Part 5 - Bakit mo I-dedelete?

67 5 0
                                    


Guardian Angel: "Bakit mo i-dedelete? Dahil ba sa nangyari kahapon?"
Leah: "Wala lang...Marami ng laman ang memory storage ko... I need some space..."

Guardian Angel: "At bakit tayo uuwi?! Di ba every after school may choir practice ka pa?"
Leah: "Hindi ako magprapractice. Ayokong pumunta sa simbahan."

Guardian Angel: "Dahil ba 'yan kay Jerome? Kasi ayaw mo siyang..."
Leah: "Pwede ba? Huwag mong ngang mabanggit-banggit yang pangalan na yan. Wala akong kilalang masamang tao."

Guardian Angel: "Grabe ka naman. Masamang tao agad beh?"
Leah: "Bakit? Hindi ba? Ano yung kahapon, bakit siya nakikipagusap doon sa lalaking yon? At ano yung sinasabi nilang grupo? Mga masasama silang tao."

Guardian Angel: "Alam mo beh, masamang nanghuhusga ng tao. Hindi porket nakita natin siya sa ganung sitwasyon pagiisipan agad natin siya ng masama. Ang unfair naman nun para kay Jerome."
Leah: "So anong gusto mong gawin ko? Pumunta doon sa choir practice na parang walang nangyari?"

Guardian Angel: "Beh, tandaan mo, nasa choir ka para kumanta para kay God, kay Big G. Hindi ka pumupunta doon para kay Jerome."
Leah: "Hay...."

Guardian Angel: "Sa True lang tayo beh, di ba? Nagseserve tayo sa simbahan hindi para magpa-impress sa iba, at susuko ka ba dahil may kagalit ka?"

Leah: "Hmp...sige na nga. OK! Ok! ... grabe ka talagang mangonsensiya e no? Ibang level ka talaga! Pero, hindi ako lalapit sa kanya ah. Magprapractice lang ako, then sasabay akong umuwi kasama ng ibang choir members, nakakatakot kasi yung goons na kausap ni Jerome."
Guardian Angel: "Sure! Practice lang talaga, then uwi. Game?"

Leah: "Tara!"
Guardian Angel: "Lezzgooo!"

*********

Guardian Angel: "Uy si Jerome!"
Leah: "Tsk! Di ba kakasabi ko lang na hindi ako lalapit diyan, pumunta lang ako dito para sa choir practice!"

Guardian Angel: "Sobra naman 'to, sinabi ko lang na andito siya. Pero Wow! He is looking good with that shirt, yesss king!"
Leah: "Tumahimik ka na nga..."

Guardian Angel: "Uy! Nakatingin siya sa'yo beh!"
Leah: "Ano ka ba? nasan na yung sinasabi mong nagseserve tayo para kay Big G.? Na nandito tayo para sa..."

Guardian Angel: "Hey teka! Palapit siya..."
Leah: "Shhhhh! Wala akong naririnig! Quiet ka na please!"

Guardian Angel: "Errr... ok..."

Jerome: "Leah..."
Leah: "Huh?!"
Guardian Angel: "Sabi sayo, lalapit siya eh."

Jerome: "Leah, can we talk? Kahit sandali lang?"
Leah: "..."
Guardian Angel: "eh?"

Jerome: "Yesterday, uhmmm... pwedeng huwag dito sa simbahan?"
Leah: "..."
Guardian Angel: "Wow...taray dedma tayo beh?"

Jerome: "Urghh... I mean... Please..."
Leah: "..."
Guardian Angel: "Konti na lang girl mananalo ka na... haba ng hair mo girl..."

Jerome: "This is awkward... uhm... Leah?"
Leah: "..."
Guardian Angel: "Beh... kawawa naman siya oh."

Jerome: "Bakit ayaw mo akong kausapin? I just want to... ok... ayaw mo...fine..."
Leah: "..."
Guardian Angel: "Ayan umalis na siya..."

Leah: "Mabuti naman..."
Guardian Angel: "Bet ko yun beh, ang galing mo don... hahaha!"

Leah: "Seryoso ako, di na ako makikipagusap diyan..."
Guardian Angel: "Sabi mo eh... basta dapat.... oh? Bakit andon si Ate Cess?"

Leah: "Ate Cess? Sino yun?"
Guardian Angel: "Si Ate Cecilia! Maganda ang boses niyan. Ka-jamming namin yan lagi sa langit kapag may kantahan. Di ba lagi kayong nagdadasal sa kanya bago magsimula ang choir practice?"

Leah: "Si Saint Cecilia ba yang tinutukoy mo?"
Guardian Angel: "Correct! the patroness of music, andun siya oh....pero... bakit nandito siya... hmmm.....unless?"

Leah: "Unless ano? Baka naman maraming pipiyok at magkakamali sa amin ngayong choir practice kaya siya andito. Hahaha!"
Guardian Angel: "Teka! Teka! Bakit pumunta si Jerome doon sa microphone? Di pa naman start ang choir practice ah... WAIT LANG....."

Leah: "Hayaan mo siyang mapagalitan, wala pa si sir kaya hindi pa pwedeng ..."

Jerome: "Uhmm... Hi everyone... I just want to.... urgghhh.... Leah, this song is for you..."

Guardian Angel: "Woaah!"
Leah: "Ha?!"
Choir Member 1: "What?! Leah?! Jerome?!
Choir Member 2: "Hala... ano 'to? uyyyyy!"
Choir Member 3: "May paharana dito sa simbahan?!"
Choir Member 4: "Silang dalawa na ba?!"
Choir Member 5: "Ayiiee!!! Ganda mo Leah!
All Choir Members: "Sana All!"

Jerome:
🎶❤️🎶❤️🎶
"It's been a long and winding journey
But I'm finally here tonight
I'm picking up the pieces
And walking back into the light
Into the sunset of your glory
Where my heart and future lies
There's nothing like that feeling
When I look into your eyes...
🎶❤️🎶❤️🎶
My dreams came true, when I found you,
I found you, my miracle...
🎶❤️🎶❤️🎶
If you could see, what I see, that you're the answer to my prayers...
And if you could feel, the tenderness I feel,
You would know, it would be clear....
that Angels brought me here......"
🎶❤️🎶❤️🎶

Choir Leader: "Hoy! Sinong kumakanta? Bakit naka-On ang microphone! Di ba sabi ko sa inyo hanggat wala pa ako, bawal kayong..."

Jerome: "Sir please excuse me and Leah from our choir practice, masakit po yung ulo namin!"

Choir Leader: "What? Kayong dalawa naman ngayon ang sumasakit ang ulo?"

Jerome: "Tara na Leah..."

———————————

From AboveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon