Guardian Angel: "Tsk! Sasabihin kaya ni Leah na para sa kanya yung kanta?"
Blessed Carlo: "Wala sa mission ko na sasabihin niyang si Zach ang sumulat sa kanta, at mas lalong wala sa mission ko na sabihin niyang sinulat 'yon para kay Leah."
Leah: "I...itong kanta...?"
Jerome: "Yes, is it for you?"
Guardian Angel: "Ehem! Ubo! 'Huwag mong sabihin'... ehem... ehem! Ubo!"
Jerome: "..."
Leah: "...ahm..."
Jerome: "Please Itoy, pwedeng sa kabilang table ka muna?"
Guardian Angel: "Okay, edi sa kabilang table. Sungit."
Blessed Carlo: "Wow. Sumunod ka agad ah."
Guardian Angel: "Oks lang, kahit nandito ako, naririnig ko pa rin sila."
Blessed Carlo: "Sige, pa 'wire-tap' na lang sa heightened sense of hearing mo ah."
Guardian Angel: "Sure!"
Leah: "Jerome, wala naman akong sinabi na para sa akin 'yang kanta. Ang sinabi ko lang 'Kanta ni Zach' 'yan. Lagi namang gumagawa ng kanta 'yon."
Jerome: "Pero bakit nasa'yo?"
Leah: "Sandali nga lang, bakit kailangan kong mag-explain sa'yo? Di ba ikaw yung may sasabihin?"
Guardian Angel: "Korek! Tama 'yan."
Blessed Carlo: "Siya kaya ang nagset-up ng meeting sa canteen."
Leah: "At, teka nga lang. Meron ka pang hindi natatapos sabihin sa akin nung gabing nasa bahay tayo nila Kath. About sa 'kanta' din yun, sa 'song' na kinanta ko that time?"
Jerome: "Ha? Ah, yeah... yun nga din ang sasabihin ko...sana..."
Guardian Angel: "Wow! Good thinking Leah! Ginamit niya lang pala yung topic na kanta na sinulat ni Zach, para dalin yung usapan doon sa song na kinanta niya sa bahay ni Kath."
Blessed Carlo: "Ah! Yun pala 'yun.... hmmm....So, kumanta si Leah?"
Guardian Angel: "Yes Master Caloy, yung - 'Ako Ang Kailangan Pero Di Ang Mahal' by Moira. Matagal na din kasing may gusto si Leah dito kay Jerome, tapos tinutulungan niyang magbago. Kaso nga lang, hindi siya napansin... kaya nasaktan siya."
Blessed Carlo: "Pero yung kanta na binabanggit ni Leah ngayon ang dahilan ng pagbubukas ng saloobin ni Leah for Jerome, pero nung si Jerome na yung magsasalita 'na-interrupt', di ba?"
Guardian Angel: "Tama! Teka... paano mo nalamang na-istorbo si Jerome before niya masabi yung gusto niyang sabihin nung gabing 'yon?"
Blessed Carlo: "That's my mission Itoy. May tumawag sa cellphone ni Jerome that time, yun ang kailangang malaman ni Leah, kung sino ang tumatawag sa kanya."
Guardian Angel: "Ah! Hindi mo mission yung revelation ni Jerome tungkol sa feelings niya for Leah? Ayun kasi ang topic ni Leah ngayon."
Blessed Carlo: "Nope. Ang mission ko is to reveal the caller of Jerome, and eventually masabi ni Jerome ang gusto niyang sabihin. Pero at this point, we have no control of the situation... si Leah ang nagbrought up ng topic about the song. Remember, we cannot force them to speak and act. Let us just hope na tamaan si Jerome, at siya na mismo ang mag-reveal nito kay Leah..."
Guardian Angel: "Sana ang kantang yun ang maging susi din ng pag-amin ni Jerome, kung ano ang itinatago niya."
Blessed Carlo: "Sana sabihin niya ang katotohanan ngayon Itoy."
Guardian Angel: "May nararamdaman kasi ako na something lately sa kanya. Sana nagbago na siya ng tuluyan dahil sa pagkakaibigan kay Leah."
Blessed Carlo: "..."
Guardian Angel: "Kailangan na kailangan namin iyang mission mo Master Caloy! Hindi rin namin kasi maintindihan yang si Jerome. Bigla na lang sumulpot sa hintayan ng Jeep kung saan nakita namin yung mga bad guys, tapos may tumawag lang sa phone niya biglang iniwan na si Leah!"
Blessed Carlo: "Let us wait and see..."
Leah: "So? Ano?"
Jerome: "Hmmm... yun nga Leah. Alam mo ba, hindi ko na dapat sasabihin sa'yo. Kaso may nareceive akong random 'text message' from a person calling himself MasterCaloy777.... ah wala...wala...nagkaroon lang ako ng lakas ng loob ulit because of that text... nevermind..."
Leah: "..."
Jerome: "and...natrigger lang ako doon sa sinabi mo na song ni Zach, then naalala ko ulit yung time na kumanta ka sa bahay nila Kath... Kaya, here, sasabihin ko sa'yo na..."
Leah: "Na?"
Jerome: "...na nasasaktan ako habang kinakanta mo 'yung song sa bahay ni Kath. That was the first time I heard the song, na-gui-guilty ako..."
Leah: "..."
Guardian Angel: "Guilty? Na si Leah yung lagi niyang kasama pero si Kath ang nasa isip niya?"
Blessed Carlo: "Hmmm....or more than that?"
Jerome: "ugh... naguguilty ako kasi nagsisinungaling ako all this time... Leah... I lied to you..."
Leah: "Nagsinungaling? Saan?"
Guardian Angel: "Akala ko ang sasabihin niya is about doon sa may event na nasa restaurant siya na lagi niyang binabanggit si Kath. Pero HINDI! Hindi lang ito about sa crush-crush!"
Blessed Carlo: "May natrigger tayong 'special event' dahil sa gameplay natin Itoy! Mukhang may aamining mabigat si Jerome. Ito na kaya 'yon?"
Jerome: "Doon sa...ugh... I broke my promise Leah..."
Leah: "Ha?"
Jerome: "Walang kapatawaran ang ginawa ko..."
Leah: "Anong promise Jerome?"
Jerome: "Leah... please... hindi ko talaga alam ang gagawin ko..."
Leah: "Hindi kita maintindihan Jerome..."
Jerome: "...naging mabuti ka sa akin Leah, tinutulungan mo akong magbago."
Leah: "Bukal sa kalooban lahat 'yun Jerome..."
Jerome: "I know... and ...kaya, my conscience cannot take it anymore... kaya gusto kong sabihin sa'yo 'to..."
Leah: "..."
Jerome: "..."
Leah: "Please, sabihin mo..."
Jerome: "Nagsinungaling ako na hindi na ako makikipagkita pa sa dati kong sinasamahang mga tao... nakikipag-usap pa rin ako sa kanila..."

BINABASA MO ANG
From Above
Любовные романыSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...