Part 28 - Ha?!

43 2 0
                                    

Guardian Angel: "Ha?!"
Blessed Carlo: "Inamin na niya..."

Leah: "A...ano?!"
Jerome: "Sorry Leah..."

Leah: "Nakikipag-usap ka pa rin sa kanila?"
Jerome: "Please, umupo muna tayo... I will explain..."

Leah: "Ibig sabihin, nanloloko ka lang?"
Jerome: "Mag-eexplain ako, let us... wait! Leah!"

Blessed Carlo: "Itoy! Umalis si Leah!"
Guardian Angel: "Leah! Hintay!"

Blessed Carlo: "Itoy sandali!"
Guardian Angel: "Hindi natin sila susundan, paano yung mission mo?"

Blessed Carlo: "'Mission accomplished' na ako."
Guardian Angel: "Huh?! Ibig sabihin Master Caloy..."

Blessed Carlo: "Oo Itoy, totoo ang sinabi ni Jerome."
Guardian Angel: "... pero paano 'yung..."

Blessed Carlo: "Naintindihan lahat ni Leah..."
Guardian Angel: "Ang kailangan na lang, manggaling sa mismong bibig ni Jerome...?"

Blessed Carlo: "Tama..."
Guardian Angel: "Maraming salamat Master Caloy...napakalaki ng naitulong mo sa amin."

Blessed Carlo: "Para sa Simbahan Itoy..."
Guardian Angel: "Sige Master Caloy, kailangan kong bantayan si Leah lalo na ngayon!"

Blessed Carlo: "Sige Itoy! Alam kong kaya mo 'yan!"
Guardian Angel: "Bye Master Caloy!"

........

Guardian Angel: "Leah! Sandali lang! Antayin mo ako!"

Leah: "..."
Jerome: "wait..."

Leah: "Huwag ka ng sumunod Jerome!"
Jerome: "Wait Leah! Let me explain..."

Leah: "Bitawan mo nga ako!"
Jerome: "Oops, sorry..."

Guardian Angel: "Buti naabutan ko sila... at dito pa sa hall na walang tao...baka kung anong mangyari, kailangan ko na talagang tumulong..."

Leah: "Hayaan mo na ako Jerome..."
Jerome: "Mag-usap muna tayo."

Leah: "Ha? Mag-uusap? Bakit ako makikipag-usap sa taong sinungaling?"
Jerome: "Inaamin ko na I was wrong..."

Leah: "Pinagkatiwalaan kita."
Jerome: "Leah..."

Leah: "..."
Jerome: "...please..."

Leah: "Sige! Gusto mong makipag-usap? Sige...sige!"
Jerome: "..."

Leah: "Yung gabi na lumabas tayo, sa hintayan ng jeep, sila rin ba ang pupuntahan mo?"
Jerome: "Leah...please let me first..."

Leah: "Sila ba?!"
Jerome: "Yes..."

Guardian Angel: "Muntik na kaming mapahamak nung gabing 'yon... may mamang panget tapos may Fallen Angel pa... buti na lang nagliwanag ang Rosaryo na nasa bulsa ni Leah..."

Jerome: "Pero, hindi ko naman alam na..."
Leah: "Yung tawag!"

Jerome: "Tawag?"
Leah: "Yung tawag? Yung phone call habang nag-uusap tayo sa bahay ni Kath, sila rin 'yon?"
Jerome: "Oo, sila rin ang..."

SLAAAAPPPPP!!!

Guardian Angel: "Ate Leah! Bakit mo sinampal si Kuya Jerome...?!"

Jerome: "..."
Leah: "..."

Guardian Angel: "..."

Leah: "Si Zach! Muntik ng mamatay si Zach!"
Jerome: "..."

Leah: "Papatayin nila ako! Sinalo ni Zach yung bala para sa akin!"
Jerome: "..."

Leah: "Tapos sasabihin mo sa akin na pagkatiwalaan kita ulit? Na patawarin kita? Na ipagpalit ko ulit ang buhay namin ni Zach sa 'sorry' mo?!"
Jerome: "I...I am..."

Leah: "Sa simula pa lang... pinagkatiwalaan na kita... binuhos ko ang oras ko sa'yo dahil naniniwala akong mabuting tao ka. Naniwala ako, kahit na hindi mo sinasabi ang lahat sa akin! Nagpatuloy akong lagi kang samahan dahil ang akala ko sa pamamagitan ng pagiging malapit ko sa'yo magiging mabuting magkaibigan tayo... at magbabago ka... pero hindi!"
Jerome: "Kung hahayaan mo lang sana ako Leah, humihingi ulit ako sa'yo ng pagkakataon..."

Leah: "Pagkakataon? Matagal ko ng ibinigay sa'yo yan! Para saan pa ang ibinibigay na pagkakataon kung pwede naman palang gawing paulit-ulit ang isang pagkakamali?"
Jerome: "Patawarin mo ako... Leah..."

Leah: "Sa sarili mo! Diyan ka humingi ng tawad! Sinayang mo ang lahat ng pagkakataon, relasyon at oras ng mga taong mga nasa paligid mo na naniwala sa'yo!"
Jerome: "..."

Leah: "Nasa taas ngayon si Zach, may tama ng baril ang puso! Anlakas ng loob mong bumisita sa kanya, habang nakikipagkwentuhan sa mga taong gumawa non sa kanya?!"
Jerome: "...sasabihin ko rin kay Zach..."

Leah: "Tama na Jerome! Tama na! Hindi na namin kailangan ng presensya mo. Buhay na namin ang nalagay sa panganib, dahil diyan sa kasinungalingan mo!"
Jerome: "Leah...wait..."

Leah: "Huwag mo na akong susundan!"
Jerome: "Wait..Leah!"

Guardian Angel: "Raaaaarrr! Huwag mo na ulit hahawakan si Ate Leah! Kakagatin kita!"

Jerome: "Itoy! No!"

Leah: "Hey Jerome! Huwag mong sasaktan si Itoy! Ano? gagawin niyo ulit kay Itoy yung ginawa niyo kay Zach?!"
Jerome: "Sandali mangangagat kasi siya, iniwas ko lang yung kamay ko..."

Leah: "Tara na Itoy."

Jerome: "...wait... Leah, pakinggan mo muna ako..."

Guardian Angel: "Raaaaar! Raaaaar!"
Jerome: "...Hey!"

PAAAAAKKK!

Guardian Angel: "Owww!"
Leah: "Itoy!"

Guardian Angel: "..."
Leah: "Tumayo ka Itoy...nasaktan ka ba?"

Jerome: "S...s...sorry Itoy, iniwas ko lang yung kamay ko hindi ko sinasadya...akala ko kakagatin mo ako..."
Leah: "Hindi siya nangangagat! ....

.... I...Itoy...may masakit ba sa'yo?"

Jerome: "S..sorry Itoy..."

From AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon