Guardian Angel: "Oww..."
Leah: "Itoy! May masakit ba?"
Guardian Angel: "Wala namang masakit..."
Leah: "Lika Itoy tumayo ka..."
Jerome: "Hindi ko sinasadya... sorry natabig kita..."
Leah: "Jerome! Ano ka ba?!"
Jerome: "Patingin ako Itoy.... asan ang masakit? ... Nagulat ako akala ko kasi..."
Guardian Angel: "Tinatanggal ko lang yung kamay mo sa kamay ni Ate Leaaaaahhhh!!!"⚡️✨⚡️✨⚡️✨⚡️✨⚡️
KZZZZTTT!!! KZZZZTTTT!!!
Jerome: "Huh?!"
Leah: "Yung mga ilaw..."
KZZZZZTTT!!! KZZZZTTTT!!!
Jerome: "Anong....."
Leah: "Itoy!"
KZZZZZZZTTT!!! KZZZZZZTTT!!!
Leah: "Itoy... Huminahon ka..."
Jerome: "Sorry! Sorry!"
KRAKKTTT! KRAKKTTT!
Guardian Angel: "Aalis na kami!!!"
Jerome: "S...si..sige..."
Guardian Angel: "..."
Jerome: "S...sandali!"
Leah: "..."
Jerome: "I'm sorry Leah... for everything..."
Leah: "For 'everything'? Saan? Una sa lahat may pinagsamahan ba talaga tayo? Kasi hindi pala kita kilala Jerome, sinungaling ka. Hindi pala, duwag ka. Akala ko dati matapang ka, matapang kang harapin ang sarili mo kaya hinahangaan kita... pero nagkamali ako. Duwag ka Jerome, dahil hindi mo kayang iwan ang nakaraan mo... Layuan mo na kami..."
Jerome: "..."
Guardian Angel: "..."
Leah: "Tara na Itoy..."
**********
Leah: "Itoy..."
Guardian Angel: "Bakit Leah?"
Leah: "Ayos ka lang ba talaga?"
Guardian Angel: "Oo naman..."
Leah: "Walang masakit sa'yo?"
Guardian Angel: "Wala naman..."
Leah: "Namumula yung pisngi mo. Diyan ka yata tinamaan."
Guardian Angel: "Ah, Oo..."
Leah: "Hinampas ka ba niya?"
Guardian Angel: "Hindi, akala niya kasi kakagatin ko siya. Tatanggalin ko lang sana yung pagkakahawak niya sa'yo kaya natabig niya ako."
Leah: "Bakit kasi mangangagat ka?"
Guardian Angel: "Hindi naman ako mangangagat, iyon lang kasi naisip kong paraan para takutin siya... maliit kasi yung itsura ko eh."
Leah: "Bakit kasi 'yan ang pinili mong anyo? Pwede namang malaking tao."
Guardian Angel: "Bata yung pinili ko, para hindi ako masyadong mapansin ng ibang tao..."
Leah: "Hay... ayan tuloy, andali mong matumba..."
Guardian Angel: "Okay lang ako..."
Leah: "Kailangan nating sabihan si Zach at si Kath tungkol kay Jerome."
Guardian Angel: "Ngayon?"
Leah: "Mas maaga, mas maganda. Sana nasa taas pa rin si Kath. Hindi pa naman siguro nakakaalis 'yon."
Guardian Angel: "Huwag kang magmadali..."
Leah: "Bilisan natin."
Guardian Angel: "Sandali lang Leah..."
Leah: "Bakit?"
Guardian Angel: "Huminahon ka muna, mataas masyado ang emosyon mo. Pag-isipan mo munang mabuti ang lahat."
Leah: "Pag-isipan? Ano pa yung pag-iisipan doon? Hindi pa ba maliwanag yung umamin siya na nakikipag-usap pa rin siya sa masasamang taong 'yon?"
Guardian Angel: "Tama naman na may maramdaman kang hindi maganda... kaso lang kanina, nararamdaman kong puno ka ng galit dahil nasaktan ka..."
Leah: "Ano? Ikaw nga, tinamaan ka lang kanina, nagalit kana. Muntik pang masira yung mga ilaw dahil sa'yo."
Guardian Angel: "Ayon? Ginawa ko lang 'yon para makaalis na tayo dahil marami ka na ring nasabing masasakit na salita kay Jerome. Walang naidudulot na mabuti ang usapang nakabaon sa galit. Ayokong pagsisihan mo ang lahat ng iyon sa bandang huli. Mas mabuting palipasin mo muna 'yang nararamdaman mo bago ka makipagusap ulit kay Jerome..."
