Guardian Angel: "Huminahon ka! Kuya Mike!"
Zach's Guardian Angel: "Ahhhhhh! Siya ba 'yan?!"
St. Michael: "NASAAN ANG KAAWAY! ILABAS NIYO! HEYAAHHH!!!"
Guardian Angel: "Kuya Mike, highblood ka agad! Wala pa!"
Zach's Guardian Angel: "Kuyaaaaa! Natatakot ako!"
St. Michael: "KAYO BA ANG TUMAWAG SA AKIN?! HAAAAAA?!!!"
Guardian Angel: "Ah... o..opo Kuya Mike.."
Zach's Guardian Angel: "K...Ku..Kuya Mike, tulungan m..mo po k...kami..."
St. Michael: "SIGE! KAPAG NAKITA KO TALAGA YANG MGA KAAWAY NA YANNNN! HEYAH! HEYAH! HEYAAAAAAHHHH!"
Guardian Angel: "Kuya Mike, bakit ganyan pala ang itsura niyo? Bakit ka nakapang-'Samurai'?"
Zach's Guardian Angel: "Di po ba, pang... pang...Japanese 'yan? Japanese po ba kayo?"
St. Michael: "BAKIT?! MASAMA BANG MAG-COSTUME? NILAGAY NGA NILA YUNG PICTURE KO SA BOTE NG ALAK EH! TAPOS ETO BAWAL?! HEYAAAAHHHHH!"
Guardian Angel: "Cosplayer ka na pala ngayon?"
Zach's Guardian Angel: "Kuyaaaaa huwag mo na siyang asarin!"
St. Michael: "GRRRR.....HEYAAHHHH!"
Guardian Angel: "Kuya Mike! Baka tamaan kami ng espada mo!"
Zach's Guardian Angel: "Kuyaaaa! Baka tamaan ako huhuhu!"
St. Michael: "ITO BA?! ITONG ESPADA KO? ANG 'KAMAY NG DIYOS'?"
Guardian Angel: "Opo, yan nga Kuya Mike, pakitago mo muna please. Pakitabi muna ang 'Kamay ng Diyos'."
Zach's Guardian Angel: "Huwag ka din sumigaw Kuya Mike, natatakot ako. Huhuhu!"
Leah: "Ahh... okay na ba kayo diyan? Andiyan na ba si St. Michael?"
Guardian Angel: "Okay na Leah, lumakad na kayo ni Zach. Natatakot lang yung Guardian Angel ni Zach. Si St. Michael kasi laging nakasigaw parang laging galit..."
St. Michael: "SINOOOOONNNG GALIIITTTT?!"
Zach's Guardian Angel: "Huwag ka ng sumigaaaaaaaawwwwwww!!!"
⚡️🌪⚡️🌪⚡️🌪⚡️🌪⚡️
WOSSHHHH! KRAAASSHHH! BOOOOOMM!!!
St. Michael: "...."
Guardian Angel: "Ay bongga... napatahimik mo si Kuya Mike."
Leah: "Huy! Anong nangyayari sa inyo diyan? Bakit biglang lumakas yung hangin at kumidlat?"
Guardian Angel: "ah...eh... wala.. wala... nagalit lang yung Guardian Angel ni Zach.. hehehe."
Leah: "Ah... tara Zach, lakad na tayo."
Zach: "Medyo malayo pa tayo sa sakayan, gabi na kaya kailangan na nating magmadali, sana may jeep pa..."
St. Michael: "Bakit niyo ba ako tinawag?"
Guardian Angel: "May mission kasi yung Guardian Angel ni Zach kailangan niyang protektahan si Zach at si Leah."
Zach's Guardian Angel: "Opo Kuya Mike, kailangang protektahan ng alaga ko si Leah sabi ni Big G."
St. Michael: "PROTEKSIYON?! ASAAAAANNNN AANG KAAAALLAAABBBAAAAANNNN?!"
Zach's Guardian Angel: "Kuyaaaaaa! huhuhu!"
Guardian Angel: "Hay.............."
............
Leah: "Nakakatakot dito ah, walang tao..."
Zach: "Huwag kang mag-alala, andito ako. Hindi ka mapapahamak... Parang kanta lang yan, yung 'Dati' by Sam Concepcion..."
🎵🤡🎵🤡🎵🤡🎵
Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Ikaw yung prinsesang sagip ko palagi!"
🎵🤡🎵🤡🎵🤡🎵
Leah: "Umayos ka nga! Andami mong banat!"
Zach: "Naiinlove ka na ba sa akin Leah? Hahaha"
Leah: "Ano?!"
Zach: "Aray! Ansakit mong mangurot! hahaha!"
St. Michael: "Teka!!!"
Guardian Angel: "Bakit? Kuya Mike?"
Zach's Guardian Angel: "Bakit ganyan ang itsura mo Kuya Mike?"
St. Michael: "..."
Guardian Angel: "..."
Zach's Guardian Angel: "....
St. Michael: "Humanda kayo! May kaaway... marami..."
Guardian Angel: "Marami? ano naman ang ginagawa nila dito?"
Zach's Guardian Angel: "Gagamitin ko na po ba ang 'Liwanag ng Diyos?"
St. Michael: "Sandali, hindi lang sila mga masasamang anghel. May mga tao din... Lima."
Guardian Angel: "Tao?! Ma..masamang tao?!"
Zach's Guardian Angel: "Huh?! Kuyaaaa ito na 'yon! Yung mission ko! Natatakot ako para kay Leah at Zach..."
Guardian Angel: "Sasabihan ko si Leah!"
Leah: "O? Bakit parang takot na takot ka?"
Guardian Angel: "Leah, makinig ka, may paparating na masasamang tao at masasamang anghel. Kaya naming pigilan yung mga masasamang anghel na pumapaligid sa kanila para mabawasan ang impluwensiya nila sa masasamang tao. Pero mag-ingat kayo, hindi namin pwedeng saktan yung mga tao."
Leah: "Huh! Sandali, sasabihan ko si Zach!"
Guardian Angel: "Bilis! Umalis na kayo dito!"
Leah: "Zach! Umalis tayo dito, may paparating na masasamang tao!"
Zach: "Ha? Leah kasama mo naman ako, tsaka dito yung daan papunta sa..."
Leah: "Zach! Huwag tayong dumaan diyan! Tara na!"
Zach: "Ah...Ok sige, babalik ba tayo doon sa..."
BROOOOMMMMM! BROOOOOOMMMMM!
Guy: "Oyyyy!"
Zach: "Oh! Daming motor ah..."
Leah: "Zach, sila 'yan!"
BROOOMMMM!!!
SKREEEKKKKK!!!
Guy: "Anong ginagawa ng magsyota dito... teka...."
Leah: "Huh! Yung mamang panget!"
Zach: "Sino kayo?"
Guy: "Oy! oy! Tingnan mo nga naman oh! Di ba ikaw yung babae na kasama ng bata namin dati sa eskinita? Yung tutor niya? Bakit di mo siya kasama ngayon? Hahaha!"
Goon 1: "Boss! Ito yata yung dahilan kung bakit isa-isang napupurnada ang mga trabaho natin dito eh. Dahil yung bata natin, sinasabi lahat dito!"
Goon 2: "Jackpot tayo boss, di na natin hahanapin ang sumbungera!"
Zach: "Anong kailangan niyo?! Hindi po kami naghahanap ng away!"
Leah: "Zach, umalis na lang tayo!"
..............
St. Michael: "Mga Anghel, tumingin kayo sa taas! Ayun ang mga masasamang espiritu! Lima din sila! Limang malalakas at maruruming anghel!"
Guardian Angel: "Kaya pala nagkakasala ang mga panget na 'to! Hawak nila ang mga taong 'to!"
Zach's Guardian Angel: "Paalisin natin yung bad spirits kuyaaaa para hindi masaktan ng mga tao yung alaga ko at si Leah... kuyaaaa..."
St. Michael: "Paalisin? Hindi. Sa papamagitan ng 'Kamay ng Diyos' ibabalik ko sila sa pinanggalingan nila!!! HEEYAAAAHHH!"
Guardian Angel: "Bunso, dito ka kay Zach, protektahan mo ang alaga mo, para mabantayan niya rin si Leah. Kami ng bahala ni Kuya Mike sa mga masasamang espiritu. Kapag napalayas namin ang mga ito, siguradong mapipigilan ang paggawa ng masama ng mga panget na yan kay Leah at Zach..."
Zach's Guardian Angel: "Opo kuyaaaaa...."
Guardian Angel: "Kapag may lumapit na masamang anghel, gamitan mo ng 'Liwanag ng Diyos'."
Zach's Guardian Angel: "Opo kuyaaa, kaso hindi ko po kayang saktan yung mga taong gustong manakit kay Leah at Zach..."
Guardian Angel: "Tama, pero gamitin mo yung kapangyarihan mo ng hindi sila masasaktan..."
Zach's Guardian Angel: "Opo kuyaaa, gagawa po ako ng paraan..."
Guardian Angel: "Gawin mo ang mission mo, kaya mo 'yan! Kami na ang bahala sa mga masasamang espiritu na umaaligid sa itaas."
St. Michael: "LUMIPAD TAYO! UBUSIN NATIN SILA!"
.................
Zach: "Wala po kaming mabibigay sa inyo, wala po akong pera..."
Guy: "Pera? Di namin kailangan ng pera! May kailangan lang kaming kausapin ng masinsinan. Yang babaeng 'yan! Lagi niyang kasama si Jerome!"
Zach: "Si Jerome?!"
Leah: "Nakita ko kasing kasama ni Jerome yung isang mamang pangit na yan sa eskinita dati, pero di ko alam kung ano bang pinaguusapan nila..."
Zach: "Wala po kaming kinalaman sa usapan niyo ni Jerome, paalisin niyo na po kami. Pakiusap."
Guy: "Bakit kayo aalis, maglaro muna tayo. Lika dito tutor! Ano yung mga sinasabi sa'yo ni Jerome tungkol sa amin?!"
Zach: "Huwag mo siyang lalapitan! Makikita mo ang hinahanap mo!"
Leah: "Zach! Huwag!"
Guy: "Wow! Ang tapang ng boyfriend mo ah? Anong akala mo sa amin? Makikipagsuntukan sayo? Meron ako nito... hehehe."
Zach: "....Ba..baril..."
Leah: "Parang awa niyo na po, wala talaga akong alam sa sinasabi niyo tungkol kay Jerome!"
Zach's Guardian Angel: "Baril? Halaaaaa! Teka... ano.. anong... gagawin....ko....sandali... Hangin... hangin... tama... hangin..."
BINABASA MO ANG
From Above
RomanceSynopsis: When 'extraordinary' choir girl Leah bumps (literally inside a Jeepney) into a very good-looking boy Jerome, her Guardian Angel helps them develop closeness. Despite the 'secrets' of Jerome, who now joined the parish choir where Leah sings...
