Part 19 - Tara na!

50 1 0
                                    

Guardian Angel: "Tara na! Hanapin natin siya!"
Leah: "Shhh! Kausap ko pa yung mama ni Zach. Huwag kang makulit..."

Mila: "Pasensya ka na iha, pinangunahan ko na si Zach. Okay lang naman sigurong sabihin... Lalo na ngayong wala na siyang kakayahang gawin pa 'yon..."
Leah: "Tita..."
Guardian Angel: "Sandaleh! Bilis! Gisingin natin si Zach!"

Leah: "Hindi ko po alam ang sasabihin ko tita..."
Mila: "Natatandaan ko pa na sobrang lungkot niya nung mga nakaraang linggo kasi hindi siya makalapit sa'yo dahil may dumating daw na bagong member ng choir na guwapo at mayaman na lagi mong kasama..."

Leah: "Ah, si Jerome po siguro yung tinutukoy niya..."
Mila: "Ah, totoo nga?"

Leah: "Opo, pero magkaibigan lang po kami ni Jerome... at ako po kasi yung nagtuturo sa kanya sa Math."
Guardian Angel: "Tama, kasi laging nagtututor si Leah kay Jerome, at may pangako si Leah na tutulungan niyang baguhin si Jerome..."

Mila: "Hahaha! Ganun talaga si Zach... akala mo lang aastig-astig pero malambot yung kalooban... Tinatago lang niya kapag nasasaktan siya..."
Leah: "Hindi po kasi halata sa kanya, kasi maingay po siya lagi, at tsaka makulit. Mahilig din po siyang magbiro... Niloloko nga po ako nun lagi kay Jerome..."

Mila: "Pero sabi niya sa akin... dapat magsisimula na daw siyang manligaw sa'yo nung huling buwan pa. Gumawa nga siya ng kanta para sa'yo, ibibigay niya dapat sa'yo nung mag-isa ka lang daw sa harap ng picture ni Santo Tomas sa simbahan. Kaso, bigla daw lumapit yung bagong choir member sa'yo. Tapos ayun, hindi na siya makalapit pa, kasi lagi na kayong magkasama nung lalaki pagkatapos nun... Yun ang kwento niya..."
Guardian Angel: "Ibig sabihin nung pumunta tayo sa harap ng picture ni Mang Tomas lalapit dapat si Zach sa'yo?!"
Leah: "Ah... tita...."

Mila: "Pasesnya ka na, andami ko ng nakwekwento. Hahaha! Maiinis na sa siguro sa akin si Zach, kasi sinabi ko sa'yo pati yung tungkol sa kanta na ginawa niya. Hahaha!"
Guardian Angel: "Hindi po! Magkwento pa kayo! I-bulgar niyo na pong lahat-lahat! Spill the tea!"
Leah: "Hindi naman po siguro... Natutuwa nga po ako kasi nag-abala pa siyang gumawa ng kanta..."

Mila: "Nalulungkot lang ako kaya ko siguro nakwento ko sa'yo Leah. Baka kasi hindi na niya masabi pa ito sa'yo dahil sa kalagayan niya ngayon. Pasensya ka na sa mga kwento ko ah..."
Leah: "Huwag po kayong magsalita ng ganyan tita..."
Guardian Angel: "Tama! Makikiusap kami kay Kuya Rap-Rap! Nararamdaman kong may gusto pang sabihin si Zach kay Leah."

Mila: "Salamat ulit Leah, magpahinga ka muna. Ako na ang magbabantay dito kay Zach."
Leah: "Tita, napalaki niyo po ng maayos si Zach... Makakaasa po kayo sa aking panalangin..."

Guardian Angel: "Beh! May chapel dito punta tayo, siguradong makikinig si Kuya Rap-Rap sa'yo."

***********

Leah: "Alam mo ang kulit-kulit mo kanina!"
Guardian Angel: "Hindi naman ah!"
Leah: "Kasi, tawag ka ng tawag sa akin. Tapos sigaw ka ng sigaw ng 'Kuya Rap-Rap!' Nung nalaman mong gustong manligaw ni Zach sa akin. Hindi ko tuloy makausap ng maayos si Tita Mila."

Guardian Angel: "Leah kailangan nating hanapin si Kuya Rap-Rap."
Leah: "Hay..."

Guardian Angel: "Ano ba beh? Ililigtas na nga natin si Zach parang ayaw mo pa? Tara na sa chapel!"
Leah: "Kala ko ba hindi ka niya pinansin kanina?"

Guardian Angel: "Emergency nga 'to, lovelife!"
Leah: "Alam mo ba, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Seryoso 'to, nag-aagaw buhay si Zach sa ICU tapos kung ano-anong kalokohan ang pinagsasabi mo... may pa-lovelife-lovelife ka pa diyan!"

Guardian Angel: "Nako... seryoso ako 'no! Narinig mo ba yung sinabi ng Mama ni Zach... Gusto ka ni Zach dati pa..."
Leah: "So? Ano ngayon?"

Guardian Angel: "Pwede nating ma-convince si Kuya Rap-Rap."
Leah: "Huh? Di ko maintindihan."

Guardian Angel: "Papayag yun si Kuya Rap-Rap kasi may nararamdaman si Zach para sa'yo. Sa ngayon, kahit na wala siyang malay, alam kong nananalangin siya na sana mabigyan siya ng pagkakataon na masabi sa'yo ang nararamdaman niya."
Leah: "Ang hinihiling ko lang, sana mabigyan pa ng pagkakataon para mabuhay si Zach para makatulong sa kanyang pamilya... napakabuti niya..."

Guardian Angel: "Nakita mo na? Mas naging matindi ang pagnanais mong magising siya, at mas titindi ang pagsusumikap mong ipanalangin siya... tiyak na papayag si Kuya Rap-Rap!"

Leah: "Sige. Pilitin natin si Kuya Rap-Rap, hindi ako susuko para kay Zach."
Guardian Angel: "Tama! Mahilig din yun sa mga ganitong tagpo, tumutulong talaga 'yon sa mga taong nagmamahalan... mahilig kasi 'yun sa mga Kdrama."

Leah: "Ano? Anong Kdrama?"

Guardian Angel: "Korean drama. Lalambot puso nun kapag nalaman na masyadong madrama ang sitwasyon niyo ni Zach, baka umiyak pa nga 'yon. Favorite niya yung 'Descendants of the Sun' at 'Crash Landing on You'."
Leah: "Puro ka kalokohan!"

Guardian Angel: "Seryoso! Kayong mga tao kasi madrama kayo sa buhay, natutuwa si Kuya Rap-Rap doon, kaya tinutulungan niya kayo."
Leah: "Alam mo... hindi ko alam kung katulad ito dati sa pag-push-push mo sa akin kay Jerome, parang nauulit lang..."

Guardian Angel: "Hindi 'no! Iba 'to! Papagalingin natin si Zach, dagdag na 'yung lovelife... 'Hitting two birds with one stone' Ayiieeeee...."
Leah: "Alam mo, hindi ko alam kung seryoso ka ba sa mga sinasabi mo."

Guardian Angel: "Hala! Napaghahalataang hindi ka nagbabasa ng 'Notebook' niyo Leah!
Leah: "Notebook? Anong Notebook?

Guardian Angel: "Yung sinulat niyo tungkol sa relasyon niyo kay Big G. Tawag niyo dun 'Bible'."
Leah: "Ahhh..."

Guardian Angel: "Magbasa ka ng 'Notebook' niyo para malaman mo yung mga ginawa ni Kuya Rap-Rap para kay Tobias at Sarah. Ang galing kaya ni Kuya Rap-Rap doon sa part na 'yon. Hahaha!"
Leah: "Sige na! Sige na! Naniniwala na ako sa'yo."

Guardian Angel: "Tara na sa chapel..."
Leah: "Hay... sige hanapin natin siya... para kay Zach..."

Guardian Angel: "Ayiiieeee...."
Leah: "Heh!"

************

Leah: "Antagal ko na dito sa chapel, wala pa din? Nakiusap na ako kay God at kay St. Rapahel na pagalingin si Zach... pero wala man lang 'signs'..."
Guardian Angel: "Shhh! Ayun siya Beh!"

Leah: "Huh?! Asan?!"
Guardian Angel: "Ayun!"

Leah: "Sira! Doctor yan na nagdadasal."
Guardian Angel: "Lapitan mo..."

Leah: "Ano ka ba? Di 'yan anghel. Umayos ka nga..."
Guardian Angel: "Ikaw na lumapit, mataray kasi 'yan..."

Leah: "Tao 'yan eh... Nakita mo naka-suot ng pang-doctor..."
Guardian Angel: "Halatang hindi ka talaga nagbabasa ng Bible, hindi mo alam yung mga galawan ni Kuya Rap-Rap, hayssss... magbasa ka ha!"

Leah: "Ano ba kasing ibig mong sabihin?"
Guardian Angel: "Nagpapanggap minsang tao 'yang si Kuya Rap-Rap kapag may mission siya, masyadong personal ang pagtulong niya sa tao."

Leah: "Nahihiya ako, bukod sa'yo, wala pa kasi akong nakikita o nakakaharap na iba pang santo... ikaw lang ang nagsasabi sa akin kung andiyan sila..."
Guardian Angel: "Kausapin mo lang din parang tulad sa akin. Sige na lapitan mo na, okay lang 'yan..."

Leah: "Ay! Ikaw na yung lumapit, makikita ka naman niya di ba?"
Guardian Angel: "Oo naman... kaso.... hay! Tara na nga, okay lang na pagalitan ako niyan... Kung iistorbohin natin siya, gawin na natin..."

Leah: "Pakitaan mo ng powers mo... Hahaha!"
Guardian Angel: "Seryoso ka ba? Arkanghel yan! Parang si Kuya Mike... anong gusto mo, sabunutan ako niyan?!"

Leah: "Huwag kang duwag.... lapitan na natin bilis..."
Guardian Angel: "Andaling sabihin sa'yo kasi hindi ka mapapagalitan, sa akin magagalit 'yan..."

Leah: "Tara na!"
Guardian Angel: "Eto na nga..."

.........

Guardian Angel: "Wazzzzzzuuuuuuppppp Kuya Rap-Rap! Ayos yang get-up mo ah!"
Leah: "He..hello po..."
Doctor: "..."

Leah: "..."
Guardian Angel: "Kuya Rap-Rap! Hiiii...."

Doctor: "Anong kailangan mo miss?"
Leah: "Ha? ahhh...eh..."
Guardian Angel: "Hello? Kuya Rap-Rap?"

Doctor: "Miss?"
Guardian Angel: "Andito ako kuya Rap-Rap... yohoooo!"
Leah: "Hindi ka niya nakikita sure ka ba na siya 'to?"

Guardian Angel: "Siya yan! ....uhmm..."
Doctor: "Is there anything I can do for you?"
Leah: "uhmmmm..."

Guardian Angel: "Hello? Kuya?"
Doctor: "Okay ka lang miss?"
Leah: "....uh....St. Raphael?

Doctor: "Ano?!"

From AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon