Part 7 - Smile

66 2 0
                                    


Guardian Angel: "Smile! Hehehe!"
Jerome: "Isa pa Leah!"
Leah: "Alam mo hindi na tayo matatapos dito kaka-selfie natin."

St. Thomas: "Sinabi mo pa... kanina pa tayo dito sa Cafe, wala kayong ginawa kundi magpicturan ng magpicturan."

Guardian Angel: "Chill ka lang Mang Thomas, inhale...exhale..."
St. Thomas: "Please. Sabihan. Mo. Si. Leah. Na. Magtutor. Na!"

Guardian Angel: "Hala, galit agad? Oo na."
Leah: "Uhmm.. Jerome... Tapusin na natin itong Math Assignment mo."
Jerome: "Oh yeah! That, tapos ko na kanina pa, sa school pa lang."
St. Thomas: "Ano? Hmm...Tapos na nga niya oh! Hmmm... tama naman yung sagot niya, except number 4."

Leah: "Huh? Tapos mo na ba? bakit pa tayo andito sa Cafe?"
Jerome: "Uhmmm... wala lang!"

Guardian Angel: "Uyyy...ano naman kaya ito... hehehe."
St. Thomas: "Grrrrrr..... nagsimula na naman kayong tatlo! Oo na! 'Audience' na naman ako!"

Leah: "So, tatambay lang tayo dito?"
Jerome: "Let us just relax for a bit. Mag-iisang buwan na nga tayong araw-araw nandito para mag-aral lang, kaya madalang tayong nakakapagkwentuhan."

Guardian Angel: "Yannnn... ganyan.... usap.... get to know each other more! Di ba Mang Tomas? 'You cannot love who you do not know'?"
St. Thomas: "Grrrr....Parang pinagsisisihan kong sinabi ko yan sa'yo....Grrr...."

Leah: "Madalang pa ba yung one month na lagi tayong nag-uusap sa choir practice at dito sa Cafe?"
Jerome: "Basta Leah, salamat ha.... For trusting me... even though I cannot reveal everything to you... pinapasok mo pa rin ako sa buhay bilang isang kaibigan."

St. Thomas: "I-friendzone na yan! Hahahahahahaha!"
Guardian Angel: "Mang Tomas is sooooooooooooo bitter! Magkaibigan muna siyempre! Grabe ka!"

Leah: "Ah, yun ba. Wala naman yun, sinusuportahan lang naman kita, and nag-eenjoy din naman ako dahil sa libre mo sa akin. hahaha!"
Jerome: "Oh, that! Wala yun, napakaliit na bagay compared sa mga naitutulong mo sa akin. Binigyan mo ulit ako ng bagong pag-asa. Tinutulungan mo akong magbago."

Leah: "And nakita ko naman na anlaki ng improvement mo, lalo na sa studies. Tapos marami ka na ring nakakasalamuha na ibang tao, di tulad dati nung nasa kung anupamang grupo ka."
Jerome: "Thanks to my very supportive teacher and good guidance counselor! Miss Leah! hahahaha!"

Leah: "Baliw! Hahaha! Kainin mo na yang pancakes mo, tama na ang pambobola."
Jerome: "Hahaha! di naman ako nambobola. Kailangan ko talagang galingan, kasi may usapan tayo di ba? Na hindi ko mababawi yung rosary ko sa'yo kapag hindi mo pa ako nakikitang nagbabago ng tuluyan? My awarding ceremony dapat yun ah... hahaha!"

Leah: "Andami mo talagang pakulo Jerome, pero sige, ibibigay ko sa'yo ito kapag nakita na talaga kitang 'new person' as in SUPER BAIT na bata!"
Jerome: "Yes, teacher!"

St. Thomas: "Nakakainisss... Grrr...."
Guardian Angel: "Naiinggit ka Mang Tomas? hahahah!"

Jerome: "May bibigay pala ako sa'yo."
Leah: "Ano na naman yan? Cookies? Cake? Enseymada? Matamis na naman 'yan no?"

Jerome: "Uy! No! Not those. Sweets are reserved for ordinary days...this one is special."
Leah: "Ahhh... assignment sa Math? Kasi malapit na ang pasahan tapos papasagot mo sa akin? Sabi ko naman sa'yo hindi pwedeng ganun Jerome..."

Jerome: "Hahaha! Grabe ka talaga sa akin. No.No... not that... 'this'..."
Leah: "Ano 'to?"

Guardian Angel: "Papel na nakatiklop?"
St. Thomas: "Assignment nga siguro..."

Leah: "Hmmmmm....bakit nakatiklop pa...ano ba kasing...."

✉️✉️✉️✉️✉️✉️✉️✉️✉️

"LET'S HAVE DINNER TOMORROW?
___Yes  ___No"

✉️✉️✉️✉️✉️✉️✉️✉️✉️

Jerome: "Leah?"
Leah: ".....aaaa....."

Guardian Angel: "Ahhhhhhh!!!" ❤️
St. Thomas: "Ahhhhhhh!!!" ❤️

Jerome: "Hey Leah, natulala ka na...hahaha!"
Leah: "Jerome! Puro ka kalokohan!"

Guardian Angel: "Ahhhhhh!!!"❤️
St. Thomas: "Ahhhhhhh!!!"❤️

Jerome: "Hala anong kalokohan diyan?"
Leah: "Puro ka na lang joke!"

Guardian Angel: "Ahhhhhh!!!"❤️
St. Thomas: "Ahhhhhhh!!!"❤️

Jerome: "Thank you dinner Leah, for everything..."
Leah: "Ahhmmmm...."

Guardian Angel: "Sandalehhhhh Mang Tomas!!! First time makatanggap ni Leah ng invitation for a dinner date, anong i-aadvice ko kay Leah?!!! Ahhhh!!!"❤️
St. Thomas: "Hindi ko rin alam!!! Wala akong naisulat na ganyan sa libro ko!!! Ahhhh!!!"❤️

Leah: "Ahmmm....sandali..."
Jerome: "..."

Guardian Angel: "Anong sinusulat ni Leah?"
St. Thomas: "Ayokong tingnan..."

Leah: "O eto na ang sagot ko..."

✉️✉️✉️✉️✉️✉️✉️✉️✉️

"LET'S HAVE DINNER TOMORROW?
✔️Yes  ___No"
OO NA! PANGET MO! 🙂

✉️✉️✉️✉️✉️✉️✉️✉️✉️

Jerome: "Hahaha! Wow! Nice... kaso 'panget' talaga?
Leah: "Biro lang! Dami mo talagang pakulo!"

Jerome: "At dahil cute ako, libre mo ah?"
Leah: "Baliw!"

Jerome: "Joke lang haha!"
Leah: "Hahaha!"

Guardian Angel: "Ahhhhhhhh!!!"❤️
St. Thomas: "Ahhhhhhh!!!❤️

From AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon