Guardian Angel: "Sa wakas!"
St. Cecilia: "'Yan! inamin mo rin na tinamaan ka ng kanta ni Leah. Hihihi!"
Jerome: "That song..."
Leah: "..."
Jerome: "That was the first time I heard it.... nasaktan ako...actually, hanggang ngayon nasasaktan ako kaya gusto sana kitang makausap, I hope we can clear things up..."
Leah: "..."
Jerome: "Lagi tayong magkasama, and gusto ko sanang... ugh..."
RING! BEEP! RING! BEEP!
Jerome: "Wait, let me just turn this off...."
Leah: "..."
Guardian Angel: "Istorbo naman yung tawag na 'yan!"
St. Cecilia: "Lagi na lang may aberya..."
Guardian Angel: "O? kala ko ba itu-turn off mo? Bakit nakatitig ka lang diyan sa phone mo?"
St. Cecilia: "Dali na baby pogi, talk to baby girl na..."
Jerome: "I'm sorry, I really need to answer this call..."
Guardian Angel: "AY! Ano ba 'yan!"
St. Cecilia: "Nakakabitin! Hay!"
Leah: "Sige lang Jerome, mukhang importante 'yan..."
Jerome: "Uhmmm.... Yes. It seems like it. Please wait... For a sec..."
Guardian Angel: "Naaawa ako kay Leah..."
St. Cecilia: "Baby angel, ganyan talaga...People have priorities, and some people will treat you as their lowest."
Guardian Angel: "Tingnan mo si Leah, naghihintay lang ditong mag-isa, habang ang mga kaibigan niya kumakain na kasama si Kath, tapos itong si Jerome umalis para sagutin yung phone call."
St. Cecilia: "Si Leah naman kasi, umasa... Hindi naman porket tinulungan niya itong si Jerome mag-eexpect na siya ng something more than friendship 'di ba?"
Guardian Angel: "Hoy! Huwag ganyan Ate Cess. Di ba nga naramdaman ko na may connection silang dalawa? Aba! Malaki na ang pinagbago ni Jerome dahil kay Leah.
St. Cecilia: "Kaso, hindi naman naibabalik ni Jerome ng maayos kay Leah. Kailangan ba ng kapalit?"
Guardian Angel: "..."
St. Cecilia: "Magkaibigan naman silang dalawa ah, and ang unfair naman nun kay Jerome if he is expected to return more feelings than friendship. Paano kung yun lang talaga ang kayang ibigay ni Jerome?"
Guardian Angel: "..."
St. Cecilia: "There will be a time na kailangan mo rin sumuko, because we cannot force people to love us..."
Guardian Angel: "Well tama ka naman diyan... Siguro maraming laman ang puso ni Jerome ngayon..."
St. Cecilia: "Parang jeep lang kasi 'yan, bakit mo hahayaang sumakay sa jeep na puno na para ipagsiksikan ang sarili mo, kung pwede ka namang humanap ng ibang jeep na handa kang isakay... mas komportable ka pa. Parang pasahero tayo, dapat din nating palagpasin yung jeep kung puno na."
Guardian Angel: "Kunsabagay, friends naman sila, at nabago naman niya si Jerome... sapat na 'yon siguro..."
St. Cecilia: "Correct. Never expect."
..............
Leah. "Hay....."
Guardian Angel: "Antagal ni Jerome..."
St. Cecilia: "Oo nga, ano ba yung tawag na 'yon? Grabe naman."
Guardian Angel: "Hindi ako makapaniwala na mas importante yung call na 'yon kesa sa pag-uusap nila ni Leah."
St. Cecilia: "Oops, Kakausapin ka yata ng alaga mo baby angel..."
Leah: "Uhmmm... papasok na lang siguro ako..."
Guardian Angel: "Sure ka? Di mo na hihintayin si Jerome..."
Leah: "Hindi na siguro. Sabi ko naman sa'yo, makanta ko lang 'yon, at malabas ang nararamdaman ko, okay na ako..."
Guardian Angel: "Sige, pumasok na tayo sa loob."
Leah: "Hey! Huwag tayong malungkot 'no! Ayos na 'yon."
Guardian Angel: "Ano pa nga ba... life goes on..."
Leah: "Tara na, excited na din akong makabonding yung friends ko."
St. Cecilia: "Hihihi! Sana magkantahan sila ulit!"
*******************
Kath: "O Leah, tapos na kayong mag-usap? Ambilis niyo naman. Kain ka na. Dito ka na sa tabi ko... Asan si Jerome?"
Leah: "Ahh... may kausap siya sa phone, iniwan ko na sa labas."
Guardian Angel: "Wow, andaming ulam ah."
St. Cecilia: "Anlakas kumain ng mga choir members. Hihihi! Wala na silang pansinan."
Guardian Angel: "Sa laki ba naman ng table, at sa ingay ng pinapatugtog nila sa sound system, sino ba namang makakapag-usap ng matino dito habang kumakain..."
St. Cecilia: "Well... tama ka naman diyan, malakas nga yung music nila. Pero nakakatuwa kasi magkatabi si Leah and Kath, at take note... nag-uusap sila. Mabuti naman."
Kath: "Leah, may napansin ako... pwede bang magtanong?"
Leah: "Oo naman..."
Kath: "Leah, may gusto ka ba kay Jerome?"
Leah: "Ack! Ehem! Ack! Huh?!"
Guardian Angel: "Huh?!"
St. Cecilia: "Ay wait, chika-worth 'to. Hihihi!"
Kath: "Uminom ka muna Leah, mukhang nasamid ka ata..."
Leah: "Ehem.. ehem..."
Kath: "Sorry, bigla kong natanong...pero okay lang kung hindi mo sagutin..."
Leah: "Ahmm..."
Guardian Angel: "Why this question?"
St. Cecilia: "Hmmm..."
Leah: "Magkaibigan kami ni Jerome, nagsimula 'yon nung naging tutor niya ako sa math."
Kath: "I see, lagi nga kayong lumalabas di ba?"
Leah: "Sa Cafe lang 'yon para magtutor, and one time sa isang restaurant..."
Guardian Angel: "Yes, tapos puro Kath. Kath. Kath. Kath yung topic nila sa restaurant..."
Leah: "Pero katulad ng sinabi ko, as friends lang..."
Kath: "Paano kung may nagustuhan siyang iba... like... paano kung gusto mo siya pero dahil ayaw mong aminin sa kanya, may nagustuhan na siyang iba..."
Leah: "Hmmm.... okay lang."
Kath: "Alam mo, I like someone..."
Leah: "..."
Kath: "Kaso hindi ko masabi sa kanya."
Leah: "Bakit hindi mo masabi?"
Kath: "Natatakot kasi siguro ako...baka huli na yung lahat. Kasi parang may nagugustuhan na siyang iba... Well, narinig ko lang sa ibang choir members... "
Guardian Angel: "Sige na, sabihin mo na, gusto mo si Jerome."
St. Cecilia: "Huh? anong pinagsasabi mo baby angel?"
Guardian Angel: "May gusto si Kath kay Jerome, di ba?"
St. Cecilia: "Hihihi! Akala mo yung kanta ni Kath para kay Jerome? Hindi mo napansin yung reaction ni Mr. Pianista nung sinabi ni Kath na 'Dying Inside to Hold you' yung kakantahin niya, at tibok ng puso ni Kath para kay Mr. Pianista kanina habang kumakanta siya? Hihihi."
Guardian Angel: "SOOOOO.....You mean... yung song ni Kath para kay?!"
Kath: "I like Zach."
![](https://img.wattpad.com/cover/244844485-288-k305612.jpg)
BINABASA MO ANG
From Above
RomanceSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...