Part 3 - Hinihintay ka niya!

98 5 0
                                    


Guardian Angel: "Hinihintay ka niya. Ayun siya oh, tara na! Ano na naman ba kasing drama 'yan?"
Leah: "Kasi naman ehhh...."

Guardian Angel: "Hello Math tutor! Kanina pa siya naghihintay diyan sa loob ng Cafe. Anong gagawin natin dito sa labas? Ang usok-usok! Baka magkasakit ka na naman. Pasok na tayo!"
Leah: "Alam ko na kasi ang mangyayari...Ang ending niyan dahil lagi ko siyang tinuturuan sa Math magiging close kami, tapos sasabihin niya, may girlfriend na siya... o di kaya sasabihin niya na magpapari siya... o di kaya pupunta siya sa ibang bansa... o di kaya masasagasaan siya! So... broken-hearted ako..."

Guardian Angel: "Nye..nye...nye.... dami mong alam. Grabe ka? Hay! Alam mo advance ka din mag-isip eh 'no? Ano 'to pelikula friend? May template ka na sa storya ng buhay mo? Umayos ka nga, tara na."
Leah: "Hmp... sige na nga, basta di na ako aasa. Tutor lang, promise!"

***********

Jerome: "Hi Leah!"
Guardian Angel: "Ang ganda ng smile niya beh 'no?"
Leah: "Ah...ah.., Hello... Je...je...jero..."
St. Thomas: "Hanggang ngayon ganyan pa rin yang bata mo ah..."

Guardian Angel: "Hi Mang Tomas! O nga eh, ganyan 'yan kapag nakakakita ng pogi, sanay na ako diyan."
Leah: "Je..jerome, hello! Late ba ako? Sorry ah..."
Jerome: "Hala, hindi naman, ako na nga nakakaabala sa'yo eh. Treat ko 'to ah since tuturuan mo ako. May gusto ka ba?"
Guardian Angel: "Oo! GUSTO KA NIYA! Charot."

Leah: "Ha? ah eh... McJolly Burger na lang..."
St. Thomas: "Seryoso ba itong bata mo? McJolly burger dito sa Cafe?"
Jerome: "Uhm Leah, wala yatang Burger dito Cafe, gusto mo bang lumipat na lang tayo sa McJolly?"
Guardian Angel: "Ano ba Beh? Magtuturo ka pa ng Math.... Tapos ganito? Focus! Focus!"

Leah: "Hahaha! Joke lang yun Jerome! Hot chocolate na lang,...uhm... tapos pwede bang umorder din ako ng cookies... tapos masarap yung cakes nila dito, isang slice na din... tapos last na lang promise... enseymada..."
Guardian Angel: " Grabe sha! Akala ko ba nahihiya ka?"

Leah: "Gutom ako eh..."

*******************

Jerome: "Wow! Ganun lang pala kadali yun! Naiintindihan ko na!"
Leah: "Ah...hmmm.. Oo nga sure na makakapasa ka na sa Math exam niyo."
Guardian Angel: "Thank you Mang Tomas for your help..."
St. Thomas: "No probs. Siyempre, pamilya tayo eh."

Jerome: "O nga pala Leah, bakit parang nahihiya ka sa akin? Parang di ka mapakali... Kanina ko pa napapansin..."
Leah: "Ah...Jerome...kasi..."
Guardian Angel: "Ayiie....Eto na!! Anong Love song ang gusto niyong kantahin ko? Hihihi!"

St. Thomas: "Don't tell me...aamin na siya na meron siyang gusto kay Jerome? Grabe naman, ambilis.... Tsk... Tandaan niyo....'You cannot love who you do not know' kaya di totoo ang love at first sight - "
Guardian Angel: "Wait lang Mang Tomas, pakinggan natin yung sasabihin ni..."

Leah: "Uwi na tayo...ansakit ng tiyan ko..."

St.Thomas:
Guardian Angel:
Jerome:

——————————

From AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon