Guardian Angel: "Buti gising ka na. Dinalhan ka ng Mama mo ng sopas..."
Leah: "....ngh...A..anong?"
Maritess: "Anak, kumain ka muna."Leah: "Ma? A..anong nangyari?"
Maritess: "Kagagaling mo lang sa sakit Leah..."
Guardian Angel: "Oo nga, buong araw kang tulog, pabalik-balik ang lagnat mo..."Leah: "Wala akong maalala..."
Maritess: "Hinatid ka ni.... hmmm... ni pogi... ni Jerome..."
Guardian Angel: "Madaming nangyari habang nag-aabang tayo kagabi ng jeep..."
Leah: "Huh?! Si Jerome? Paanong..."Maritess: "Basang-basa ka ng ulan kagabi kaya antaas ng lagnat mo, nabasa na rin likod niya kasi pinasan ka niya papunta sa atin... Akala ko nga kung anong nangyari sa'yo..."
Guardian Angel: "Leah, siya ang nagligtas sa'yo sa 'mamang panget' na nakita natin sa eskinita dati..."
Leah: "...sorry ma pinag-alala ko po kayo..."Maritess: "Ayos lang 'yun anak, buti nga hinatid ka ng boyfriend mo..."
Leah: "Ma!!! Hindi ko siya boyfriend!"
Guardian Angel: "Wow! Iba si Mother... Boyfriend agad?"Maritess: "Ah... akala ko boyfriend mo, kasi kumain daw kayo sa labas."
Leah: "Ma, nagkwentuhan ba kayo?!"
Guardian Angel: "Yes, antagal din nilang nagkwentuhan sa sala..."Maritess: "Oo Leah, napasarap ang kwentuhan namin. Hindi ko na siya pinauwi, kaya dito ko na rin siya pinakain, at dito siya natulog. Gabi na rin kasi, delikado ng bumiyahe..."
Guardian Angel: "Pagod na pagod nga si Jerome sa pagpasan sa'yo."Maritess: "Sige anak, magpahinga ka na. Umalis na rin pala si Jerome, hihintayin ka niya sanang magising kaso sinabihan kong baka hinahanap na rin siya sa kanila. Tatawag na lang daw siya sa'yo."
Leah: "Sige po ma... salamat po..."Maritess: "Sigurado kang hindi mo siya boyfriend? Sana siya na lang ang boyfriend mo..."
Leah: "Ma!!!"Guardian Angel: "Hahaha! Pati mama mo natuwa kay Jerome..."
Maritess: "Hala sige magluluto muna ako... Kung di tumawag si Jerome... ikaw ang tumawag sa kanya..."
Leah: "Bye ma!"Leah: "So anong nangyari kagabi?"
Guardian Angel: "Nawalan ka ng malay. Binuhat ka ni Jerome, at nagtago kayo sa likod ng pader ng isang bahay para di kayo makita nung mamang panget..."
Leah: "Bakit hindi mo ako ginising?"Guardian Angel: "Haler, ginigising kita 'no. Kaso lang mataas na ang lagnat mo kagabi dahil nabasa ka ng ulan kaya ka di ka magising..."
Leah: "Ganun ba..."Guardian Angel: "Nakalagpas na yung Jeep kaya siya rin ang nag-uwi sa'yo dito..."
Leah: "Anlayo ng bahay natin ah! Paano niya pala nalaman ang address?"Guardian Angel: "Sinilip niya yung I.D. mo, tapos pinasan ka na niya sa likod niya..."
Leah: "Nakakahiya..."Guardian Angel: "Dalawang oras ka niya halos pinasan...walang dumadaan na sasakyan kasi katatapos lang ng malakas na ulan, at gabi na..."
Leah: "Tapos ano pang nangyari?"Guardian Angel: "Hmmmm..... Ah! Bago dumating si Jerome may masamang espiritu na dumating, magkasama sila nung mamang panget..."
Leah: "Huh?! Talaga?!"Guardian Angel: "Pasalamat ka kay Mama Mary, nagliwanag ang rosaryo ni Jerome kaya natakot ang masamang espiritu..."
Leah: "hmmm....teka lang, bakit naman may masamang espiritu doon?"Guardian Angel: "Hmmmm.... may hinihintay daw sila... Pero ang alam ko, siya ang may kagagawan ng malakas na ulan at kidlat kagabi."
Leah: "Nakakatakot naman..."Guardian Angel: "Pero ang mahalaga ngayon ligtas ka dahil kay Jerome... Uhmmmm... kung iisipin mo rin 'no, bakit andon si Jerome?"
Leah: "Dapat nakauwi na yun after naming kumain sa restaurant..."
BINABASA MO ANG
From Above
RomanceSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...