Guardian Angel: "..."
Leah: "Ayaw mo talagang magpakita Itoy? Asan ka na ba?"
Demon Prince: "...Hahaha! Gusto ko 'yan... Grabe si Leah kung makapagsalita 'no? Pero tama rin naman siya, kayo kasing mga taga-langit, mga manggagamit kayo sa simula pa lang."
St. Martha: "Kaloka na you ha, puro kasinungalingan nagco-come out diyan sa mouth mo. Go away na!"
Demon Prince: "...Timpla mo muna ako ng kape santang alalay!..."
St. Martha: "Itoy oh! Kadiri na this bad angel! Yuck!"
Leah: "Aalis na ako. Kung ayaw mong magpakita, e di huwag."
Guardian Angel: "Tita Marts, susunod ka pa rin ba sa amin ni Leah?"
St. Martha: "Yes naman 'no. Pero look mo 'tong si Leah, umalis again ng di nag-good bye kay Zach. Hay nako..."
Guardian Angel: "Hayaan mo lang Tita Marts, kilala ko na 'yan dati pa. Ganyan 'yan kapag galit o kapag mataas ang emosyon, laging padalos-dalos kung kumilos. Kaya tingnan mo tuloy ngayon, may sumusunod na masamang espiritu sa atin..."
Demon Prince: "...Akin si Leah at si Kath! Hahaha!..."
St. Martha: "Kainis, make gigil na talaga ako here kay bad breath angel..."
Guardian Angel: "Mukhang uuwi na nga si Leah... buti na lang hindi siya nagmamadali ngayon o umiiyak. Pero ramdam ko talaga ang galit niya sa lahat ng mga nangyayari..."
St. Martha: "Oo nga Itoy, kasi talagang na-hurt siya sa mga happenings. Kahit who naman sigurong people will make feel matinding pain if ever this happen to their kaibigan."
Guardian Angel: "Oo nga po. Si Kath pa nga ang nagkumbinsi kay Leah na kausapin si Jerome nung nasa hospital, tapos siya naman ngayon ang ginawan ng masama."
St. Martha: "Pero alam mo, painful din ang mga sinabi sa'yo ni Leah."
Guardian Angel: "First time niya po 'yon nasabi sa akin, pati ang mga ganung bagay kay Big G. at sa mga santo at santa. Nahihiya nga po ako sa inyong lahat."
St. Martha: "Ay! Wala 'yon sa akin. Alam kong brought lang 'yon ng emotions niya. Pero of course di ba, that is not an excuse. Kaya nga dapat make control natin our emotions para we will not hurt the feelings of others."
Guardian Angel: "Ang hirap po talaga Tita Marts, bakit ba kasi nagsabay ang mission ko na ito. Biruin mo, meron kaming dapat baguhing tao ni Leah, kaya pwede ko siyang makausap at pwede niya akong makita. Pero, hindi naman ako pwedeng makipag-usap basta-basta sa ibang taga-langit at guardian angels para magawa ko yung isa pang mission na mahanap niya dapat ang 'lovelife' niya."
St. Martha: "On my opinion, meron talagang purpose si God diyan eh. Two people ang katabi niya ngayon 'di ba? So, check na ang personality na si Jerome ang dapat i-convert-convert... pero yung lovelife ni Leah... not sure pa kung that is Jerome din... Nakoooo! Maybe it is Zach ang bad guy na dapat i-convert! Oh my! Si Zach ang Kidnapper!"
Guardian Angel: "Ano ba 'yan Tita Marts... Joke ba 'yan. Di naman nakakatawa."
St. Martha: "Echos lang."
Demon Prince: "...Hoy! Ganito ba talaga si Leah? Kapag naglalakad? Wala man lang naiisip na masama? Boring!..."
Guardian Angel: "Hindi naman kasi talagang masama 'yang si Leah! Dala nga lang 'yon ng emosyon niya kanina!"
Demon Prince: "...bulungan ko kaya ng mga malalaswang bagay? Hehehe..."
St. Martha: "Subukan mo, i will throw you again the Kaldero ng Diyos!"
Guardian Angel: "Hindi 'yan makakalapit kay Leah..."
Demon Prince: "...Hey! Leah! Grabe 'no, ginagamit ka lang ng Diyos para baguhin si Jerome. Pero hindi naiisip ng Diyos yung mga nararamdaman mo... puro na lang sakit. Kasalanan 'tong lahat ng Diyos..."
St. Martha: "Ay! Ano 'to? Grabe ang pag-manipulate ng mind ha. Grabe ang paninira ng bad breath na 'to!"
Leah: "..."
Guardian Angel: "Hindi mo 'yan basta-basta matutukso ng ganyan... Umalis ka!"
Demon Prince: "...Hahaha! Mamaya tutuksuhin ko ulit siya, hahanap ako ng pagkakataon kapag nalaman na niya yung plano ko kay Kath. Siguradong tatawag na ang mga alagad ko sa mga magulang ni Kath. Tapos, malalaman ni Leah ang lahat, at diyan magrerebelde na ng tuluyan si Leah sa Diyos niyo! Isisisi niyang lahat sa Diyos ang mga nangyayari! Hahaha! Walang kwentang mga taga-langit, lagi na lang kayong on the defense sa mga ginagawa kong kasamaan! Hahaha!...."
St. Martha: "Grrr..."
Guardian Angel: "Huwag kang mag-alala Tita Marts may Alas pa tayo."
***********
St. Martha: "Malapit na tayo sa house ni Leah, Itoy. Ayaw mo pa rin magshow ng self?"
Guardian Angel: "Sandali lang Tita Marts..."
St. Martha: "Why?"
Guardian Angel: "Tingnan natin kung hihinto siya."
St. Martha: "Ah, here?"
Guardian Angel: "Opo."
Demon Prince: "... Oh ano? Dito sa simbahan? Hihinto? Hahahaha! Sa parokya ni Leah? Sa St. Padre Pio Parish? Hahaha! Asa kayo!..."
Guardian Angel: "Go Leah, pumasok ka... pumasok ka... pagkakataon mo na 'to."
St. Martha: "Yes, Jesus please help Leah na to enter the simbahan... please Jesus..."
Demon Prince: "...Hahaha! Mangarap kayo ng gising! Hindi siya papasok diyan!..."
Guardian Angel: "Blessed Virgin Mary please help Leah... Please... Help Leah..."
St. Martha: "Jesus, my friend, BFF, ano na... Help mo si Leah please!"
Demon Prince: "...Nakakatawa kayo... Hahaha!..."
Leah: "Sorry Lord... hindi muna ako makakabisita sa'yo..."
Guardian Angel: "..."
St. Martha: "Hala... hindi siya nag enter Itoy, lumagpas siya..."
Demon Prince: "... Yes! Hahaha! Sorry na lang kayo guys! Akin si Leah... Haha!..."
Guardian Angel: "..."
St. Martha: "Hay... Leah ano ba girl... Time mo na nga 'yon to make pray-pray kay Jesus to ask forgiveness..."
Demon Prince: "....wala na kayong magagawa pa... lumagpas na si Leah... magrelax na lang kayo diyan... ako muna ang... HUH?!"
Fr. Joey: "Leah! Iha!"
Guardian Angel: "Yung parish priest ni Leah!"
St. Martha: "Yes! It's him!"
Demon Prince: "...Ano 'to? Grrr... sino yung kasama nilang madre? Anong nangyayari? Grr..."
Leah: "Fr. Joey?"
Fr. Joey: "Buti nagkita tayo dito, ito nga pala si Sis. Mary Clarence."
Sis. MC: "Sis. MC na lang padre para bagets pa din. Hahaha!"
Leah: "Mano po Padre, mano po Sister."
Fr. Joey: "Kaawaan ka ng Diyos Leah. Binisita ako ni Sister dito kasi balak kong ipaayos itong kampana natin. Mukhang may sira ata sa bandang hugutan ng lubid. Hindi mahatak eh. May kakilala siyang pwedeng mautusan... tapos... hmmm...
....sister, siya pala si Leah."
Sis. MC: "Ah, Ikaw pala 'yon."
Leah: "Po?"
Fr. Joey: "Leah pumasok muna tayo sa kumbento, tatawagan sana kita. Buti at nakita kita dito sa tapat ng simbahan."
Leah: "Father, wala po ba kayong alam sa balita? Hindi niyo pa po ba nababalitaan?"
Fr. Joey: "Si Kath?"
Leah: "Opo! Alam niyo na po pala?... Nag-aalala na po ako...Kailangang mailigtas siya!"
Fr. Joey: "Mabuti pa Leah, pumasok muna tayo sa loob."
Sis MC: "Tara Leah, may sasabihin din ako sa'yo."
Demon Prince: "...p...pasok...tayo?..."
Guardian Angel: "Tara Tita Marts..."
St. Martha: "Hahaha... Sama ka din 'bad breath'... hahaha!"
********
Guardian Angel: "Papa P.! Doc Tere!"
St. Martha: "Padre Pio? St. Therese of Lisieux?"
St. Therese: "Huy... Huwag mo na akong tawaging Doc. Binigyan lang ako ng titulong 'Doctor of the Church', ganyan na bigla ang tawag mo sa akin. Hihihi! Pero mas cute yung tawag nila sa'yo ngayon... 'Itoy'."
St. Padre Pio: "Kamusta kayo? Oh, bakit may Diyablo dito?"
Demon Prince: "...ANO 'TO?! Bakit andito sila?!..."
St. Martha: "Wow! Hiyang-hiya naman me sa'yo 'no. You are inside the kumbento and you ask-ask why may Saints dito? Haler? This is the parish of St. Padre Pio, kaya siya present here 'no? Hina ng head mo ah."
Demon Prince: "...Grrr..."
Guardian Angel: "Kumapit po 'yang bad angel kay Leah..."
St. Padre Pio: "Ah... May problema ka sa alaga mo 'no?"
Guardian Angel: "Opo."
St. Padre Pio: "Sige, matutulungan ka namin diyan. Andiyan si Fr. Joey, tapos kasama pa ni St. Therese si Sister Mary Clarence. Malayo pa pinanggalingan niyang si Sister. Tamang-tama pala, sakto yung pagkikita natin dito."
St. Martha: "Huh? Sakto? Tamang-tama?"
Guardian Angel: "Ano pong ibig niyong sabihin Papa P.?"
St. Padre Pio: "Katuparan 'to ng mga panalangin niyo. Matagal na 'tong nakita ni ... 'Big G.'? 'Big. G.' ang tawag mo kay God di ba Itoy?"
Guardian Angel: "Ah... opo..."
St. Therese: "Tama, nakita na Niya 'to. Alam na Niyang mangyayari ito dati pa, kaya andito kami para tumulong... Matutupad na rin ang lahat, sa wakas..."
St. Padre Pio: "Mag-uusap si Fr. Joey, si Sister Mary Clarence at si Leah ngayon dito sa kumbento."
Guardian Angel: "Hindi ko po maintindihan..."
St. Padre Pio: "Ganon ang kalooban ng Diyos, Itoy. Kadalasan mahirap maintindihan..."
St. Therese: "Ayan, mag-uusap na sila..."
Guardian Angel: "Ganun po ba? Sige po, makikinig po ako ng mabuti sa kanila para malaman kung ano po yung sinasabi niyong matutupad na..."
St. Therese: "Hindi Itoy..."
St. Padre Pio: "May iba kang kakausapin..."
Guardian Angel: "Po? Sino po?"
St. Padre Pio: "Makikita mo, pero hindi dito."
St. Therese: "Oo nga. Tapos pagpunta doon, pumitas ka ng rosas ha."
Guardian Angel: "Pipitas po ako ng rosas Doc Tere?"
St. Therese: "Oo. Hihihi!"
St. Padre Pio: "Oh, sige na, sige na... baka naghihintay na siya sa'yo."
Demon Prince: "...Sandali?! Anong nangyayari? Sinong kakausapin niya?!..."
St. Martha: "Quiet ka ha! Noisy ka!"
Demon Prince: "...Grrr...."
St. Padre Pio: "Pumikit ka muna Itoy..."
St. Therese: "Bumilang ka ng hanggang tatlo..."
Guardian Angel: "Huh?! Ahm... sige po....
1...
2...
3...
![](https://img.wattpad.com/cover/244844485-288-k305612.jpg)
BINABASA MO ANG
From Above
RomanceSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...