Guardian Angel: "Kayanin mo..."
Leah: "Parang hindi ko yata kaya..."
Guardian Angel: "..."
Leah: "..."
Guardian Angel: "Tibayan mo ang loob mo Leah. Oras-oras ka na lang umiiyak. Hindi ikaw ang gumawa ng masama kay Zach."
Leah: "Naaalala ko kasi siya, kung paano niya ako iniligtas... Para sa akin dapat yung bala na 'yon..."
Guardian Angel: "Dalawang araw na rin ang nakalilipas, hindi pa rin siya nagigising..."
Leah: "Ano kayang kalagayan niya ngayon..."
Guardian Angel: "Sinabi sa akin ng Guardian Angel niya na nasa kritikal daw ang kalagayan ni Zach. Wala pa ring sinasabi si Big G. kung anong mangyayari sa kaniya..."
Leah: "Bakit wala?"
Guardian Angel: "Hindi ko alam..."
Leah: "Bakit hindi mo alam..."
Guardian Angel: "Hindi naman namin alam ang lahat ng bagay Leah..."
Leah: "..."
Guardian Angel: "Hindi ka muna ba matutulog Leah? Pwede ka namang humiga muna dito sa Visitors' Area ng hospital habang naghihintay tayo ng balita mula doktor ni Zach. Baka magkasakit ka kasi sa sobrang pagod..."
Leah: "Sino ba naman ang makakatulog sa ganitong sitwasyon? Pagkatapos isakripisyo ni Zach ang buhay niya sa akin, makakapagpahinga pa ba ako? Baka habambuhay kong dalin ang sakit na 'to sa puso ko kung may mangyaring masama sa kanya..."
Guardian Angel: "Ginawa ni Zach ang binubulong ng puso niya sa oras na 'yon kaya ka niya iniligtas sabi ng Guardian Angel niya... siya ang pumili nito Leah..."
Leah: "Kaya nga... kasalanan ko..."
Guardian Angel: "Mission kasi niya yun...kaya..."
Leah: "Ganyan na lang ba kadali sa inyong sabihin 'yan? 'Mission' lang? Kami yung nasasaktan sa mission na 'yan!"
Guardian Angel: "Leah... para sa ikabubuti mo 'yon at ni Zach..."
Leah: "Sa ikabubuti ko, oo. Pero kung sa 'ikabubuti' ni Zach ang pag-uusapan na ngayo'y nasa ICU nitong hospital at kritikal ang kalagayan hindi ako naniniwala..."
Guardian Angel: "Leah..."
Leah: "..."
Guardian Angel: "Nakiusap naman ako..."
Leah: "Ano? Anong 'nakiusap'?"
Guardian Angel: "Kay Kuya Rap-Rap..."
Leah: "Kanino?"
Guardian Angel: "Kay Kuya Rap-Rap, kay St. Raphael..."
Leah: "Huh? Nasaan ba siya? Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan? Kausapin mo siya ulit."
Guardian Angel: "Hindi kasi basta-basta lumalabas si Kuya Rap-Rap."
Leah: "Tawagin mo na siya! Tulungan natin si Zach."
Guardian Angel: "Hindi ganun kadali 'yon. Nakita ko siya kahapon dito sa hospital, lumapit naman ako sa kanya kaso hindi niya ako pinansin..."
Leah: "Bakit ayaw niyong tulungan lahat ng may sakit? Bakit maraming namamatay? Hindi ba kayo naaawa sa mga tao?"
Guardian Angel: "Leah... hindi nga kasi ganun 'yon..."
Leah: "Wow... kala ko mababait kayo... Mabuting tao naman si Zach ah? Bakit ayaw niyo siyang tulungan?"
Guardian Angel: "Hin...hindi ko...alam..."
Leah: "Ayaw mo talagang tawagin ulit si St. Raphael?"
Guardian Angel: "Sorry Leah..."
Leah: "..."
..........
Mila: "Iha... salamat ah..."
Guardian Angel: "Leah, yung mama ni Zach..."
Leah: "Ah tita... Kamusta po?"
Mila: "Ako nga dapat ang mangamusta sa'yo kasi ikaw ang nagbantay sa anak ko. Ito, nagdala ako ng pansit. Kumain ka muna."
Leah: "Salamat po tita."
Mila: "Hindi Leah, salamat ng marami sa'yo..."
Leah: "Hindi po, salamat kay Zach, kasi siya yung nagligtas sa buhay ko..."
Mila: "Ginawa lang ni Zach ang nararapat na gawin Leah. Malaki ang utang na loob ko sa'yo ngayon kasi ikaw naman ang nagsasakripisyo para sa kapalitan ko sa pagbabantay sa kanya dito sa hospital. Wala na kasi akong asawa, at ako lang nag-aasikaso sa mga kapatid ni Zach."
Leah: "Ayos lang po tita, para po kay Zach..."
Mila: "Yung mga pulis pala ini-imbestigahan na ang kaso, hinahanap na nila ang mga masasamang taong gumawa nito sa anak ko."
Leah: "Sana po mahuli na nila yung gumawa nito kay Zach..."
Mila: "Hindi ko talaga kakayanin kung mawawala ang anak ko... mahal na mahal ko 'yan..."
Guardian Angel: "..."
Leah: "Sige po tita, ilabas niyo lang po. Andito po ako para damayan ko kayo..."
Mila: "..."
Guardian Angel: "..."
Leah: "Iiyak niyo lang po tita..."
Mila: "Panganay ko kasi yan, lima silang magkakapatid. Napakasipag niyang si Zach, at napakabuting anak. Alam mo ba nagtututor 'yan sa pagtugtog ng piano para kumita ng kaunti upang makatulong sa pagtitinda ko..."
Leah: "Wow, hindi ko po alam na nagtututor siya..."
Guardian Angel: "Saludo ako sa'yo Zach."
Mila: "Mapagmahal 'yan sa kanyang pamilya. Kapag katapos niyang magserve sa simbahan, doon siya nagtuturo ng piano lessons, at pagkauwi iniaabot niya sa akin ang kinikita niya."
Leah: "Paano po nangyari 'yon? Gabi na po kami natatapos magpractice minsan sa simbahan?"
Guardian Angel: "Oo nga, tapos magtututor pa siya? Paano yung mga assignments niya?"
Mila: "Gabi na siyang umuuwi, kaya nga minsan nahihirapan siyang mag-aral. Hirap siya lalo na sa english. Hahaha!"
Leah: "Ah...ganon po ba..."
Guardian Angel: "Kaya pala... kaya pala ansakit sa ulo ng english niya..."
Mila: "Minsan nga bumili pa yan ng dictionary at ng english workbooks, kaso hindi niya naman nababasa! Hahaha!"
Leah: "Hahaha!"
Guardian Angel: "At least nagtra-try... hanggang 'try' nga lang..."
Mila: "Napakabuti din niyang kuya sa mga kapatid, kapag walang pasok pinapasyal niya sila. Sinabi niya sa akin na hindi muna raw siya mag-aasawa, gusto niya muna raw magkatrabaho ng maayos para makatulong sa kanyang mga kapatid."
Leah: "Ibang klase talaga si Zach..."
Guardian Angel: "Hindi mo aakalain na ganun pala 'yung makulit na 'yon."
Mila: "Hay naku! Marami ring nagkakagusto diyan sa anak ko doon sa amin, kaso pinipigilan niya ring magkagirlfriend para hindi raw mahati ang kanyang oras sa pag-aaral, sa simbahan at sa pagtututor."
Leah: "Wow, iba po ang anak niyo, sikat! hahaha!"
Guardian Angel: "Tinamaan din si Kath sa kanya, di ba?"
Mila: "Pero alam mo ba, huwag kang magugulat ah..."
Leah: "Po?"
Mila: "Tingin ko naman pwede namang sabihin sa'yo lalo na ngayon..."
Leah: "Na alin po?"
Mila: "May crush 'yan na gustong-gusto niyang ligawan na lagi niyang binabanggit sa akin..."
Leah: "Ah opo, kilala ko po.."
Mila: "Kilala mo na?"
Leah: "Ah... si Kath po..."
Guardian Angel: "Si Kath, lagi niyang binabanggit sa mga kaibigan niya."
Mila: "Sinong Kath?"
Leah: "Si Kath po yung isa sa choir members namin. Maganda po yun at mabait..."
Guardian Angel: "Yes! Team KathZa! hehehe..."
Mila: "Hindi. Hindi 'yon."
Leah: "Ho?"
Guardian Angel: "...?"
Mila: "Ikaw yung tinutukoy ko, ikaw yung crush niya na liligawan niya..."
Leah: "Ako po?!"
Guardian Angel: "Aba teka lang..."
Leah: "pssst... huy, san ka pupunta..."
Guardian Angel: "Hahanapin ko si Kuya Rap-Rap, emergency 'to beh! Lab-layp mo 'to!"
BINABASA MO ANG
From Above
RomansaSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...