung paano mo kami binibigyan ng ngiti... "

Guardian Angel: "Kung nais nating makuha ang langit, kailangan nating umibig..."
St. Raphael: "Kung nasaan ang iniibig, doon pupunta ang umiibig..."

Leah: "Hindi ko man lang napapansin na ikaw pala ang nagpapagaan ng loob namin sa tuwing magkakasama tayo sa simbahan Zach..."

Guardian Angel: "Ngayon, pupunta si Zach sa iniibig niya..."
St. Raphael: "Makukuha na niya ang langit..."

Leah: "Zach... Kung kaya kong ibigay sa'yo ang tibok ng puso ko Zach, ibibigay ko..."

Guardian Angel: "...?"
St. Rapahel: "...?"

Leah: "Zach..."

Guardian Angel: "Bumibilis ang tibok ng puso ni Leah..."
St. Raphael: "Lumalakas..?"

Leah: "Paano na yung nakakainis mong sinulat na kanta na lyrics lang? Talagang binitin mo Zach, lyrics lang talaga? Nasaan ang mga nota? Nasaan ang buong piyesa ng kanta?... Hindi mo pa nakakanta sa akin 'yon umalis ka na agad... hindi ko man lang narinig... andaya mo Zach...andaya mo.. Sabi mo tutugtugin mo 'yon para sa akin 'di ba? Gusto kong marining galing sa'yo... Zach..."

✨☀️✨☀️✨☀️✨☀️✨

☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️

SHHHHHHH! SHHHHHHH! SHHHHHHH!

Zach's Guardian Angel: " Nakabukas na ang tawiran.... Tara Zach?"

Zach: "..."

Zach's Guardian Angel: "Zach? Sasamahan kita, huwag kang matakot..."

Zach: "..."

Zach's Guardian Angel: "Puwede ka ng lumabas sa katawan mo Zach..."

Zach: "..."

St. Raphael: "Ano nangyayari?"
Zach's Guardian Angel: "Nakabukas na po yung lagusan, natatanaw na natin yung liwanag pero tahimik lang si Zach..."

St. Raphael: "Hindi siya umaalis sa katawan niya..."
Zach's Guardian Angel: "Opo..."

Guardian Angel: "Ambilis ng tibok puso ni Leah..."
St. Raphael: "Leah...?"

Leah: "Zach..."

St. Raphael: "Itoy, nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko kay Leah? Yung puso ni Leah.... para kay Zach yung pagbilis ng tibok...?"
Guardian Angel: "Opo..."

Leah: "..."

Guardian Angel: "Anong nangyayari Kuya Rap-Rap?"
St. Raphael: "Hi..hindi ko alam..."

✨☀️✨☀️✨☀️✨☀️✨

☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️

SHHHHHHH! SHHHHHHH! SHHHHHHH!

Zach's Guardian Angel: "Nakabukas na po yung lagusan, at hindi na rin po tumitibok ang puso ni Zach..."
St. Raphael: "Oo, handa na dapat siyang tumawid...pero..."

Guardian Angel: "Leah, tahan na... Ayos ka lang ba? Ambilis ng tibok ng puso mo...."
Leah: "Zach..."

St. Raphael: "Kausapin mo ulit si Zach, baka natatakot siyang tumawid..."

Zach's Guardian Angel: "Zach, huwag kang matakot. Ako ang anghel na tagapagbantay mo sa lupa. Sasamahan kitang tumawid... Zach?"

Zach: "..."

Zach's Guardian Angel: "Pupunta na tayo sa langit Zach, wala ng hirap at lungkot doon..."

Zach: "..."

Leah: "...yung kanta mo... akala ko ba hinihintay mo yung sagot ko...?"

Zach: "..."

Guardian Angel: "Kuya Rap-Rap, hindi ko maintindihan?"
Zach's Guardian Angel: "Hindi ko po alam kung bakit ayaw sumagot ni Zach..."

St. Raphael: "Pagmasdan natin si Leah at si Zach..."
Zach's Guardian Angel: "Sige po..."

St. Raphael: "Anong itsura ng kaluluwa ni Zach?"
Zach's Guardian Angel: "Tahimik lang po..."

St. Raphael: "Ano pa?"
Zach's Guardian Angel: "Lumiliwanag po, katulad ng ibang kaluluwa na papunta sa langit."

St. Raphael: "Wala ka bang ibang napapansin?"
Zach's Guardian Angel: "Umaandap-andap po yung liwanag... pero mabilis..."

St. Raphael: "Itoy, yung puso ni Leah?"
Guardian Angel: "Su... suma..sumasabay sa liwanag ng kaluluwa ni Zach..."

St. Raphael: "Sumasabay?"
Guardian Angel: "Opo, sa bawat pagpintig, umaandap ang kaluluwa ni Zach..."

St. Raphael: "Sandali...

....Leah... naririnig mo ba ako?"

Leah: "..."

Guardian Angel: "Hindi niya tayo naririnig?"

St. Raphael: "I...isa itong... pero ba..bakit?"
Guardian Angel: "Ang alin po?"

St. Raphael: "Itong nangyayari... hindi 'to kadalasan nangyayari..."
Guardian Angel: "Tama kaya? ...pero yung lagusan?"

St. Raphael: "Hi..Hindi 'yan lagusan paakyat ng la..langit..."
Guardian Angel: "Huh!?"
Zach's Guardian Angel: "I..ibig...sabihin daanan 'yan..."

St. Raphael: "...Papunta rito sa daigdig..."
Zach's Guardian Angel: "Hindi po para kay Zach 'yan?"

St. Raphael: "Hi...hindi..."
Guardian Angel: "Hindi?"

St. Raphael: "Humanda kayong lahat...LUMUHOD KAYO!"
Guardian Angel: "Kuya Rap-Rap, huwag mong sabihing...."
Zach's Guardian Angel: "Kuyaaaa... ito po ay..."

St. Raphael: "Lumuhod kayo mga anghel! Luhod!"
Guardian Angel: "Opo.."
Zach's Guardian Angel: "..."

.......☀️.......

SHHHHH! SHHHHHH! SHHHHHH!

St. Raphael: "Pilitin niyong huwag pumikit..."
Guardian Angel: "Si...sige po..."
Zach's Guardian Angel: "o...opo..."

Leah: "Zach..."
Zach: "...."

St. Raphael: "Hi..hindi ko inaasahan 'to..."
Guardian Angel: "Dadating ba Siya?"

St. Raphael: "Hindi ko alam..."
Guardian Angel: "Walang ibang anghel..."

St. Raphael: "Oo, walang bumababang ibang anghel..."
Guardian Angel: "Nakikita ko na Kuya Rap-Rap! May liwanag na papalapit!"
Zach's Guardian Angel: "Kuyaaa! 'yan ay....?!"

KZZZIIIIIIIINNNGGGGGG.......

St. Raphael: "... Daliri ng Diyos!"
Guardian Angel: "May mangyayaring himala!"
Zach's Guardian Angel: "Aaaahhhh!"

TING...

.......☀️.......

KRRAAAAAAAZZZZZHHHKKKKTTTT!!!!

⚡️⭐️⚡️⭐️⚡️⭐️⚡️⭐️⚡️

St. Raphael: "... ARRGHHHHH!!! LUMUHOD LANG KAYO!"
Guardian Angel: "ARRGGGHHH!"
Zach's Guardian Angel: "AHHHHHH!!!"

Leah: "..."
Zach: "..."

Guardian Angel: "Ku...kuya Rap-R..Rap.... na saan yung..."
St. Raphael: "Ayun, isang hibla ng gintong sinulid.... Lumuhod lang kayo..."
Zach's Guardian Angel: "Ito yung pinadala Niya?"

St. Raphael: "Sundan niyo lang ng tingin kung saan pupunta..."
Guardian Angel: "Dumikit ang dulo sinulid sa puso ni Leah!"

Leah: "....... 💓"

Guardian Angel: "Kuya! Yung puso ni Leah nagliliwanag!!!"

St. Raphael: "Si Leah at si Zach..."
Zach's Guardian Angel: "A..ano pong mangyayari..."
Guardian Angel: "..e..eto na bunso...sundan lang natin kung saan pupunta ang kabilang dulo ng sinulid..."

St. Raphael: "...s..sa PUSO NI ZACH!"
Guardian Angel: "Ibig sabihin?"
Zach's Guardian Angel: "Silang dalawa?!"

🔒🔒🔒🔒🔒🔒🔒🔒

✨KRACKK! SHING!✨

🔒🔒🔒🔒🔒🔒🔒🔒

St. Raphael: "..."
Guardian Angel: ".."
Zach's Guardian Angel: "..."

Leah: "Zach..."

Zach: "....... 💓"

BIP....................

From AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon