Guardian Angel: "O, di ba? San ka pa? Pogi na, pogi pa ang boses!"
Leah: "Oo nga, almost perfect na. Tapos ako ganito lang..."Guardian Angel: "Tingnan mo 'to. Ano ba yan beh! Wala ka man lang self-confidence! Alam mo beh, maganda ka naman. Kailangan mo lang magtiwala sa sarili mo. K?"
Leah: "Tsk. Kasi naman eh... Kinakabahan kasi ako, baka naman mamaya ayaw niya sa akin."Guardian Angel: "Ay ang nega mo naman! Ang Katoliko hindi dapat negative mag-isip, lam mo yon? Madami tayong pwedeng mahingian ng help no."
Leah: "Huh? Sino naman ang tutulong sa akin? Si Father Joey?"Guardian Angel: "Luh? Anong sasabihin nun? Baka mapagalitan ka pa nun hahaha!"
Leah: "Alam mo 'yan ang gusto ko sa'yo 'napakasupportive' mo...kainis..."Guardian Angel: "Joke lang! 'to naman. Pumunta tayo kay Mang Tomas mamaya after choir practice! Game?"
Leah: "Mang Tomas?"Guardian Angel: "Yes beh, sa picture ni Mang Tomas."
Leah: "Ahh...Mang 'Tomas'...dito sa simbahan, sa picture ni St. Thomas Aquinas..."*******************
St. Thomas: "Hoy! Bakit mo ako tinatawag na 'Mang Tomas'?"
Guardian Angel: "Uy, chill lang tayo bespren, patambay lang muna dito sa harap ng picture mo ah."
Leah: "Ano bang gagawin natin dito? Bakit tayo pumunta kay St.Thomas eh wala naman akong exam sa school para humingi ng tulong - "Guardian Angel: "Ikaw wala, pero siya merooonnnn....."
Leah: "Huh? sino?"Jerome: "Uy! Leah! Andito ka rin?"
Guardian Angel: "Kilig is real. Thank you Mang Tomas!"
St.Thomas: "Naku ha, wala akong kinalaman diyan no..."Leah: "Hi... Je..je..jero..."
St.Thomas: "Huy! Yung bata mo, na-Starstruck na."
Guardian Angel: "Umayos ka beh. Huwag mo akong ipapahiya."Leah: "Je...Jerome, hi, kamusta ka?"
Jerome: "Uhm...Medyo hindi okay eh, may exam kasi ako bukas. Kaya magdadasal sana ako kay St.Thomas. Hindi kasi ako masyadong magaling sa Math. Hahaha!"
Guardian Angel: "Yoooowwwwwnnn! Di rin pala perfect si Mr. Pogi. Beh, di ba magaling ka sa Math? Mag-Tutor ka! Bilis!"Leah: "Ah...Ganun ba...Kasi...May alam akong konti sa Math. Tutal niligtas mo naman ako kanina sa Jeep, baka gusto mong turuan kita, makabawi man lang sana ako sa'yo."
Jerome: "Wow! Talaga? Sige Leah salamat ha."
St.Thomas: "Hoooy, ano 'to?! Bakit bigla kong naramdaman na single ako?"Guardian Angel: "Hahaha! Mang Tomas! Successful tayo! Apir! Lulubos-lubusin ko na Mang Tomas... Tulungan mo rin si Leah mamaya habang tinuturuan niya si Jerome...pleeeaassseeee....very bright ka naman eh."
St.Thomas: "'Tsk...Tsk...Yan tayo eh... Lahat na lang..."Guardian Angel: "Thank you Mang Tomas! Ang 'ALL AROUND' Sarsa!"
St. Thomas: "Tigilan mo ako..."Jerome: "Leah, ano palang dadalhin ko mamaya?"
Leah: "Ikaw lang sapat na..."Jerome: "Ha?"
Leah: "Ah wala! Ah... I mean, 'ikaw' lang... as in...no need to bring anything..."
BINABASA MO ANG
From Above
RomanceSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...