Leah: "Makipag-usap?! Nasisiraan ka na yata ng bait... Bakit ako makikipag-usap sa taong nagsisinungaling? Pano ako magtitiwala sa taong hindi ko alam kung totoo ba ang lumalabas sa bibig?"
Guardian Angel: "Hindi pa siya nakapagsalita kanina Leah. Oo, inamin niya na nakikipag-usap siya sa mga 'yon, pero hindi niya nasabi kung bakit."
Leah: "Kanino ka ba talaga kampi Itoy?"
Guardian Angel: "Sa tama."
Leah: "Nagsinungaling si Jerome..."
Guardian Angel: "Oo, Leah..."
Leah: "Tama bang magsinungaling?"
Guardian Angel: "Hindi...pero..."
Leah: "Simula pa lang, nung sinabi niyang magbabago na siya... hindi na totoo."
Guardian Angel: "..."
Leah: "Kaya ngayon, sasabihin ko kay Kath at Zach ang lahat para mabigyan man lang kahit papaano ng liwanag yung dalawa sa mga nangyayari. Deserve din naman nilang malaman ang katotohanan, lalo na si Zach. Muntik na siyang mamatay dahil sa kasinungalingan ni Jerome."
Guardian Angel: "Pero hindi pa nga natin alam kung siya ba yung dahilan ng nangyaring..."
Leah: "Sasama ka ba o hindi?"
Guardian Angel: "Sasama... kaya lang dapat..."
Leah: "Pwede ba, sa pagkakataong ito... tumahimik ka muna? Ikaw ang tulak ng tulak sa akin kay Jerome dati... natatandaan mo? Tapos tingnan mo yung nangyari ngayon dahil sa kagagawan mo..."
Guardian Angel: "Naramdaman ko kasing..."
Leah: "Shhh! Tara na kay Zach... Kung tutuusin nga mas mabuti pa kung kay Zach mo ako tinulak dati dahil mas mabuti siyang tao..."
Guardian Angel: "..."
................
Leah: "Ito na... sana andito pa si Kath."
Guardian Angel: "...sana..."
TOK! TOK! TOK!
....Uy tuloy kayo!...
Leah: "Zach! May sasabihin ako!"
Guardian Angel: "Huh?!"
Kath: "Uy! Hahahaha! Buti dumating ka Leah!"
Zach: "Hahaha! Hi Leah! Ang bilis mo ah!"
Guardian Angel: "Bakit... andito sila?"
Leah: "Sinong sila? Sinong nakikita mo?"
Guardian Angel: "Si..si.., Ate Cess tsaka si Tito Val."
Leah: "Sino yung isa?"
Guardian Angel: "Ah, si St. Valentine..."
Leah: "..."
Kath: "Leah, pakinggan mo yung kinanta ni Zach! May 'Knock! Knock! Joke' siya. Ginamit niya yung pangalan ko. Hahaha!"
Zach: "Hala! Paparinig mo pa kay Leah 'yon? Nakakahiya... Hahaha!"
Guardian Angel: "Hi Tito Val..."
St. Valentine: "Oh, hello!"
Guardian Angel: "Ate Cess..."
St. Cecilia: "Hi baby angel! Ang sweet na nilang dalawa oh, Hihihi! Buti na lang andito si St. Valentine to help them..."
Guardian Angel: "Ah...oo nga..."
Zach: "Medyo may naramdaman kasi ako kanina... tapos kinantahan ako ni Kath. Buti na lang nawala... ang ganda talaga kasi ng boses ni Kath..."
Kath: "Hala? Hahaha Bolero? ....
.....Kaya bumawi siya Leah ng mga Jokes niya... Hahaha!"
Zach: "Tara Leah, samahan mo kami! Asan pala si Jerome?"
Leah: "Ha? Ah... wa...wala... umuwi na. Ako rin sana uuwi na..."
Kath: "Ah, talaga? Huwag ka munang umuwi Leah... dito ka muna, pakinggan mo muna kung paano ginamit ni Zach yung pangalan ko sa mga kanta... corny...pero matatawa ka."
Leah: "Ah... may kailangan kasi akong gawin..."
BINABASA MO ANG
From Above
RomanceSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...