St. Ayinel: "Leah? Nagulat ka ba?"
Leah: "Ay...ayi...nel? St. Ayinel? Ang ganda!"
St. Ayinel: "Hahaha! Bagay ba?"
Leah: "Oo, ang cute!"
St. Ayinel: "Di ba? Very holy, kala mo hindi makulit? Hahaha!"
Leah: "Dapat matagal mo ng sinabi sa akin 'yan. Hindi ko rin maintindihan sa'yo kung bakit kailangang ilihim 'yan. Halos isang taon na tayong magkasama pero ngayon ko lang nalaman na St. Ayinel pala ang pangalan mo."
St. Ayinel: "Kasi..."
Leah: "Kasi ano? Hindi naman pangit yung pangalan mo... ang ganda nga..."
St. Ayinel: "Ahm... sige... next time ko na lang sasabihin sa'yo."
Leah: "Ha? Bakit naman?"
St. Ayinel: "Ah... basta, basta..."
Leah: "Ah okay, ang importante St. Ayinel... hmmm.... teka.... hindi ako sanay... mas bagay yata yung Itoy sa'yo."
St. Ayinel: "Ay, talaga?"
Leah: "Oo, Itoy na lang."
St. Ayinel: "O sige."
Leah: "...yun nga, ang importante lagi tayong magkasama..."
St. Ayinel: "ah...."
Leah: "Oh, bakit?"
St. Ayinel: "Huh?... Oo, lagi naman tayong magkasama..."
Leah: "Mas maganda siguro, ganyan ka na lang muna... anyong bata."
St. Ayinel: "Ay! Ayoko 'no..."
Leah: "Okay lang 'yan."
St. Ayinel: "Hindi pwede beh."
Leah: "Ayan ka na naman sa pagtawag mo ng 'beh' Hahaha!"
St. Ayinel: "Because everything is going to be alright now. Chos."
Leah: "Oo nga, maayos na ang lahat."
St. Ayinel: "Tama!... Pero sige, pagbibigyan kita ngayon, hindi muna ako magpapalit ng anyo."
Leah: "Ang hinihiling ko na lang, sana makausap ko si Jerome, at makahingi ako ng tawad sa kanya dahil sa mga nasabi ko nung nasa hospital tayo."
St. Ayinel: "Aba, dapat lang beh. Nasampal mo pa nga siya... Haha!"
Leah: "Oo nga eh, nasan na kaya 'yun ngayon?"
Sis. MC: "Leah! Leah!"
Leah: "Huh?!"
St. Ayinel: "Si Sis MC!"
Sis. MC: "Leah, tumawag si Jerome! Pupunta siya dito sa simbahan pagkatapos niyang makausap ang mga pulis."
Leah: "T...talaga po?!"
Sis. MC: "Oo Leah, mananatili lang siya ng isang gabi dito. Sasabay na raw siya sa akin papuntang kumbento namin sa probinsiya."
St. Ayinel: "Anong oras daw po?"
Sis. MC: "Baka dumating siya mamayang gabi, pero sa choir loft siya ng simbahan matutulog, bawal kasi siyang manatili sa kumbento ni Fr. Joey, baka kasi may makakitang ibang tao... teka ka lang... sino ka ba?"
Leah: "Ah! Siya po si... si... Itoy..."
Sis. MC: "Itoy?"
Leah: "Opo, pinsan ko po."
Sis. MC: "Taga-ibang bansa ba siya? Ang ganda ng kulay ng buhok at ng mga mata niya."
St. Ayinel: "Cute din po ako."
Sis. MC: "Ay oo naman iho, sobrang cute."
St. Ayinel: "Hihihi! Salamat po."
Leah: "Ah, pwede ko po bang makausap si Jerome mamaya sister?"
Sis. MC: "Alam mo Leah, kaya ko 'to sinabi sa'yo para makapag-usap kayo ng masinsinan ni Jerome. Pagkakataon mo na 'to bago siya lumisan."
Leah: "Ganun po ba..."
Sis. MC: "Alam kong ikagagaan ng loob mo kung makahihingi ka ng tawad sa kanya, at para na rin makapagpaalam siya sa'yo bago magpakalayo. Medyo matatagalan din siguro ang pagtatago niya, tiyak kasi na may mga ilang natitirang tauhan pa ang mga sindikatong kinabilangan ni Jerome."
Leah: "Salamat po sister. Dadaan po ako mamayang gabi dito sa simbahan."
St. Ayinel: "Sister, pwede po bang humingi ng pagkain si Ate Leah, kasi nagugutom na po siya. Hindi po kasi 'yan nakakain sa handaan kanina."
Leah: "Oy Itoy! Hala?"
Sis. MC: "Ay, ganun ba. Sabihin natin kay Fr. Joey. Hindi kasi ako dito nakatira, hindi ko alam kung may pagkain sila. Hahaha!"
St. Ayinel: "Huwag ka ng mahiya Ate Leah, alam kong gutom ka."
Leah: "Grabe..."
**********📞📞📞📞📞
............
Zach: "Ah... magkikita kayo?"
Leah: "Oo. Papunta na ako sa simbahan..."
Zach: "Buti na lang naging maayos ang lahat."
Leah: "Oo nga eh. Ligtas si Kath."
Zach: "Tinawagan ko na siya kanina. Hindi naman siya nasaktan, sa ngayon kasama na niya yung mga magulang niya."
Leah: "Zach, pasensya ka na kanina ha. Bigla akong umalis, naghanda pa naman kayo ng mama mo."
Zach: "Ah, wala 'yon. Tingin ko rin naman mas importante yung inasikaso mo."
Leah: "..."
Zach: "Ayos lang ba si Itoy?"
Leah: "Ay... Oo... nandito siya..."
St. Ayinel: "Kuya Zach! Helloooooo..."
Zach: "Hi Itoy! Okay ka ba? Huwag matigas ang ulo ah..."
St. Ayinel: "Opo Kuya Zach."
Zach: "Sa susunod pumunta ka ulit dito sa amin. Tuturuan kitang tumugtog ng keyboards."
St. Ayinel: "Ah, sige po."
Leah: "Ah... Zach malapit na ako sa simbahan. Bukas na lang tayo mag-usap."
Zach: "Sige Leah, ikamusta mo ako kay Jerome. Pakisabi, kakausapin ko rin siya. Hihingi rin ako ng tawad dahil pinag-isipan ko siya ng masama dati."
Leah: "Sige, sasabihin ko sa kanya."
Zach: "Uhmm... Leah..."
Leah: "Bakit?"
Zach: "Ah... wala."
Leah: "Sige Zach, ibababa ko na yung tawag, nandito na ako sa simbahan."
Zach: "Ah... sige..."

BINABASA MO ANG
From Above
RomantikSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...