Guardian Angel: "Ate Cess... Please Tulungan mo po ako..."
St. Cecilia: "Ay! Bakit anong meron?"
St. Valentine:
"Anong nangyayari dito?
Hindi dapat tayo napupuno ng bugso!
Ang mission nati'y para sa mga puso,
sa ibang bagay hindi dapat lumiko!"
St. Cecilia: "St. Valentine, si Leah 'yan, kaibigan ni Zach at ni Kath, tapos kilala mo naman siguro kung sino 'tong batang 'to."
St. Valentine:
"Oo, kilala ko siya,
Makulit na anghel, kaya dapat dumistansya.
Ang ngalan nati'y pinapalitan ng basta-basta,
Walang pasintabing siya ang nagpapasya!"
St. Cecilia: "Oo nga St. Valentine, naging 'Tito Val' nga pangalan mo eh. Hihihi! Makulit 'yan, pero pagbigyan na natin ang request niya... kasi nakita mo naman oh, todo effort talaga siya sa inaalagaan niya."
St. Valentine:
"Ang mission isa-isip Santa Cecilia,
ibang bagay ba ay uunahin pa?
Si Zach at Kath naghihintay na,
ipagpapaliban ba ang pagsinta?"
St. Cecilia: "Hayaan na lang po natin si baby angel at yung alaga niyang si Leah na umeksena, maganda kaya ganap lagi nitong dalawa. Masarap i-chika 'to!"
St. Valentine:
"Ang iyong sinambit ay hindi maaari,
kung para sa chika ito'y pagkakamali.
Ang mission ay dapat iyong mawari,
tuon sa layuni'y dapat manatili!"
St. Cecilia: "Hoy, joke lang 'yun na para may ma i-chika lang ako 'no. Grabe sha! Sige na pagbigyan na natin si baby angel..."
St. Valentine:
"Bahala ka na sa iyong gagawin,
ang hiling ni Kath ating alalahanin.
Narito tayo upang dasal niya'y ating dinggin,
mamaya huwag mo akong apurahin."
St. Cecilia: "Edi Okay, diyan ka muna. Kanina pa ako na nonosebleed sa'yo. Ako munang bahala dito."
St. Valentine: "Hmp!"
St. Cecilia: "Baby angel! Ganda ng get-up mo ngayon ah, batang-bata! Hihihi! Anong tawag nila sa'yo sa ganyang anyo?"
Guardian Angel: "'Itoy' po Ate Cess."
St. Cecilia: "Ang galing ah. Cute!"
Guardian Angel: "Oo nga eh, kailangan ko talagang gumawa ng mga espesyal na bagay para sa alaga ko. Pero itong anyo ko, ibabalik ko din bukas sa dati, inaantay ko lang na makalayo kay Zach kasi nakita na niya akong ganito. Baka hanapin daw ako ni Zach sabi ni Kuya Rap-Rap."
St. Cecilia: "Ay ganun ba? Pero alam ko namang kaya mo 'yan. Ang dami mo na ring hirap sa mga missions mo."
Guardian Angel: "Kaya nga eh, kaya patulong ako Ate Cess..."
St. Cecilia: "Ano bang gagawin?"
Guardian Angel: "Galit kasi si Leah, hindi naging maganda yung pag-uusap nila ni Jerome. Kanina gusto niyang sabihin kay Zach at Kath na nagsinungaling si Jerome at nag-break siya ng promise at kasama niya yung mga bad guys. Ang totoo niyan, hindi pa naman naexplain ni Jerome yung side niya. Miski ako din nagulat sa revelation ni Jerome, pero sana at least nasabi man lang sana ni Jerome yung dahilan kung bakit niya kinakausap pa rin yung mga 'yon."
St. Cecilia: "So ngayon, gusto mo muna siyang magstay dito sa hospital dahil galit pa siya, at baka kung anong mangyari sa kanya sa pag-uwi. Tama ba?"
Guardian Angel: "Tama, Ate Cess. Ayoko ng mangyari yung tulad ng dati na naglakad 'to ng pauwi sa ulan dahil puno ng emosyon. Muntik na siyang mapahamak non."
St. Cecilia: "Kaya nga, dapat hindi siya padalos-dalos ng desisyon."
Guardian Angel: "Patulong Ate Cess ha?"
St. Cecilia: "Oo naman! Pipigilan natin ang pagseselos niya sa dalawang 'to."
Guardian Angel: "Kay Zach at Kath?"
St. Cecilia: "Oo! Hihihi!"
Guardian Angel: "Selos? Uy Ate Cess, issue ka!"
St. Cecilia: "Hoy! Alam ko na dapat manliligaw si Zach kay Leah. Nasagap ko na yang chismis na 'yan kay St. Raphael. So ano 'to? Love triangle na 'no? Hihihi!"
Guardian Angel: "Hay Naku! Hindi ko alam kay Leah, pero ang alam ko kaibigan lang ang turing niya kay Zach. Siguro umiiwas lang siya, kasi nakapangako siya dati kay Kath na susuportahan niya 'to kay Zach."
St. Cecilia: "Ah ok, so si Jerome pa rin ba? Hihihi!"
Guardian Angel: "Ay sandali! Ate Cess, paalis na si Leah. Tinatawag na niya ako. Gagawa ako ng paraan, kapag may pagkakataon... backup-an mo ako ah."
St. Cecilia: "Don't worry, I got your back Itoy."
..............
Leah: "Tara na Itoy, uuwi na tayo. May gagawin pa ako."
Guardian Angel: "Ano yung gagawin mo Ate Leah?"
Leah: "Di ba sabi ko sa'yo marami pa akong gagawin. Magpaalam ka na kay Kuya Zach at Ate Kath."
Guardian Angel: "Ate Leah, dito muna tayo..."
Leah: "Shh! 'Di ba may 'gagawin' tayo kaya kailangan na nating umuwi? Psst!"
Guardian Angel: "Ayaw."
Leah: "Huh? Ano?"
Guardian Angel: "Ayaw. Dito lang ako kay Kuya Zach."
Zach: "Leah, dito muna kayo ni Itoy. Sa ibang oras mo na lang gawin 'yan. Masipag kaya magbantay si Itoy sa akin, di ba Itoy 'no? Lika, tabi ka kay Kuya Zach."
Guardian Angel: "Weeee! Yeheh!"
Leah: "Itoy!"
Kath: "Okay lang 'yan Leah. Kaya namang buhatin ni Zach si Itoy. Kakandong lang naman siya."
Leah: "Ha? Ah... Oo Kath... kaso lang..."
Guardian Angel: "Kuya Zach, yakap!"
Leah: "Itoy! Ano ka ba?! Lika nga dito!"
Guardian Angel: "Kuya Zach! Kukunin ako ni Ate Leah! Huwag mong hayaang kunin ako ni Ate Leah! Huhuhu!"
Zach: "Leah, hayaan mo na, nagpapakarga lang naman. Magaan lang naman si Itoy. Tsaka sanay naman akong kumarga ng mga bata dahil sa mga kapatid ko."
Leah: "Ha? ah...may sugat ka Zach."
Zach: "Ayos lang, hindi na nga masakit eh. Lalo na kapag kayakap ko si Itoy, di ba 'no Itoy?"
Guardian Angel: "Hahaha! Opo Kuya Zach."
Kath: "Umupo ka muna Leah, samahan mo muna kami sandali ni Zach dito. Ano ba kasing nangyari kay Jerome? He went away without even telling me."
Leah: "Ha? Si Jerome? Di ko alam..."
Kath: "Hindi mo alam?"
Leah: "Uy Itoy....masyado ng mahigpit ang pagkakayakap mo kay Kuya Zach mo. Pwede ba Itoy...lika na bilis... lika na... Good boy 'yan di ba...? Lika na..."
Guardian Angel: "Kuya Zach.... huhuhu! Dito lang ako kay kuya Zach...."
Zach: "Shhh...Leah... Hayaan mo na... kawawa naman oh...umiiyak na oh."
Leah: "'Ha? Siya? Iiyak?"
Kath: "Bakit Leah? Siyempre bata 'yan."
Leah: "Ah... Oo nga hehehe! Ba..bata... nga.."
Zach: "Oo baby 'yan eh. Cute na bata 'di ba? Itoy... hahaha!"
Guardian Angel: "Kuya Zach! Nakikiliti ako Hihihi!"
Leah: "Itoy...."
Zach: "Di ba Itoy, masungit si Ate Leah no? Masungit siya no? Hahaha!"
Guardian Angel: "Opo, Hihihi! Ay! Nakikiliti ako Kuya Zach! Huwag mo akong kilitiin!"
Zach: "Pagpasok dito ni Ate Leah, nakasimangot na 'no? Maganda siya pero pumapangit kapag nakasimangot 'di ba Itoy?"
Guardian Angel: "Opo, Hihihi! Kuya Zach, pwedeng dito na lang ako matulog sa tabi mo?"
Zach: "Oo naman, dito ka muna. Gusto mo bang matulog?"
Leah: "Matutulog ka?!"
Kath: "Hayaan mo lang siya Leah, ano ka ba. Baka inaantok na yung bata..."
Guardian Angel: "Kuya Zach, kantahan mo ako..."
Zach: "Ah...Gusto mong kantahan ka ni Kuya Zach?"
Guardian Angel: "Opo Kuya Zach..."
St. Cecilia: "Kakanta?! Ay Go tayo diyan! I-ready ko na harp ko... Hihihi! Ito na yung chance ko to help you Itoy para mag-stay si Leah at mawala ang galit niya."
St. Valentine:
"Mahabaging langit, ano 'to?
Hindi ko maarok ang inyong gusto.
Mission natin isinantabi mo,
aawit para ang iba'y mapaamo?"
St. Cecilia: "Hay naku St. Valentine, tutulungan ko si Zach para kantahan si Itoy 'no. 'Fan' ko kaya 'yang dalawa! Para mawala na rin yung galit ni Leah. Support-support tayo...Ganern... Hihihi! Tandaan mo, walang kinakampihan ang langit, basta para sa mabuti..."
St. Valentine:
"Sige na, bahala ka...
Tama nga ako sa aking sapantaha.
Dumatal ang oras walang nagawa,
mission tuluyang naisawalang bahala!"
Zach: "Sige, lagay mo lang yung baba mo sa balikat ko. Yakap ka lang kay Kuya Zach ha."
Guardian Angel: "Opo."
Zach:
BINABASA MO ANG
From Above
RomantikSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...