Guardian Angel: "Ano ito?"
St. Raphael: "Luwalhati sa Diyos sa Kaitaasan! Alleluia! Alleluia!"
Zach's Guardian Angel: "Tumitibok ang puso ni Zach!"
BIP....... BIP........BIP.......BIP.......
St. Raphael: "Alleluia! Hinayaan siyang manatili sa mundo!"
Guardian Angel: "Ibig sabihin, ang sinulid na 'yon na nagdugtong sa puso ni Leah at ni Zach ang dahilan ng muling pagpintig ng puso niya?"
St. Raphael: "Sumasabay ang liwanag ng kaluluwa ni Zach sa tibok ng puso ni Leah. Tunay na pagmamahal sa kapwa ang naramdaman nila sa isa't isa. Ang sakripisyo ni Zach para sa isang kaibigan ang patunay nito, at higit namang naramdaman ito ni Leah pagkatapos mabasa ang nilalaman ng puso ni Zach ng makita niya ang kanta.
Guardian Angel: "At ang sinulid na ginawa ni Big G.?
St Raphael: "Ang himala ng Diyos, ang sinulid na nagbuklod sa dalawang puso ay ang natatanging kailangan upang mabigyan ng buhay si Zach para magpatuloy ang nabuong relasyon. Tama, walang duda na pumayag ang Diyos. Ganito rin sa langit, nananatili tayong buhay dahil sa relasyon... sa pag-ibig sa kapwa at sa Diyos..."
Guardian Angel: "Hindi ko maintindihan Kuya Rap-Rap..."
St. Raphael: "Kahit kailan, walang sinuman, maging tayong mga anghel ang makakaunawa ng lubusan kung paano nangyayari ang isang himala..."
Zach's Guardian Angel: "Tingnan niyo!"✨☀️✨☀️✨☀️✨☀️✨
☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️
SHHHHHHH! SHHHHHHH! SHHHHHHH!
Guardian Angel: "Na...nawala na ang lagusan..."
St. Raphael: "Sumara na..."
Zach's Guardian Angel: "Mga kuya! Si Zach!"
Zach: "..nghh..."
BIP....... BIP........BIP.......BIP.......
Zach's Guardian Angel: "Nagiging maayos na ang tibok ng kanyang puso... Nararamdaman ko din ang kanyang kaluluwa... malapit na siyang magising!"
Guardian Angel: "Okay lang ba na makita tayo ni Zach, Kuya Rap-Rap?"
St. Raphael: "Ayos lang, anyong tao naman tayong dalawa..."
Zach's Guardian Angel: "Opo, hindi naman niya kayo kilala... diyan na lang po kayo pumwesto sa may gilid."
Leah: "..."
Zach: "...ngh..."
Guardian Angel: "Nagigising na siya..."
BIP....... BIP.......BIP.......BIP.......
Zach: "....nghhh...."
Leah: "...?"
Zach: "...Le...Leah...?"
Leah: "Huh?!"
Zach: "...A..anong nangyari...."
Leah: "ZACH! BUHAY KA!"
Zach: "Buhay? Hindi ko..."
Leah: "Zach!"
Zach: "Ba... bakit ka umiiyak Leah?"
Leah: "Zach...."
Guardian Angel: "... ang mga panalangin mo Leah, natupad lahat..."
St. Raphael: "Salamat sa Diyos..."
Zach's Guardian Angel: "Mga kuya, masaya si Zach! Lalo na ngayong kayakap niya si Leah! Hihihi! Hug! Hug!"
Leah: "..."
Zach: "..."
Guardian Angel: "... antagal..."
St. Raphael: "..."
Zach's Guardian Angel: "..."
Leah: "..."
Zach: "..."
Guardian Angel: "Baka naman mapisa si Zach sa pagkakayakap mo Leah..."
St. Raphael: "Shh! Yan ka na naman, andaldal mo... hayaan mo lang sila. Moment nila 'to."
Zach's Guardian Angel: "Umiiyak si Leah..."
Zach: "Tahan na Leah..."
Leah: "Muntik ka ng mawala sa amin...Zach..."
Zach: "Hindi Leah... ayos lang ako..."
Leah: "Salamat at buhay ka..."
Zach: "Hinding hindi ako aalis Leah..."
Leah: "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyaring masama sa'yo..."
Zach: "..."
Leah: "..."
Guardian Angel: "Ay..."
St. Raphael: "Shhh!"
Leah: "Niligtas mo ako Zach, sinalo mo yung bala para sa akin."
Zach: "Para sa'yo Leah gagawin ko ang lahat..."
Leah: "Zach..."
Zach: "Leah..."
Guardian Angel: "Ayiieee....."
Zach's Guardian Angel: "Kuya Rap-Rap, si Kuyaaaa kinikilig oh..."
St. Raphael: "Huy Itoy! Anyong tao ka, mapapansin ka ni Zach! Shh!"
Zach: "Teka Leah? Ayos ka lang ba...? Nasaan na yung mga gustong manakit sa'yo?"
Leah: "Wala na sila, ligtas na tayo..."
Zach: "Nasa ospital ako?"
Leah: "Pagkatapos mong mabaril, sinugod ka dito sa hospital ng nag-aagaw buhay. Sabi ng doctor, malala daw ang kalagayan mo. Tatlong araw ka na ring tulog..."
Zach: "Ah... ganun ba..."
Leah: "Muntik ka ng mawala kanina Zach, bigla na lang tumigil ang tibok ng puso mo. Pero bigla kang nagising... Hindi ko alam kung anong nangyari..."
Guardian Angel: "Kuya Rap-Rap, hindi alam ni Leah yung nangyaring himala?"
St. Raphael: "Mukhang ganun na nga. Nang mangyari ang himala, tanging tayo lang na mga anghel ang nakasaksi ng lahat. Ang natatandaan niya lang ay yung pangyayaring hanggang sa ibinigay mo Itoy ang mga habilin ni Zach..."
Zach: "Ang natatandaan ko lang, merong kumausap sa aking isang anghel... maliit na anghel. Ahm... Nakakatawa, kasi nakasalamin siya at maluwag yung damit. Sinabi niya sa akin na malubha ang kondisyon ko kaya sinabi ko sa kanya yung mga habilin ko kay mama, sa mga kapatid ko tsaka sa'yo ...Leah... uhmmmm.... ah wala pala...."
Leah: "...ahh... ka.. kanino...?"
Zach: "Wa.. wala.. hahaha! Wala..."
Zach's Guardian Angel: "Bakit ayaw mong sabihin Zach na ipinabibigay mo yung kantang ginawa mo!"
Guardian Angel: "Tama, nabigay na namin kay Leah! Hawak na niya ngayon yung kanta mo. Nabasa na nga niya."
St. Raphael: "Hmm... so, ang akala ni Zach... panaginip lang ang lahat ng iyon?"
Zach: "Ahhmm... tsaka ko na sasabihin sa'yo Leah. Basta may ibibigay ako sa'yo kapag nakalabas na ako dito sa hospital."
Leah: "Ah... sige..."
Guardian Angel: "Alam na ni Leah na manliligaw sana sa kanya si Zach."
St. Raphael: "Ganun na nga..."
Zach's Guardian Angel: "Hmmm... paano kaya 'to... tsk. tsk."
Zach: "Pero huwag muna 'yan ang isipin natin, ang isipin natin, merong mga taong gustong manakit sa'yo Leah. Kailangan nating humingi ng tulong..."
Leah: "Nagawa na namin Zach, kaya huminahon ka. Huwag kang masyadong mag-alala. Magpalakas ka muna bago mo isipin ang mga ganyang bagay."
Zach: "Wala na nga akong nararamdamang masama... ahh.. medyo masakit lang ng konti yung sugat ko sa dibdib..."
St. Raphael: "Isang himala rin na buhay pa siya dahil sa puso siya tinamaan ng bala ng baril. Ngunit malubha ang tama niya. Kahit buhay siya ngayon nararamdaman kong mahina ang puso niya dahil sa tama ng baril."
Zach's Guardian Angel: "Opo, nararamdaman ko na sumasabay lang sa pagtibok ng puso ni Leah ang puso ni Zach."
Leah: "Kaya magpahinga ka lang..."
Zach: "Ahmm... Leah, may sasabihin sana ako sa'yo..."
Leah: "Sige lang Zach, kahit na ano gagawin ko..."
Zach: "Kahit ano? Di ka magagalit..."
Leah: "Oo naman, hindi pa ba sapat ang ginawa mo para di ko man lang magawa ang rerequest mo sa akin."
Zach: "Ah...kasi..."
Leah: "Ano 'yon..."
Zach: "Pa-kiss..."
Leah: "Baliw!"
Zach: "Aray! Hahaha! Makakurot ka! Grabe ka pa rin sa akin! hahaha!"
Leah: "Ayan ka na naman kasi. Umayos ka. Puro ka biro."
Zach: "Di ah.."
Leah: "Ano ka ba Zach... ang kulit mo..."
Zach: "Wawa naman ako oooooo.... may sugat baby mo.... huhuhu..."
Leah: "Tigilan mo ako Zach!"
Zach: "Ay! grabe naman hahaha!"
Leah: "Ano ba kasi yang pinagsasabi mo!"
Zach: "Hug na lang?"
Leah: "Heh!"
Zach: "Aray! Sakit nun ah! Hahaha!...... para hug lang....
....Oy! Sino sila?"
Zach's Guardian Angel: "Nakita kayo ni Zach! Mga kuya!"
St. Raphael: "Ah... ako yung doctor mo Mr. Zach... si Doctor...ahm... Doctor Lee Min-Soo Hyun.... hehehe..."
Guardian Angel: "At... ah..... ako naman.... yung ano... ano... ano ba ako? ahhhh... Ano ulit ako?"
St. Raphael: "Ah...ahmm... ano 'yan.... batang nasa ICU..."
Zach: "Batang nasa ICU? Kasama ko dito?"
Guardian Angel: "Ahmmm... Hindi. Hindi... Ako si... si Itoy... ano... pinsan ako ni Ate Leah... tama! 'yun nga.... pwede na... pinsan! hehehe..."
Zach: "Huy Leah! Ang cute ng pinsan mo, parang 'porenjer', ibang lahi..., blonde tapos yung mata... kulay blue at green."
Leah: "Ah... oo nga, ahm... ano yan... galing sa ibang bansa... pinaglihi sa pusang may sakit..."
Guardian Angel: "Pusang may sakit?!!!"
St. Raphael: "Shhh! Huwag ka ng magreklamo, magpapalit ka kasi ng anyo ganyan pa ang itsura..."
Zach: "Itoy, mabait ba yung Ate Leah mo?"
Guardian Angel: "Mabait po 'yan! Lalo na kapag busog...hekhekhek..."
Leah: "Grrrr..... Huwag kang maniniwala diyan kay Itoy."
Zach: "Alam mo marami akong kapatid Itoy, tiyak na magkakasundo kayo ng mga 'yon! May mga bago kang makakalaro. Malapit lang yung bahay ko kina Leah, punta ka sa amin!"
Guardian Angel: "A..ano?!"
Leah: "Hahahaha! Lakas ng karma..."
Zach: "Ilan taon ka na? Labindalawa? May kapatid akong babae na halos ka edad mo, baka kayo magkatuluyan non! Hahaha!"
Guardian Angel: "Ano?! Grrrr....."
St. Raphael: "Hahahaha!"
Zach's Guardian Angel: "Hahahaha!"
Zach: "Leah, sama mo si Itoy sa amin. Sasabihin ko kay mama na maghanda ng pagkain. Kailangan magcelebrate dahil pangalawang buhay ko na 'to!"
Guardian Angel: "Grrr...kidlatan kita diyan eh, check natin kung may pangatlo kang buhay..."
Zach: "Palabiro pala 'tong pinsan mo eh, kikidlatan daw ako! Hahahaha! Cute-cute! Pakurot sa pisngi..."
St. Raphael: "Oh, galit na ba ang sakiting pusa na magkakaroon ng bagong lovelife...?"
Leah: "Hahaha!"
Zach's Guardian Angel: "Hahaha Kuya Meow-Meow!"
Guardian Angel: "Grrrr....asar...."
Leah: "Hahaha!"
Zach: "Hahaha!"💓🔒💓🔒💓🔒💓🔒💓
BINABASA MO ANG
From Above
RomanceSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...