Part 33 - Masamang Balita...

47 1 0
                                    

Guardian Angel: "Masamang balita... Tama tayo! Kailangang masabihan ko si Leah!"
Demon Prince: "...Hahaha! Inihahatid ko sa inyo ang masamang balita... nakapangingilabot 'di ba? Nasa akin si Kath, kasama ng mga alagad ko..."

Guardian Angel: "Makakatulong ang mga nalaman natin Tita Marts!"
St. Martha: "So Itoy, you think may involvement nga si Jerome sa pagkidnap kay Kath?"

Guardian Angel: "Opo Tita Marts, kaya nandito 'yang masamang anghel na 'yan! Ito yung balitang sinasabi niya sa atin! May kinalaman nga si Jerome! Sinasabi ng pangitain na may magandang ugnayan si Jerome at si Leah kaya sila magkahawak ng kamay at magkatabi sa barko, kaya hindi basta-basta magtatanong si Jerome ng tungkol kay Kath ng walang mabigat na dahilan sa pagsasama nila nung gabing yun!"
St. Martha: "Naku, this is too much pala. So, you mean Jerome knows something about the ganap na kidnap? May deeper meaning pala that sa pagtatanong ni Jerome about kay Kath! Need mo na ma-say yan kay Leah. She needs to know the involvement of Jerome."

Demon Prince: "...Wow! Bravo! Ang galing... akalain mo 'yon. Nahulaan niyo na may kinalaman si Jerome sa Kidnapan? Yes... nagtatanong siya para makakuha ng impormasyon tungkol kay Kath. Ang huhusay niyo ah!..."
St. Martha: "Silent ka lang diyan! Don't bukas your mouth, it's so baho."

Guardian Angel: "Kailangang malaman 'to ni Leah. Baka sakaling makatulong sa paghahanap kay Kath yung impormasyon natin!"
St. Martha: "Go Itoy, if ever, they can ask Jerome na directly. Atleast may place to start tayo where to look for Kath."

Guardian Angel: "Sige, sasabihan ko na si Leah!"

Demon Prince: "...Hahaha! Wala na kayong magagawa! Hawak na ng mga alagad ko si Kath! Anong magagawa ng impormasyon na 'yan? Hahaha! Alam kong pinahina ka ng mission mo walang kwentang Guardian Angel. Hindi mo kayang makausap ang ibang mga anghel dahil diyan sa pagmamalasakit niyo sa pag-ibig ni Leah! Wow? Umaasang may mahanap na iibigin si Leah kaya bawal makausap ang ibang anghel? Pero pwedeng makausap si Leah ng direkta? Mga mangmang! Hahaha! Kaya hirap na hirap ka ngayon na makakuha ng mahahalagang impormasyon sa mga anghel! Hahaha! Kala mo hindi ko alam 'yan? Matagal ko na kayong pinagmamasdan... Anlakas ng loob niyong pagsabayin ang dalawang mission na..."

⭐️🥣CLANNNGGKKK!🥣⭐️

ARGGGHHHH!... Ano yoonn?! Ka...kaldero?"

St. Martha: "Like mo 'yon? You're so madami kasing sinasabi, I am irritated na, Kaya throw ko sa'yo weapon ko... Kaldero ng Diyos na nag-aalis ng mga masamang espiritu ng sanlibutan!"
Demon Prince: "...Ikaw Raaaarrrrr! Lagot ka sa akin!!!"

St. Martha: "JESUS! AY JESUS HELP! MAY BAD DITO AH! AY JESUUSSS...."
Demon Prince: "Grrrr...."

St. Martha: "Takot ka kay Jesus 'no? You cannot make hawak us, sorry. Pogi ka sana, kaso you are dirty kasi, next time hindi na kaldero throw ko sa'yo. Toothbrush na, kasi your mouth is so mabaho. Hahaha!"
Demon Prince: "Sige. Magsaya kayo! Mamaya ako naman ang tatawa! .... Teka lang... ano bang gusto niyong gawin ko kay Kath? Hehehe..."

St. Martha: "..."
Demon Prince: "...Oh? Bakit ka natahimik? Wala ka kasing magawa 'no? Parehas lang kasi tayong walang kontrol sa mga tao... Kailangan sila mismo yung pumili ng mga gagawin nila, sorry din... kasi ako ang pinili ng mga alagad kong may hawak kay Kath! Lamang ako! Hahaha!..."

St. Martha: "Bakit ba ayaw mong mag-go away?! You are sobrang annoying na!"
Demon Prince: "Inaantay ko pang masagasaan si Tintin... hehehe..."

St. Martha: "Move away from Tintin ha! You cannot make gawa 'yan because I am here 'no!"
Demon Prince: "...hindi ka naman mabiro... hahaha! Tsaka sino naman ang magkakainteres sa batang 'yan? Ang hirap-hirap niyan, wala 'yang silbi sa akin... kaya nga si Kath ang gusto namin kasi malaki ang magagawa ng mga magulang niya para sa amin haha..."

St. Martha: "Kainis na!"
Demon Prince: "...HAHAHAHAHA!..."

*******

📞📞📞📞📞📞

..........

Zach: "Ah sige pre... Nareport na ng mga magulang ni Kath sa pulis?"

Choir Member 1: "Oo pre."

Zach: "Ano bang nangyari?"

Choir Member 1: "Papunta na kasi kami dapat diyan sa inyo. Si Kath naman kasama ang driver nila. Tapos may humarang daw na tatlong kotse sa kanila. Ayun lang ang alam ko pre."

Zach: "Sige, sige salamat. Balitaan tayo ah. Pagdasal natin..."

Choir Member 1: "Yun na nga lang magagawa natin sa ngayon... Sige pre ingat."

From AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon